VI-SEATMATE

2.2K 106 2
                                    


AKHERO'S POV

Napapailing nalang ako habang nagsisigawan ang mga officers dito sa loob ng Office namin.

"Ang ganda!"

"Cool!"

"Astig!"

"Shet mga inosente mata ko!"

Napatingin ako sa Escort namin na agad namang natahimik. Manyak talaga.

"Siya ba yung transferee na niligawan ni Zyque the Great?"

Napalingon ako sa Treasurer namin.

"Siya nga! Kaya pala nakaprivate dati ng relationship nila kasi maganda talaga yung babae!"

Inayos ko ang uniporme ko at tumayo.

"I will go back to my room." Paalam ko.

"Pwede naman Pres kahit wag na raw sabi ni Sir."

I nodded pero lumabas pa rin ako ng office. Ang iingay nila, I need a break. Sumakit ulo ko dahil sa babae na 'yon.

-

ZYQUE'S POV

"Woah!"

Manghang sigawan ng mga lalaki dahil napanalo ni Sofi ang isang laro.

"Ano na naman ba to?"

Napaface palm nalang ako ng biglang tumawa ng malakas si Sofia. Kupooo! Nang aasar na to eh.

"Ops! Tama na muna boys. Andito si Mons-I mean Mr. SSG President." Paalam nito sa mga lalaking kalaro.

Kung pwede ka lang hilahin palayo sa mga lalaking 'yan, Sofi... Kung pwedeng sakin ka lang nakafocus... Kung pwede lang...

"Steven!"

Dali daling tumayo si Steven at lumapit kay Akhero.

"B-bakit po?"

"Sino may pasimuno nun?"

Nagdadalawang isip pa si Steve kung sasagutin niya o hindi.

Lumingon siya kay Sofia dahilan para malaman ni Akhero na si Sofia ang may pakana.

"Ikaw na nama-"

"Pakialam mo?" Pambabara ni Sofia na ikinangisi ko.

"Pakialam ko?Excuse me, Lady. Pero ako ang SSG President dito sa school at wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan dahil in the first place may karapatan ako sa lahat...even sayo."

Napatingin ako kay Akhero dahil seryosong-seryoso siya habang nakapameywang.

"Tsk! Assuming ka?"

"Hindi sadyang nagsasabi lang ng totoo."

"Duh! Naglalaro lang kami ng ML! Anong masama roon? Bilib na bilib lang sila sa paglalaro ko ta's eepal ka? Wala kang sense of humor!"

"Sense of humor mo mukha mo. Maupo ka nalang diyan at umaktong babae!"

Narinig kong bumubulong pa si Sofia kaya natawa ako ng mahina. Palaban na isip bata.

-

AKHERO'S POV

President Vs. Palaban Girl (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon