AREA 4

8 2 0
                                    

"If you disagree with me, I'll call tita Adelaida wether you like it or not. "

Umigting ang panga 'kong nakatitig sa kaniya. May narinig kaming mga yabag na paparating sa aming gawi. Ilang sandali pa, bumungad sa amin ang isang babaeng kauna unahang dumurog ng aking puso, walang iba kundi ang aking ina.

Nanlaki ang mga mata ko.

"I've heard my name, hello everybody." masiglang bati ng matanda. Walang nakapagsalita sa amin, siguro ay gulat din si Gideon dahil batid nitong hindi ko nanaisin ang presensya ng aking ina, he knows how much I loathe my mom. Ganoon din ang tanging rason kung bakit ayoko pumunta rito sa Ohio, dahil isa siyang residente rito.

"Oh, masyado na yata kayong na starstruck mga anak kaya hindi kayo makapaniwala na nandito ako. " aniya.

"T-Tita Adelaida, it's been a while since I saw you here in Ohio, I'm glad to see you." mainit na bati ni Gideon sabay beso kay mom.

Meet, mom. Her name is Adelaida Manabat Anderson. She's a pure filipina. I hate her, 'yun lang.

"You know what mga anak, I came here to see Dorothy if there was any news about Thomas. But I didn't expect to see both of you, and also Beth, nandoon siya sa labas." wika ni mom, pabalik balik ang tingin nito kay Gideon at sa akin.

Uhuh? Kailan pa siya may paki kay dad?, sa pagkakaalam ko wala na siyang pakialam sa aming dalawa.

"Sapphire anak, sigurado akong matutuwa ang kambal kapag nalaman nilang nandito ka." nakatingin ito sa akin, umiwas ako ng tingin at napatitig lamang ako sa kawalan. Sa tuwing makikita ko siya, natatandaan ko ang ginawang kataksilan niya sa amin ni dad.

Tumikhim si Gideon.

"Kumusta na pala sila Denise at Bernice tita?" tanong ni Gideon.

"They're doing good, lumalaki silang tulad ng ate Sapphire nila, strong, independent and beautiful women, medyo may pagka spoiled brat nga lang. " tumawa ito ng marahan.

"Hindi ko talaga inaasahan na pupunta ka rito anak." dagdag pa nito.

"Napilitan lang ako, sa katunayan ayoko rito sa lugar na ito. " walang gana kong sagot.

I rolled my eyes.

"Bakit? Napakaganda rito sa Cincinnati, dinagdagsa ng mga dayo ang lugar na ito tuwing snow season kaya worth it ang inyong vacation dito. " pagmamalaki ni mom.

"I hate Cincinnati not because the place itself, I hate this place because you're here. " pabalang 'kong sagot.

"Sapphire, stop it!" pagdidiin ni Gideon.

"A-Anak..." mahinang anas ni mom.

Umalis ako ng walang paaalam, dinig kong tinatawag ako ni Gideon ngunit patuloy na lumalayo ang aking mga paa sa silid na iyon, dinala ako ng aking mga paa sa 3rd floor balcony ng bahay. Napatingin ako sa kawalan at tuluyan ko namang naalala ang ginawang kataksilan ni mom sa amin ni dad.



Pilipinas, 1999

"How could you this to me Adelaida?, Aalis ka?, I work so hard to make money ngunit tingnan mo ang ginagawa mo, nilulustay mo lang ito para diyan sa lalake mo!" sigaw ni dad kay mom.

Napatigil ako sa pagtugtog ng gitara nang narinig ko ang mga sigaw nina mom at dad , sumilip ako sa pinto ng aking silid at nakita ko silang nag-aaway.

"Excuse me, hindi ko nilulustay ang pera mo Thomas, mayaman si William at hindi niya kailanman akong pinahintulutan na maglabas ng salapi. " tinig ni mom.

Project Area 51 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon