AREA 5

12 2 0
                                    





09343657765: Mr. Kendrick Lapaz.


Ito na 'yung pinakahihintay 'kong araw, I will call my student Kendrick, dahil may tiyuhin itong piloto, siya 'yung huli 'kong nakatagpo sa Cafe, sa Massachusetts. Naisip ko ring sumakay nalang ng eroplano ngunit nakakahiyang aminin na ayoko sa maraming tao, atsaka mas mapadali kung sasakay ako sa private service.

Over the phone.

"Pasensya na Prof, busy daw ho kase si tito Vin, may bakante pa naman itong chopper pero walang bakanteng piloto. Loaded ho kase siya ngayong week. " desmeyadong tinig ni Kendrick.

"Ah ganon ba? maraming salamat sa effort Mr. Lapaz, I appreciate it." matamis 'kong wika.

"Wala hong anuman, pasensya na po talaga."

"Ayos lang. " tugon ko.

call ended.

Paano na 'to? mukhang wala na akong ibang pagpipilian pa kundi sumakay ng eroplano. Hahanap lang ako ng tiyempo upang makaalis, gusto 'kong umalis nang hindi nila alam upang wala akong maisasabing alebai.

Land Vehicles.
From: Cincinnati, Ohio, USA To: Las Vegas, Nevada, USA 28 h (1,938.7 mi) via I-70 W.

Plane:
The flight time from Cincinnati to Las Vegas is 4 hours, 7 minutes. The time spent in the air is 3 hours, 48 minutes. The flight distance from Cincinnati to Las Vegas is 1678 Miles.



Kasalukuyan kami ngayong nasa hotel ni Beth, dito kami natulog simula kagabi. Malapit ako naligaw sa eskinita kagabi mabuti nalang natagpuan ko si Cole. Masyado kase akong malimutin sa mga direksyon, kaya palagi akong naliligaw hayss.

Nag-check in din si Gideon dito sa hotel na ito, sabay kaming tatlong nag-almusal kanina, habang tumitingin ako kina Beth at Gideon, nakaramdam ako ng pagkakasala sa aking kaloob looban. At same time, mamimiss ko rin 'tong dalawang 'to. Paano nga kapag tagumpay akong makakapunta sa Las Vegas at hindi na 'ko makakalabas ng Area 51?
May naghihintay pa sa aking mga estudyante sa Pinas, isama mo pa sina Aunt Dorothy at Liana na walang kaalam alam sa mga plano ko. Bahala na, hindi ko maaaring ipagkatiwala ang aking sarili sa kung ano man ang mangyayari. Ipasa Diyos ko na lamang ang lahat.

Napatigil ako sa aking pagbulay bulay nang biglang pumasok sina Beth at Gideon. Tumingin sa akin si Beth nang may nakakalokang ngiti, blanko lamang ang ekspresyon ni Gideon.

"What's that implicit look, Beth?" I rolled my eyes.

"Magugulat ka sa ibibigay ko saiyo, charaaan!" masayang bungad nito, sabay niyang ipinakita ang kapeng barako na may nakadikit na kulay berdeng sticky note at may nakasulat na.. Haysss My Darling nanaman?

"Gusto niya ba talaga akong nerbyusin?" tugon ko sabay tanggap ng kapeng barako. Bakit hindi na lang siya ang mag-abot sa akin nito ng personal? Nahihiya ba siya? Pero kung kaharap ko siya, kumikilos ito na parang matagal na kaming magkakilala, tss ewan ko bang sa kanong iyon.

"Umamin ka nga sa'kin Zinlea, nanliligaw ba saiyo 'yung banyagang iyon?" walang ganang tanong ni Gideon, inagaw niya sa akin ang kapeng binigay ni Cole at ininom ito.

I rolled my eyes.

"Hibang ka na Gideon, syempre nakikipagkaibigan lang 'yung tao lalo pa't nalaman niyang pinsan ako ni Liana, at isa pa hindi naman siya ibang tao, kamag-anak din siya ni Aunt Dorothy." paliwanag ko.

" 'E ano naman kung nanliligaw si Papa Cole kay Sapph Gideon, may magagawa ka ba? Atsaka matagal ko na ring hinihintay ang pagkakataong magkaka lovelife 'yang kaibigay natin, duh sayang ang malaking isda kung papakawalan niya lang ito sa dagat." mahabang litanya ni Beth.

Project Area 51 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon