XLVIII-JUSTICE

1.3K 61 0
                                    

SOFIA'S POV

Parang tanga si Akhero. Kahit na sinabi kong kaya ko namang maglakad dahil maayos na ang pakiramdam ko at hindi na ganoon kasakit ang tiyan ko ay pinlit niya pa rin akong buhatin.

"Kaya ko nga. Para kang tanga." Nakangiti kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad.

Nadischarge na kasi ako kaya ganito ka careful si Akhero sakin, nanirahan na ako sa hospital nang isang buwan. Ewan ko ba rito, dinaig ko pa balbado.

"Hays!" Naiinis na sabi niya, pero hindi naman talaga naiinis. May sumusupil na ngiti sa mga labi.

Napatingin tuloy ako sa likod, tumatawa sila. Pinagtatawanan nila kami. Well, whatever.

Sila mommy, daddy at kuya.
Si Tekla, baby ann at Drei.
Si Zyque and Mile(ngayon lang bumisita)
Si Luke and Fiona(Bati na kami ni Fiona)
Si Marianne at Draven? Ayon nasa hospital din, pero hindi rito.  1 month palang ang nakalipas 'di ba? Ade bawal pang maglakwatsa si Mommy Marianne. Hindi naman pwedeng iwan ni Draven 'yon. At ayos na sa akin ang pagtawag nila at pagkumusta sa akin.

"Nakakahiya Akhero!" Mariin kong bulong at tinakpan ang muka ko. Pati mga nurse pinagtitinginan kami at palihim na tumatawa. Busalan ko mga singit niyo makita niyo!

"Tsk! Kinakahiya mo ako?" Inis na tanong niya at nakita kong seryoso nga ito.

"Of course not! Ang cute cute mo kaya. Bakit kita ikakahiya?"

Sinamaan niya ko ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating sa parking lot ay agad niya akong dineposito sa shotgun seat at umirap. Bakit ang cute cute niya?
He's really manly okay? But the way he rolled his eyes, damn boy, mapapaisa ka pa.

"Hindi raw tayo dederetso sa inyo. Pupunta raw tayo sa bahay ng mga umampon sayo dati."

Napabuntong hininga ako kaya hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod.

"Everything will be alright, Loves. Don't worry..."

Tumango ako kahit nakinabahan.

"And one thing," Inis niyang sabi sakin. Inaano ko ba 'to? "Andito lang ako lagi sa tabi mo hm?" Malambing  niya na sabi at pinaandar na ang kotse.

Napangiti ako bago tumango.

Uuwi na raw sila Tekla kaya kami nalang nila Mommy siguro ang gogora sa kung saan man 'yon. Kinakabahan ako.

AKHERO'S POV

"WALA AKONG PAKIALAM KUNG AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAROON SIYA NG AMNESIA!"

This is so absurd. I don't know if Caleilah can accept this.

"Tago ka nang tago Meli! Hindi ko alam kung saan ka hahanapin, lalo na't wala na si Steve. Sa tingin mo ba matatakasan mo pa rin ang kasalanan mo? Alam nating lahat kung bakit nagkaamnesia ang anak ko!"

Nanatili akong nasa tabi ni Caleilah habang hawak hawak ang isang kamay niya. Kalmante lang siya at hinahayaang kausapin ni Tita ang suspect.

"Anak mo? Anak ni Margaret 'yan!"

"IKAW! IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT! KUNG HINDI MO LANG TINAKAS SI SOFIA NOONG BABY PA SIYA, HINDI SIYA MAPUPUNTA SA ORPHANAGE! DOON MO SIYA BINIGAY KASI ALAM MONG MALAYO IYON DITO! HINDI AKO TANGA PARA HINDI MALAMANG IKAW ANG MAY DAHILAN KUNG BAKIT ANDOON SI CALEILAH! TAPOS KUKUNIN MO NANG MALAKI NA SIYA? NANG MAY ISIP NA PARA ANO, SAKTAN?"

Nakita kong nangingilid ang luha ni Caleilah kaya hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit.

Humalakhak ito."TANGA KA LANG DIANA!"

President Vs. Palaban Girl (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon