"So, LQ kayo?" bulong ni Jess sa akin.
Lumayo ako agad sa kanya at hinampas siya. Jess and Rom laughed.
Today is the last day of the PIF launch. We're ending it with a turnover ceremony of the newly-renovated San Vicente Livelihood Center to the organization who will be managing it.
"Alam mo, bilib ako sayo, Val. I have never seen Javi that moody since college." Kwento ni Rom sakin.
I looked at the man in question and he was busy talking to the Nanays of SVLC. Ngumingiti pa nga ang loko. Parang di naman affected.
Tumawa si Jess. "Hindi lang halata, pero sobrang sungit niyan ni Javi since Thursday."
"Pakihanap nga yung paki ko." I answer.
Actually, may paki talaga ako. Simula nung usapan namin 3 days ago, Javi has been deliberately avoiding me. The reports and presentations na usually ako ang nagbibigay sa kanya, either si Jess or si Eds na ang pinapatawag niya. Even the updates for Rom's team, hindi na ako ang tinatanong niya directly.
Kanina, on the way here, he opted to ride shotgun maiwasan lang tumabi sakin sa shuttle service. Hindi naman sa nakokonsensya ako, pero parang ganun na nga. Pero hindi ako magssorry. Pride chicken ako e.
Hindi ko namalayan na papunta si Javi sa kinatatayuan naming tatlo. Nang makarating sa harapan namin, kinausap nya agad si Jess and Rom, ignoring me kahit na tatlo kaming magkakatabi. Umalis din siya after makausap si Rom.
Kumanta si Jess bigla, "Into the Unknooooowwwnn!!!!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa silang dalawa ni Rom. "Daig niyo pa ang Arendelle nung na-freeze ni Elsa sa sobrang cold niyo sa isa't-isa." Jess said while laughing.
Hindi ako cold. Mainit ang ulo ko. Pero if that's how he wants it, two can play at this game.
>>>>>
Akala ko kakalma na ako kung magpapaka-busy ako sa pag-aayos ng mga stocks kasama sa turnover. Hindi pala.
Nagdadabog ako sa loob ng maliit na opisina ng SVLC nung maabutan ako ni Aimee.
"Nandito ka pala?" Aimee said, dropping another set of boxes for me to organize.
I grumble. "Oo, dito na lang muna ako. Walang mga asungot."
Sa labas kasi, pinapaalala lang sakin ni Jess na talagang iniiwasan ako ni Javi. Case in point, iniwasan nyang magpintura sa lugar kung saan ako nagpipintura. Sa pagkabwisit ko, umalis ako at nagkulong dito sa stock room.
"Nag-away ba kayo ni Javi?" Aimee asks.
"Una sa lahat, kasalanan niya! Hindi naman ako ang—" natigilan ako. "Paano mo nalaman? Sinabi ba ni Jess sayo?" Pinaningkitan ko siya ng mata.
Aimee smiled, "Wala namang kailangang magsabi sakin para makita ko kung paano kayo mag-iwasan. Kahit na halata namang hinahanap niyo ang isa't-isa."
I made a face at what she said. "Wala akong pakialam sa kanya 'no, excuse me." Pagdadabog ko.
Aimee chuckled. "Ano ba kasi ang nangyari?" Tinapik niya ko ng marahan habang tinabihan ako sa pag-aayos. Kinwento ko sa kanya ang mga nangyari at ang mga sinabi ko. Aimee laughed.
"Alam mo, Val, I've always admired your ability to speak your mind. Pero sa pagkakataong ito, I think you went over the line." She explained calmly.
BINABASA MO ANG
The Dreamers
ChickLitThe Mayor and the Idealist. --------------- Javier Genrio. The young mayor of San Vicente who dreams of changing the world. All that matters to him right now is his dreams. Nothing more, nothing less. Valerie Sario. A bright and idealistic young gir...