Massachusetts, 2016
" Thomas Fitzbert Lazar, a famous inventor and a physicist who bravely enter Area 51 to find out the hidden storage and the enigmatic propulsion system of technologies related to extra terrestrial stuffs around the universe with means of cyber security. He had been missing for five years and had not been out of Area 51."
Pabagsak 'kong inilapag ang aking laptop sa kama. Nanlumo ako sa mga nabasa 'kong dokumentaryo mula sa pook-sapot ng teoryang konspiransya. Mahigit limang taon na rin ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa aking diwa ang paglisan ng aking ama. Why dad? Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Ni hindi ka man lang nag-iwan ng maayos na pahimakas nang ika'y humayo. Ikaw na lang ang tanging mayroon ako, hindi ko alam kung saan pa'ko huhugot ng aking pinagkasihan (inspirasyon). Why is this so hard? Umalis ka ng walang salitang iniwan. Sinakripisyo mo ang iyong sariling kaligtasan para lamang sa iyong sariling lunggati. Pero there's inside of me na umaasa na babalik ka pa. Umaasa akong babalik ka pa...
"Gosh, Sapphire Zinlea Lazar, we're here in Massachusetts to have our spring break. For God sake, do not waste your time to think about barricade stuffs. " Bethany rolled her eyes and shifted closer to me. Huli ko nang napagtanto na may namumuo na palang mga luha sa aking mga mata.
I just sighed.
"You can't blame me Beth, alam mo naman kahit saan ako pupunta pasan ko pa rin 'yung buhat ng kahapon, I can't have my spring break without my dad".
"So magmumukmok ka na lang diyan? So do you think tito would be happy if you still being enslaved by agony?"
Bethany crossed her arms, muli naman nitong pinaalala ang kaniyang paulit ulit na sermon na kailanman ay tila batingaw sa aking isipan.
Eventually, she just gave me a hug. I find myself a peaceful moment whenever I remember her sermon. Her hug gives me solace.
Kasalukuyan kami ngayong nagkakape ni Beth sa isang cafe. Tahimik lang si Beth sa pagbabasa ng diyaryo habang sinisimsim ang kaniyang mainit na espresso. Maginaw ang paligid, nagsilipana ang mga sari-saring lahi, iilan sa kanila ay mga asyanong pare-pareho pareho ang wangis, may mga singkit, mga maliit at mga kayumanggi ang balat. Katatapos lang ng taglamig ngunit may naiiwan pang nyebe na bumabalot sa paligid. Tagsibol na rito sa Amerika, pagkat nanginginig pa rin sa ginaw ang mga tao kung kaya'y maraming nagpapainit dito sa cafe. Tulala akong pinagmamasdan ang senaryo sa labas, sadyang napakaganda ng Massachusetts, kapansin pansin ang mga street sweepers na may mga dalang snow removal equipments. If I'm not mistaken, those are the best paraphernalias na patuloy pang inaaaral ng mga imbentor sa pagpapaunlad ng teknolohiya, including my dad, I sighed.
Those are Vertex Heavy Duty Rolling Snow Removal Plow Shovel, WORX Wheelbarrow Snow Plow, at Garant Poly Snow Shovel. Pamilyar na lamang 'yung iba, kakaunti lamang ang kaalaman ko patungkol sa mga kasangkapan na 'yun. Kung nandito lang si dad, inisa-isa niyang tukuyin 'yung mga equipments sa akin. Since I was a kid, dad wants me to be a physicist and an inventor like him but I failed to fulfill it. Sorry dad.
Tumikhim si Beth.
"Boston Bucket List, Yey!" Napabalikwas akong nakatingin sa kanya sa pagbigla niyang hiyaw. Napangiwi naman siya nang napagtanto niyang pinagtitingnan na siya ng mga kapwa naming customers sa cafe. Nakaramdam ako ng pansamantalang hiya ngunit napawi ito nang nakita ko ang kaniyang reaksyon, her face, it was so epic, I force myself not to laugh Bwahahaha.
"Sorry, sorry. " Paumanhin nito.
"What was that for?" mahina 'kong bulong. Kaniya kaniya namang balik sa kanilang pinagkakaabalahan ang mga taong nakatingin sa gawi namin ni Beth.
"Napakarami palang destinations dito sa Boston." ang kaniyang maliwanag na mukha ay napalitan ng kapanglawan.
"Oh bakit ka nakasimangot?" Hindi agad siya nakasagot, I know her, kapag may malalim siyang iniisip, may hindi siya sinasabi sa akin.
"Wanna go with me tomorrow?" she diverted the question.
"Sige ba" walang gana 'kong sagot.
"Talaga?" bulalas nito. "Okay, you'll go with me tomorrow, I will assure we'll enjoy. " dagdag pa nito. I just smiled.
***""
"Area 51, known as the Nellis Air Force bombing and Gunnery Range, is located in northwest Las Vegas Nevada near Groom Dry Lake, a place that had not been recorded in American map. "
Napalingon ako sa isang binatang nakatalikod na tantiya ko'y nasa labing walong anyos ang edad, nagsasalaysay ito ng mga impormasyon hinggil sa Area 51, may dalawa itong kasamang babae na nakikinig sakanya habang sinisimsim ang kanilang capuccino. Malapit lamang ang kanilang table sa aming table kaya't dinig na dinig 'ko ang kaniyang pagsasalaysay.
"Binanggit nga ng aming Prof sa Physics, na ang military base na ito ay itinayo noong taong 1954, nagsilbi ito bilang top-secret spot ng Lockheed Aircraft Corporation para sa advanced research ng Amerika sa mga sasakyang panghimpapawid at mga kagamitang pandigma tulad ng F-117 Stealth Fighter at malalakas na armas tulad ng Electromagnetic Pulse." anito."'Yung tatay ng Prof namin ay isang imbentor at isang pisiko, siya ay si American Physicist Thomas Fitzbert Lazar. 5 years earlier, ilegal niyang pinasok ang Area 51 para sa panananaliksik at siguro ay para sa kaniyang hangarin pero sa kasamaang palad, hindi pa siya nakakabalik". dagdag pa nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko, sabi ko na nga ba, pamilyar ang boses niya. Wala siyang kamuwang muwang na nasa katabing table lang nila ang kanilang paksang tinatalakay. Ibinaling ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng diyaryo. Ilang sandali pa, akmang tatayo na ang mga kabataang nasa kabilang table, napabulalas ang binata nang tumingin sa aming gawi.
"P-Prof?.." bakas sa mukha ng binata ang pagkagulat, inaasahan kong makikita niya ako.
"Mr. Kendrick Lapaz, it's nice to see you." pinakitaan ko siya ng tipid ng ngiti.
"Ahhm.. ano hong ginagawa niyo rito sa Amerika?" tanong nito.
"Just a vacation." sagot ko nang hindi tumitingin sakanya.
"Ako rin ho, gusto kong maranasan ang spring break hindi ko na pinalipas pa ang autumn season sa Japan dahil gusto kong makapunta rito, hindi ko rin inaasahan na makikita kita".
I just smiled at him.
"Ahhm.. Prof.. may narinig po ba kayo?" tanong nito, napalihis ito nang tingin sabay lagay ng palad sa kaniyang batok, batid nitong narinig ko ang kanilang pag-uusap.
Napagtanto 'kong nasa kotse na pala si Bethany at kanina niya pa ako tinatawag, sumenyas naman ako ng "sandali lang" at pansamantala akong napaisip.
"Mr. Lapaz diba may tito kang piloto?" buong tapang kong tanong.
"Hmm opo, bakit po?" I saw his face wondering.
Papalabas na ako ng cafe sabay lingon sa kanya.
"Accompany me to him, I'll go to Area 51." I grinned.
Unknown.

BINABASA MO ANG
Project Area 51
Fantastik"Area 51" A forbidden place where she found her forbidden love. Pinasok ni Sapphire Zinlea Lazar, isang propesor ng liknayan, ang Area 51 upang hanapin ang kaniyang nawawalang ama, ngunit umiba ang takbo ng kaniyang pakikipagsapalaran sa kaka...