SOFIA'S POV
Pagkatapos ng klase namin, agad kong nilapitan si Drei at hinablot ang kwelyo nito. Buti nalang at konti nalang ang nandito kung hindi lagot ako sa mga 'new fans' neto. Hindi ko ikakailang may mga nagkakagusto agad sa kanya. Tingin palang, alam na.
Gulat pa siya nang tumingin sakin at kalauna'y ngumiti.
"Bakit andito ka?" Iritado kong tanong at binitawan ang kwelyo niya.
"Kasi andito ka?"
"Sagutin mo ko nang maayos." Seryoso kong sabi saka humalukipkip.
May sumupil na ngiti sa mga labi niya kaya napataas ang isa kong kilay.
"Oo na. Sige. Tayo na."
Napatampal ako sa noo ko. Kahit kelan talaga! Bwesit!
"Wah!" Narinig kong tili ng ibang kababaihan.
Agad kong tiningnan ang mga ito saka pinatahimik gamit ang mata. Mabuti at takot sakin.
"Drei, umayos ka. Baka masapok kita riyan"
Tumayo ito at nilapit ang mukha sakin. Automatic na napalayo ng konti ang muka ko.
"A-ano ba?!" Bulyaw ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Gusto kong mag-aral rito kasi andito ka."
Tumikhim ako at inayos ang pagkakatayo.
"Walang kwentang sagot."
Bumalik nalang ako sa upuan ko at iniwan siyang tumatawa ng mahina.
"Bwesit talaga!" Bulong ko saka dumukdok.
-
DREI'S POV
Natatawa nalang ako habang nakatingin kay Calei... Walang kupas, mataray at palaban pa rin.
Napapailing nalang ako at nangalumbaba, nasa iisang dereksyon lang mga mata.
"Wah! She's so maswerte!"
"Sinabi mo pa!"
"Maland8 naman yun eh!"
"Sa bagay, ikaw rin naman."
-
AKHERO'S POV
"Pre."
Napalingon ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Bakante ba 'to?"
Hindi ako kumibo kaya umupo na sila sa dalawang bakanteng upuan.
"Bro."
Napalingon ako kay Luke nang tinapik niya balikat ko.
Tinitigan ko siya nang may pagtataka.
"Ayaw mo kong kausapin?"
Napailing iling ako sa tanong niya. Isip bata.
"Eto oh, bumili na kayo ng makakain niyo."
Agad na nagliwanag ang mata ng dalawa at dali daling kinuha ang inabot kong pera. Paniguradong ubos ang limang daan ko. Mga buraot!
"Sabi ko sayo pare, iyon lang katapat ng dalawa eh." natatawang sabi ni Eros at tinitigan ang dalawang nag bubungguan ng balikat. Nag uunahan sa pila.
Napangiti ako. Tsk!
'True friendship is stronger than coffee.'
-
SOFIA'S POVAnother subject...
"Guys!"
Pagpapatahimik ni ma'am sa mga kakadating lang na mga kaklase ko.
"Ngayon daw ang program for opening, alam niyo naman siguro yun?"
Nagsipag opo kami, kahit hindi ko alam.
"Good! So for now, kelangan muna nating mag assign for Class monitor... Any nomination?"
Nag taas ako ng kamay... Nagulat ako ng biglang tinapik ng katabi ko ang kamay ko. Pinandilatan ko siya at tinaas ulit ang kamay, kaso... hinawakan niya saka binagsak sa desk namin. Sinusubukan talaga ko neto eh, kinuha ko ang kamay niya saka hinigpitan ang pagkakahawak.
Lumukot ang muka niya dahilan para ngitian ko siya ng pagkatamis tamis na ikinangiwi niya."L-let go of me..." Madiin na sabi niya at pinandilatan ako.
"Ayoko."
"Bitawan mo k---aray!"
Napabitaw ako ng bigla siyang sumigaw.
"Mr. Akhero, bakit?" Tanong ni Ma'am kaya napangisi ako.
Nakita kong sumama ang tingin ni President sakin at hinilot hilot ang kamay niya.
"It's nothing ma'am. Continue what you are discussing...
"The listed names at the board were Fiona, Warren, Paula, Leah and Yeonn-"
"MA'AM!" sigaw ko at tumayo.
"Yes Ms. Tolentino?"
Napangiti ako at tinuro si Drei, nagtataka naman niya akong tiningnan bago tinuro sarili niya, ngumisi ako at inirapan siya.
"I nominate him..."
Naghiyawan ang mga babae dahilan para mapangisi ako lalo.
'A big responsibility will be in your hand my dear Drei....'
Napabungisngis ako.
-Meanwhile-
Nagtataka kong pinalibot ang paningin ko. Lahat sila nakatitig sakin na parang nababaliw na ako.
Clueless ko namang tiningnan sarili ko... And I realized that I didn't evil laughed in my mind, I laughed in reality...
Hilaw akong ngumiti sa kanila at umupo, tinakpan ko ang mukha ko at nahihiyang inirapan si President na tumatawa ng mahina.
"You jerk! Wag kang tumawa!" Gigil kong bulong sa kanya na ikinatawa ulit niya ng mahina.
"Karma is a bith, Ms. Tolentino."
Ngumiwi ako. Oo, alam ko Akhero! Bwesit ka.
---
A/N: Don't forget to vote, comment and share AnyeeBies❤Labyuuuuallllll mwahhhh <3

BINABASA MO ANG
President Vs. Palaban Girl (Complete)
Teen FictionNagbago ang buhay ni Caleilah Sofia Tolentino nang lumipat siya sa paaralang may Supreme Student Government President na dinaig pa ang menopausal sa kasungitan. Sa daming nangyari ay may mga bagay pa na nakungkat sa nakaraan ni Caleilah sanhi upang...