XXXVII-SUITOR

1.4K 73 2
                                    

SOFIA'S POV

Ang kapal ng mukha niyang sabihing mahal niya ko! Manloloko.

Hindi niya ba naisip na may masasaktan siya? Paano si Kylan? Paano na ang babaeng 'yon?

"Damn it!"

Nanlaki ang mata ko dahilan para mapatago ako sa may likod ng halaman. Sinilip ko siya. Para siyang 'di mapakali habang nagpapalinga linga. Panay rin ang mura niya habang naghihilot sa sentido niya.

"Where are you?" Inis na sigaw niya at tumakbo na sa kung saan. P-parang tanga! A-akala niya ba kikiligin ako sa pagsunod niya sakin?Ha! Hindi 'no! Hindi kayo nagkakamali... Nakakainis naman kasi! Bakit niya ba 'to ginagawa? May gf kaya siya!

"K-kala mo ba maglelevel up ang STRANGER-thingy natin? Utot mo!" Inis na sabi ko sa sarili at umupo sa damuhan at pumikit. Leche! Nag iinit ang pisngi ko... lalagnatin kaya ako?

"Got you!"

Nanlaki ang mata ko nang makita ang nasa harapan ko. P-paanong? Shit! Paano niya ko nakita? Akala ko ba tumakbo na siya?

"A-anong...ilayo mo 'yang muka mo! Gago ka ba?"

Tulak ko sa mukha niya nang dumukwang siya at nagbend para magpantay ang muka namin.

"Tsk! Tsk! Tsk! Akala mo ba matatakasan mo ko?"

Susuntukin ko na sana siya nang hinarang niya ang kamao ko gamit ang kamay niya, hindi na niya binitawan! Bwesit! Hinaplos niya iyon at marahang ibinaba pero hawak pa rin.

Sisipain ko naman sana siya sa yaman niya nang inikot niya ko. Dagli akong nawala sa katinuan dahil sa ginawa niya. Naramdaman ko nalang ang mahigpit niyang yakap sa likod---ramdam ko rin ang ano... Char yung tibok ng puso niya. Leche! Bakit ba ganito siya ha? Pinapahirapan niya lang ako lalo!

"B-bitawan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko. Saka ko lang nalaman na hawak niya ako both hands habang yakap ako patalikod, nakalusot sa gilid ng bewang ko ang dalawa niyang braso at ramdam ko sa tenga ang mainit niyang hininga...bango. Kill me now! Mababaliw ako sa lalaki na 'to!

"Pag binitawan kita, tatakbo ka na naman? Tatakasan mo na naman 'yong sinabi mo kanina? I will never let you go...again. Damn it! Bakit ba ang lakas nang tama ko sayo ha? Caleilah? Anong pinainom mo sakin?"

Gago ba 'to? Ako pa tinatanong niya! Siraulo.May topak.

Dapat ako nagtatanong sa kanya niyan.

"M-manahimik ka nga! At bitawan mo ako! Baka kung ano pa isipin ng girlfriend mo!"

Kinilabutan ako nang marinig ang tawa niya sa mismong tenga ko...

"Eh ano ngayon sakin? At ano bang iisipin mo?"

Ha? 'Di ko gets. Gago 'to! Ako ba girlfriend niya para ako tanungin niya ng ganun?! Baliw na lalaki 'to. Iitlogan ko 'to, makita niyo. Di na magkakalahi 'to!

"Tsk! Tsk! Caleilah..." Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. 'Di ako makagalaw! Leche! Sisikuhin ko abs nito!

"L-lumayo ka nga! Ano ba?!" Inis na sigaw ko. Kinikilig---este naiinis na ako!

President Vs. Palaban Girl (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon