AREA 2

16 2 0
                                    

Tahimik kaming nagbabyahe ni Beth, marahil ay pupunta kami sa Museum of Science here in Boston pero ang malaking pinagtataka 'ko lamang ay ang ang dami niyang dinalang bagahe. Siya ang nagmamaheho ng kaniyang kotseng aming ginamit pambyahe, at ako naman ay pinagmamasdan ang bawat paligid na aming dinadaanan. Namamangha ako sa bawat matatayog na punongkahoy na aming nadadaanan, karamihan dito ay ang mga punong maple na nababalutan ng nyebe. Ito ang pinakapaborito 'kong senaryo, saksi ang aking paligid kung paano ko minahal ang kalikasan. I'm an aesthete, I love roads, streetlights, woodlands, snow, rain, autumn and everything about nature. Ang ingay ng mga kuliglig at huni ng mga ibon ay tila musika sa aking pandinig. Binalot kami ng katahimikan, tanging mga tunog ng mga sari saring sasakyan ang aming naririnig. Ilang sandali pa, tumikhim si Beth, hudyat nito ang pagsisimula ng kumbersasyon.

"Sino nga pala yung guy na kausap mo kahapon?" tanong ni Beth.


"Saan?" kunot-noo 'kong tanong.

" 'yung sa coffee shop." napapikit ito.

"Ah 'yun, estudyante ko." sagot ko.

"Kala ko naman magkaka love life ka na." aniya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, kitang kita ko sa peripheral vision ko ang pagbubusangot nito. Bigla ko siyang nilingon.

"I'm not pedophile, kung magkaka love life man ako, syempre hindi 'yung mas bata pa sa'ken, baka kasuhan pa'ko ng child abuse ng wala sa oras." pagtataray ko.

" 'E ang tanong kailan ka pa kaya magkaka love life? Jusko, kung mayroong darating ako mismo magtatayo ng fans club niyo. " saad nito.

I laughed.

" Beth, sa ngayon, focus muna ako sa paghahanap kay dad. Ngayon pa na ginaganahan na'ko sa pag galugad ng mga impormasyon at sa pag-aaral hinggil sa conspiracy theories."

"Diyan, diyan ka magaling. Baka mamaya mainlove ka sa alien at magtataka na lang akong may sarili ka ng space aircraft, hindi ko kakayaning ang pinakamatalik 'kong kaibigan ay dyosa na ng mga alien." mabilis na sambit nito at siya namang pagkakunot ng noo ko.

"Who would actually thought na ang pinakamatalik kong kaibigan ay magsasalita patungkol sa mga unusual stuffs, I'm glad Beth, may karamay na ako." sambit ko sabay ngisi.

She rolled her eyes.

And yeah maybe, baka nga mainlove ako sa isang alien, malay natin, who knows." I shrugged.

Nakita ko siyang umiling.





Kalakip ng tugtog ng awiting Jesus take the wheel, mababanaag sa aming diwa ang pag-asa at kaliwanagan, hindi lamang nang dahil sa mapayapang byahe pati na rin sa pagkakaroon ng mapayapang bakasyon. Hindi ko na alam pa kung anong plano ko sa buhay. Simula nang nawala si dad, hindi ko na nakita ang halaga ko bilang isang anak. Lumaki ako na katuwang ang apat na sulok na silid, hindi lumalabas ng bahay, tanging gitara, mga aklat, pluma at papel lamang ang aking kaibigan. Weird but, I'm scared to human, I'm a bit loner, a deep thinker. My soul is hidden with apathy, yet my heart is an empath. I also accept anything less than what I deserve. I'm an airmonger, a dreamer and very passionate. I see that there's a lot of stuffs erroneous with our society and at the same time I feel like I just don't fit in. I'm too weird for the normal people, and too normal for the weird people. I just feel like a civilian most of the time. Sabi ko na nga ba alien ako. Bwahaha.

Sa aking pagbulay bulay, nakatulog ako ng may kaluguran.

******


"Hello Cincinnati!"

Naalimpungatan ako nang marinig ang hiyaw ni Beth. Bigla akong napatingin sa aking wrist watch. It's 8:00 pm. Teka, alas otso na ng gabi? Umalis kami ng alas syete ng umaga at ang buong akala ko ay sa Boston lamang kami patutungo. What the fudge Bethany? She didn't even told me that we will visit mom. That woman.

Project Area 51 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon