"To tell you darling, hindi ka agad-agad makapasok sa Area 51. Kaya huwag mo nang ituloy ang binabalak mo." paalala ni Cole. Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa Las Vegas airport. (McCarran International Airport). Alas nuwebe na rin ng gabi ngunit buhay na buhay pa rin ang paligid.
"Naitindihan ko na para ito sa father mo, I admired your father a lot. Pero huwag sa ganitong paraan, darling. " dagdag pa nito."So matagal mo na palang alam na anak ako ng isang Thomas Fitzbert Lazar?" tanong ko sabay krus ng aking mga braso.
"Of course darling, sikat na sikat siyang inventor at physicist dito sa America, kayat nagulat ang lahat nang nawala siya. " anito.
"Nang dahil sa kaniya, muli nanamang nalagay sa spotlight ang mga impormasyong tungkol sa Nevada range na pilit na kinukubli ng gobyerno. " dagdag pa nito.
Uhuh? So kasalanan pa ni dad na muling naungkat ang mga impormasyong tungkol sa Area 51? Mukhang ipinahihiwatig niyang mas importante ang reputasyon ng Area 51 kompara sa pagkawala ni dad.
"Anong ginagawa ng mga awtoridad? Bakit hanggang ngayon wala pa ring lead sa pagkawala ni dad? B-Bakit? Bakit parang wala silang pakelalam. Bakit parang wala namang gustong hanapin siya? Bakit pilit pa rin nilang itinatago sa publiko ang pagkawala ni dad? Nang dahil sa pesteng pasilidad na iyan na pilit nilang nililihis sa madla, ang mga usapin sa media at maging sa mga diyaryo. Sabihin mo nga sa akin Cole..Anong misteryong bumabalot sa Area 51 na iyan?" pagsusumamong tanong ko. Sa limang taon na nawala si dad, nanatili akong kwestyonable. Napagtanto 'kong may namumuo na palang mga luha sa aking mga mata.
Napatigil si Cole sa kaniyang paglalakad, binitawan niya ang kaniyang dalang mga maleta at humarap sa akin. Napakawak siya sa aking pisngi at marahan niyang pinunas ang mga tumutulong luha sa aking mata.
"May mga bagay na hindi maaaring sabihin Ms. Lazar. Kahit ano pang mga tanong ang maibabato mo, kahit ano pang mga hinuha ang namumuo sa iyong isipan. Para din ito sa iyong kaligtasan. " bulong nito.
Tinanggal ko ang mga palad niya sa aking pisngi at nagsimulang maglakad sa labas ng airport. Huminto ako sa bandang waiting shed upang maghintay ng masasakyang taxi. Nakita 'kong sumusunod si Cole sa akin ngunit hindi ko ito pinansin. Bakit kase hindi niya maaaring sabihin 'kung anong misteryong bumabalot sa Area 51?"Gabi na, mas mainam siguro 'kong sumama ka na lang sa akin para naman masisiguro 'kong ligtas ka. Batid 'kong wala kang kakilala dito sa Nevada at nagsisinungaling ka lang na may dadalawin kang kaibigan. " aniya, napahinto ito sa aking gawi.
Nakaramdam ako ng hiya, bakit ko pa kasi sinabing may dadalawin akong kaibigan sa katunayang wala naman pala, atsaka wala akong kaalam alam sa lugar na 'to, baka maligaw pa 'ko.
"Maraming salamat Cole pero kaya 'ko ang sarili ko. " pagmamatigas ko.
"Sigurado ka ha? Alam mo bang may kumakalat na mga adik dito sa labas ng Las Vegas airport tuwing gabi?. May kinikidnap silang mga dalaga at nagulat na lang kami na may nawawala ng-..."
"Sinisindak mo ba ko?" mabilis 'kong tanong.
Napabuntong hinginga ito.
"Sige mauna na ako, ingat ka. " aniya.
Hindi ako tumingin sa kaniya. Maraming tao rin ang naghihintay ng taxi kayat pinauna ko na lamang sila. Wala na sa paningin ko si Cole, ang bilis niya namang maglaho, daig pa ang bula.
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, maganda nga ang Las Vegas. Unti-unti na ring nawawala ang mga nyebe sa daan. Napagtanto 'kong wala na palang mga pasahero. Ilang minuto na rin akong naghihintay ng taxi, hindi na 'to biro.

BINABASA MO ANG
Project Area 51
Fantasy"Area 51" A forbidden place where she found her forbidden love. Pinasok ni Sapphire Zinlea Lazar, isang propesor ng liknayan, ang Area 51 upang hanapin ang kaniyang nawawalang ama, ngunit umiba ang takbo ng kaniyang pakikipagsapalaran sa kaka...