SOFIA'S POV
Isang malutong na mura para sa mga taong andito ngayon sa harapan ko!
POTANGINAAAA!
"Bira na." Boring ko na sabi habang tinitingnan ang mga hinayupak na may mga dalang tubo.
Mapapaaway nalang ngayon pang weekend? Ang malas na nga ng buhay ko dadagdag pa 'tong mga potanginang ampapanget na 'to!
Naglalakad kasi ako sa labas ng Subdivision namin dahil nakakaboring sa bahay tumambay, dagdag pang wala si Mame sa bahay dahil may inaasikaso sa Resort na pag mamay ari nami—nila.
Gusto ko sanang magpahangin lang pero istorbo 'tong mga hayop na 'to eh. Nakawala ata sa Zoo, mga depota! Badtrip talaga ko."Grade 12 ka na pala Queen?"
Kilala naman pala ako eh. Bat wala pang sumusugod? Ampapanget nilang lahat!
"Sino nag-utos sa inyo?"
Kanya kanya silang tinginan at tumawa, malademonyong tawa.
"Si Thunder... alam mo naman si Boss gumalaw 'di ba? Mabagsik!"
Nagtawanan ulit sila dahilan para makitawa na rin ako. Tangina! Ang plastik ko.
"Sobrang bagsik!" Pahinto hinto kong tawa, sarcastic.
May bigla nalang sumugod sakin. Abay! Muntik na ako roon ah! Wala bang singal? Depota, 'di pa naman nangangati kamao ko. Hays!
Ang alam ko lang marami na kong napatu?ba dahil may hawak na rin akong tubo. Pero di pa rin maiiwasan na matamaan kagaya nalang ngayon ...
Natamaan ako sa ulo, tangina! Nandilim saglit ang paningin ko pero pinilit ko pa ring tumayo, shit! Ginagalit ako ng mga hayop na 'to!"Laban Queen," humahalakhak ito nang sobrang lakas.
Nang inis pa ang hinayupak, andito na pala at nanonood. Ano bang kelangan sakin ng hayop na ito at ngayon pa ako naisipang kalabanin?
"T—thunder... You never failed to amuse me. Fight me!" Panghahamon ko at binagsak sa semento ang tubong dala ko. May apat pa na natira pero tumba na ang 'di ko mabilang, lagpas sampu.
Lumapit nga ang gago. "I will not waste my time for your weak fight, Queen. Sila na bahala sa natirang katiting na lakas mo."
Aba't para natamaan lang sa ulo? Konti nalang lakas?
Baka nakakalimutan mo kung sino ang nasa harapan mo, Thunder...
May sumugod sakin at hinampas ako ng tubo sa balikat. Napahawak ako roon pero agad ding bumawi, sinuntok ko ang mukha niya at sinipa. Gusto kong lumipad sa ere pero nanlalata na ako. Putangina! Wala bang knight in shining armor riyan? Kahit ngayon lang?
Shit, ayokong mamatay sa ganitong sitwasyon!
"Kaya pa ba Queen?"
Natamaan na naman kasi ako sa tiyan, sinikmuraan ako. Hindi na sila gumagamit ng tubo dahil mahina na raw ako. Putakte! Malakas pa ko, wait lang at magpapahinga ako.
Sinalubong ko ang dalawang kamao nila gamit ang dalawang kamao rin, shit! Sumasakit braso ko. Buong lakas ko iyong inikot, mabuti at nakisama ang malalambot nilang buto. Namilipit sila sa sakit at bumagsak sa lupa, saka ko na binitawan nang may marinig na parang butong nabali.
Tumayo ako nang maayos at nagstretching. Feeling ko nabalian din ako ng balikat. Mga hinayupak kasi 'tong mga 'to! Panget ang tyempo niyo!
"LAPIT THUND—"
BINABASA MO ANG
President Vs. Palaban Girl (Complete)
Teen FictionNagbago ang buhay ni Caleilah Sofia Tolentino nang lumipat siya sa paaralang may Supreme Student Government President na dinaig pa ang menopausal sa kasungitan. Sa daming nangyari ay may mga bagay pa na nakungkat sa nakaraan ni Caleilah sanhi upang...