They were sipping their Cappuccinos while looking at the two guys laughing while using vape near the pool area of Divine's house. Nandito ang mag-kaibigan na Gregory o Greg sa lahat saka si Cindy. Both of them are already residing in States because of the latter's work. Habang ang mga babae naman sa coffee table sa lanai ay nagka-kamustahan.
"I can't believe both of you lasted," Cindy jokingly referred about her and Adam's relationship. Saksi si Cindy at Greg sa namumuong relasyon nila noon. Kilalang playboy at matinis sa chicks si Adam bago pa sila naging boyfriend-girlfriend. Although, the courtship didn't last for weeks neither months, kilalang-kilala na niya ang nobyo.
Ultimate crush niya si Adam noon at hindi rin sila masyadong close. Favorite student kasi nang Uncle Jerry niya si Adam kung kaya't nagkakilala sila. One month as friends, one week courtship and down to 3 years together as a couple. Of course, their relationship wasn't built with one night. They have issues like their attitudes, beliefs, priorities, principles and especially time management. Nag-aaway rin sila ngunit malaking factor na silang dalawa ay nagkaintindihan na hindi nila palilipasin nang dalawang araw ang away nila.
Tumawa siya sa turan nang kaibigan "Hindi rin madali makisama sa pabago-bagong attitude ni Adam," she stated honestly. "But, there's some improvement naman. He's becoming more serious now." Tumango ang kaibigan. Palagi niyang bukambibig noon na medyo suwail ang kasintahan. Naging ugali na niya na magsumbong dito tuwing nag-aaway sila.
She's glad that she found a true and genuine friend sa katauhan ni Cindy. Hindi sila masyadong close noon ngunit noong hindi niya maintindihan ang personalidad nang nobyo, at palagi lang silang nag-aaway inihahayag niya ang saloobin kay Cindy na walang tanong-tanong at tinanggap ang pagkakaibigan nila. Instant confidante niya ang babae sa unang taon nang relasyon nila ni Adam. Doon nagsimula kung paano naging close silang dalawa.
"Sira ka. Kahit naman palagi kaming nag-aaway, nagbabati rin kami agad noh." Defensive na sagot niya sa tono nito. Kakauwi lang nang dalawa galing sa ibang bansa dahil sa birthday party nang lola ni Cindy.
"No, seriously, Vine. You know what I mean." There was a point in their relationship that both of them actually thought the idea of breaking up, not because of a third party but because they thought they are not compatible with each other. "Halos ikaw ang nag-aadjust sa mga desisyon nyo noon."
Tama ito na magkasalungat ang pagkatao nila ni Adam. Kung ito medyo maingay at palabiro, siya naman ang mahinhin at seryoso. Kung ito medyo adventurous siya naman ay okay lang sa bahay, tamang nood nang TV, nagbabasa nang libro, nagdidilig nang halaman at kung anu-ano pa.
Noon, If Adam wants Chinese, she would also eat Chinese. If Adam wants horror instead of action, she would automatically watch horror to the point of being not interested every time they will talk. One of their biggest fight was when Adam wants to bring her to a colleague's birthday party held at a certain bar. Dahil hindi naman siya mahilig mag party at makihalubilo hindi siya pumayag. Medyo naging childish siya noong gabing iyon dahil nakumbinsi siya ni Adam na sumama ngunit hindi naman niya hinayaan si Adam makihalubilo. Dahil buong atesyon nang binata ay nasa kanya. Umuwi sila nang maaga sa gabing iyon not actually finishing the party.
"I know. We are working it out, Cind" sagot niya. "Wala naman kasing perpektong relasyon. No offense meant, kahit kayo ni Greg nag-aaway pa rin over petty stuff, right?" tumango-tango ang kaibigan
"But ours is different, Vine. Kasal na kami and we see each other 24/7 kahit mga bad side nakikita namin." Sabi ni Cindy "Anyway, hindi ka na ba tino-topak?" Cindy asked referring to something. Naka-taas pa ang kilay nito.
Selosa kasi siya at dahil si Adam ay Engineer maraming babaeng Architects at Engineers ang nakakasalamuha nito. Dahil required sa trabaho nito to travel tuwing may proyekto kung kaya't hindi niya maiwasan na magselos. Hindi simpleng selos kung di umabot pa sa hindi niya pagsagot sa mga tawag nito or hindi pag reply sa mga text. Very childish indeed.
Umiling siya sa kaibigan at pinandilatan ito nang mata "Of course, Cindy. Ano ba namang tanong iyan. You think ha, that's I'm still selosa." Tinawanan siya nang kaibigan saka ito nagpatong nang paa sa sandalan. "I already understand the nature of Adam's work and besides I know it's just work for him." Paulit-ulit kasi silang nag-aaway noon dahil sa pagiging selosa niya.
"That's good to know, then. May chika rin ako, alam mo bang umuwi na rin Cristelle? I saw it sa social media account niya." Cindy was referring to Adam's ex-girlfriend before her. Rumor has it that Cristelle and Adam broke up because Cristelle was bound to migrate in Singapore.
Nagkibit balikat lang siya sa sinabi nang kaibigan. "Really, Kelan daw?" tunog interesado ngunit ang kanyang atensyon ay nasa malamig na kape na.
"Last month pa yata. I saw her latest post that was taken in Aklan. It was also dated last month." Ang alam niya hindi pabor si Adam sa Long Distance relationship kung kaya nag break nalang ang dalawa. Wala rin siyang memorya nang babae kasi hindi naman sila nagkaroon nang pagkakataon na maging classmates. They were hanging with different and very opposite crowd. Sikat nga lang si Cristelle dahil hindi lang ito maganda at mayaman, matalino rin ito dahil palaging pasok sa honor roll.
"Anong ginagawa niya rito? Vacation?" kahit wala siyang interest sa usapan ay napatanong na rin siya. There's no point in coming back to Philippines if your family is already with you. Napaisip tuloy siya.
"Relax, girl." Nagawa pang magbiro nito. Inirapan lang niya ang kaibigan. "She's on vacation yata. She's with her group eh." May naramadam siyang kamay sa kanyang balikat. Nang tignan niya kung sino ito ay timing nagsalita ang may-ari nang malaking kamay.
"Who's on vacation?" tanong ni Adam sabay hila sa isang upuan sa tabi niya.
Patay malisyang umiling silang dalawa ni Cindy. "One of our batch." Nakita niyang humilig si Cindy sa baywang nang asawa.
"Greg, go get a chair. Don't insult us with your height." She uttered. Tumawa silang lahat saka ito kumuha nang isang upuan at tumabi sa asawa.
"Hindi rin kami magtatagal, guys. We'll be going home after." Nang tignan nito ang relo ay tumango nalang siya. She wished that nights will be longer especially that night. She really missed her best friend just eating out, enjoying their coffee and most especially gossiping. "But for sure, we'll be back." Both Cindy and she are inseparable. Kaya marunong na rin mag-adjust ang kanilang mga kasintahan.
"Balik kayo ha," she said while pouting. Umiling lang ang mga ito at ilang saglit pa ay nag tanong-tanong na sa kanyang bagong negosyo. Kung ano ang plano niya pagkatapos. Hindi rin nagtagal ang dalawa, pagkatapos magkamustahan, nagpaalam na ang mga ito na uuwi na sa tinitirhan ngunit nagpasabi na bibisita ang mga ito sa darating na mga araw.
BINABASA MO ANG
Take me in your arms, Love
RomantikWhat happened now, where did it go? We used to be so perfect together, we used to be the happiest couple alive but what happened? After 5 years, Adam and Divine met again. Adam is feeling mixed of emotion while Divine's face are void and dull. Doe...