Chapter 6

12 0 0
                                    

Nagising si Divine dahil nakaramdam siya nang panunuyo ng lalamunan. Tumayo ang dalaga at tinignan ang kabuuan nang kwarto. Madilim pa ngunit naririnig na niya ang ingay nang mga manok sa labas. Medyo disoriented pa na kinapkap ang cellphone sa ilalim nang unan.

Tinignan niya ang oras at napansin niya na may 3 messages siya. Two messages from Adam at 1 from Cindy. Napakunot noo siya. It's still four forty-five in the morning. Medyo inaantok pa siya ngunit kailangan talaga niya muna uminom nang tubig.

Nagsuot siya nang tsinelas saka naglakad palabas nang silid. Mukhang gising na ang kanilang kasambahay dahil may naririnig siyang ingay nang vacuum. Umiinom pa siya nang tubig pero ang mga mata nandoon sa kanyang hawak na cellphone.

Ilang saglit pa ay nag desisyon siyang buksan ang mga messages. Sa totoo lang hindi na siya naiirita ngayon, dahil siguro nakatulog na siya.

Fr: AA Adam

1:58 AM

Did I do something? I'm sorry then.


Fr: AA Adam

2:13 AM

Alright, I think you're very much tired. Sorry to disturb you. I love you..


Kung ano man na emosyon katulad nang pagkairita, selos o kung ano man iyon ay agad nalusaw. Her soft heart can't take Adam's words of sincerity. Ibinaba niya pa ang walang laman na baso saka nag reply.

To: AA Adam

Hi! Good morning. You're right I was very tired last night. Sorry nga pala. I love you too. Sorry for the late reply.

Nakangiting pinindot niya ang send. May yabag siyang narinig sa likod niya.

"O, Maam Vine. Gising ka na pala. Hindi pa tapos iyong tinolang sabaw. Kakain ka na po ba?" tanong ni Isay na may dala pang mop ngayon.

"Makakahintay ako Isay. Ang fresh mo ngayon!" ngiting-ngiti na sabi niya rito. Na-weirdo'han yata sa kanya ang kasambahay ngunit binalewala lang niya.

"Ang ganda yata nang gising mo maam" turan nito at nagsimulang mag mop sa sulok nang kusina.

Kahit siguro babalik siya sa kwarto ay hindi na siya makakabalik sa pagtulog kung kaya't naisip niyang siya nalang ang magluluto.

"Ano bang niluluto mo Isay?" tanong niya saka tinignan ang stove.

"Nag tinola po ako maam, pagkatapos po niyan mag-luluto ako nang fried rice. May gusto ka pong kainin?" Umiling lamang siya saka nagkuha nang kaldero para mag fried rice.

Umiling-iling lang ang kasambahay saka nag mop ulit. Hindi nito gustong masira ang magandang mood nang batang amo.

Tapos na siya sa fried rice, hotdog, tuyo at mukhang luto na rin ang tinolang manok. She prepared the utensils when her mother entered the kitchen. She was still wearing her long daster.

"Wow. Mas na-una ka pa magising kaysa sa akin. May lakad ka ba?" tanong nang kanyang mommy na tinignan lahat ng putahe sa lamesa.

Although her mother has a simple beauty, she looked like she never aged. Kahit medyo may kulubot na ang mukha ay hindi pa rin halata ang totoong edad nito.

"I had a good sleep." She then kissed her mother's cheek. "Is dad still sleeping?" tanong niya nang natapos na siya sa ginagawa ay pumunta siya sa peculator para sa kape nang mommy niya ngunit pinigilan siya nito.

Take me in your arms, LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon