Time check it's 7:34 am. Wednesday.
Tahimik naming kinakain ni Beth ang aming almusal. Palaisipan pa rin sa akin si ocean blue-eyed man na nagpapakilalang Cole Sprouse este Cole Seymour Kennedy kagabi. Paano niya ko nakilala? Stalker ko ba siya? Baka magkakilala sila ni dad, syempre bantog si dad bilang isang pisiko kaya hindi nakapagtatakang nakikilala rin ako ng iilan. Dalawang pancake with honey and cheese on top na rin ang naubos ko na sa tingin ko ay kulang pa. Namiss ko tuloy kumain ng kanin. Napatingin ako sa ipinidalang kape sa akin, Americano brewed coffee. Paano niya nalaman na mahilig akong sa kapeng barako? Psh, creepy. May nakadikit ito na blue sticky note na may sulat na "My darling." with smiley face.
My darling? tss..ang bantot.Hayss, bukas na bukas uuwi na ko ng Boston at sisimulan ko nang makahanap ng tiyempo upang makapunta sa Las Vegas, Nevada. Sumasalungat si Beth sa mga plano ko, batid kong kaligtasan ko lamang ang kaniyang iniisip pero pasensya Beth, mahal kita pero papasukin ko ang Area 51 sa ayaw at gusto mo, walang makapipigil sa akin.
"Iba talaga ang kamandag ng isang Lazar, hindi pa tayo nakaabot ng bente kwatro oras dito sa Ohio pero may nahuli ng malaking isda. " biro ni Beth. Nilalaro nito ang honey sa plato habang tumitili. Ayoko mag-isip ng kahit na ano pero bakit niya naman ako bibigyan ng kape? Is he playing with me? Well, hindi ako mapaglaro sa ganitong klaseng bagay. Mapaglaro lang ako sa mga salita pero I can find meaning behind the things that are meaningless. Maling ruta ang kaniyang tinahak.
"Uuwi ako ng Boston tomorrow, ikaw bahala if you'll stay here or you'll go with me. " pag-iiba ko ng usapan.
"Paano si Papa Cole?" she grinned.
"I will make him hotter than a fiery furnace." biro ko. Sa totoo lang, wala lang naman 'yun pero itong si Bethany ang patuloy na kinakaykay ang usapan daig pa ang manok, tss.
"His name is Cole but he's hot. " aniya.
Napailing lamang ako.
"Masarap pala ang breakfast in bed 'no? Pero mas masarap 'pag breakfast in bed with Cole. " Nabuga ko ang iniinom 'kong tubig. Napahagikgik lamang si Beth at tiningnan ko naman siya ng masama.
"Oh bat ganyan ka makatingin sa akin? Alam mo Sapph, wala namang masama if you'll try to open your heart para sa pag-ibig. Sige ka, tatanda kang dalaga. 25 ka na pero alien pa rin ang pinagkakaabalahan mo. "
Pft. Nagsalita ang dalubhasa sa pag-ibig, makapagsalita siya parang may boyfriend na. Baka nga meron, tinanatago niya lang sa'ken hmm.
"Bala ka nga diyan Sapph, basta ako ieenjoy ko ang pananatili ko rito sa Cincinnati, babush. " Pamamaalam nito sabay walk out, pero sa banyo lang din ang punta. Hahaha.
*****
Persuasion by Jane Austen.
Wala akong magawa kaya napagdesisyunan kong magbasa ng libro, nandito kami ni Beth sa bahay ni Aunt Dorothy, inikot ko ang aking paningin sa buong silid. Maayos na nakahilera ang mga libro, nakahanay ito batay sa kanilang laki. Tsk tsk. Kaygandang silid-aklatan, pero batay sa aking deduksyon wala man lang kahit isang myembro ng pamilya ang nagtangkang manatili rito upang magbasa ng libro. Sanhi ito ng teknolohiya, 'e 'di nawa kung hindi ka umusbong nandito pa sana si dad. Hmmp.
Pride and Prejudice , Her Nocturnal Lover, Metamorphosis, The Hound of the Baskervilles, Through the Looking Glass.
Sandaleeeee! Don't pressure me.
Ang daming magandang nobela, hindi tuloy ako makapagdesisyon kung ano ang una 'kong babasahin. Pero isa lang ang ang nakakuha ng aking atensyon.
Blue-eyed devil by Lisa Kleypas.

BINABASA MO ANG
Project Area 51
Fantasy"Area 51" A forbidden place where she found her forbidden love. Pinasok ni Sapphire Zinlea Lazar, isang propesor ng liknayan, ang Area 51 upang hanapin ang kaniyang nawawalang ama, ngunit umiba ang takbo ng kaniyang pakikipagsapalaran sa kaka...