10. Her Story

57 3 0
                                    

James' POV

*knock.knock*

Napatakbo ako sa pintuan dahil alam kong si Xandria na yun. At hindi nga ko nagkamali dahil pagbukas ko ng pinto ay isang iika ikang babae ang pumasok sa bahay.

"Max? What happened?" Inalalayan ko sya paupo sa sofa dito sa salas.

"You don't need to know James. Just get me the first aid kit." Utos nya kaya sinunod ko agad. Ano kayang nangyari sa kanya at dumudugo yung hita nya?

Dali dali kong inabot sa kanya yung kit at tinulungan ko syang linisin yung sugat nya.

"San ka ba talaga galing at may sugat ka pang ganyan? Malalim ang pagkakahiwa jan ah." Pamimilit kong tanong sa kanya.

Napahinto sya sa paglilinis ng sugat nya at mataman na tumingin sakin. Bigla naman akong nacurious sa tingin nya.

"You know what James? I wanna tell you everything about me but there's one thing I can't accept. That's the fact that we just met. I didn't know anything about you same as you know nothing about me. Ang gulo no? Ganyan din yung nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako. I have this feeling na I should trust you, na you are no harm to me." Nahinto sya sa pagsasalita at huminga ng malalim. Naamoy ko tuloy yung hininga nya na amoy alak. Uminom sya at tipsy sya.

"You should rest now Max." Pilit ko syang tinayo pero ayaw nyang tumayo. Nakatitig lang sya sakin.

"You look like him. Same features. But he's stupid for leaving me. He's stupid. Why are you calling me Max? Call me XandRia. Okay?" May bigla nalang tumulong luha sa mga mata nya. Pinunasan nya agad ito at nag ayos ng upo.

"I will tell you a story. Umupo ka dito sa tabi ko James." Wala na kong nagawa kaya umupo na ko sa tabi nya at sya naman ay isinandal ang ulo sa balikat ko. Curious din ako sa ikukwento nya kaya gusto kong makinig. At isa pa, lasing sya. Sabi nila lumalabas ang totoo pag nalasing ang isang tao. But where the hell did I get that thought?

"There's this young girl named Ria, she's sweet and innocent. Lovely and kind. Pretty and smart. Lahat na halos ng bagay nasa kanya na. Almost perfect nga raw. When she reached 7, at that young age inilayo sya ng mga magulang nya sa mga tao. Bawal ang kaibigan. Naghome study sya, kung magmamall sya ipinauutos nalang ng magulang nya. Hindi sya pinalalabas ng bahay. Then one day sabi ng Daddy nya 'Princess we need to train you here. You need to be strong.' Hindi nya maintindihan kung bakit nya kailangan magtraining. Because of that age she just nod without thinking kung ano ang ibigsabihin ng Daddy nya..."

FLASHBACK

(STILL XANDRIA'S STORY)

"Daddy? San po tayo pupunta?" Tanong ni Ria sa daddy nya.

"On your training ground baby." Walang kaalam alam si Ria kung ano ba ang training ground na yun dahil sa mura nya pang edad.

Ilang oras lang ay nakarating na sila sa sinasabing Training ground. Isang Covered field ito sa gitna ng gubat. Namangha ang bata sa nakikita. May shooting range, boxing ring, fencing field, at archery field. Una nitong pinuntahan ang sa fencing. Humawak sya ng isang espada kaso ay inagaw ito ng Daddy nya.

"You can't just hold it baby. It might hurt you." Sabi ng Daddy nito.

Natahimik nalang sya at naupo sa isang gilid. Hinihintay nya ang Daddy nya dahil may kausap itong isang lalaki. Maya maya lang ay lumapit na ang mga ito sa kanya.

"Xandria, my Princess. I will leave you to him for 6 months. Give your best shots." Walang prenong sabi ng Daddy nya.

"But Daddy what am I doing here?" Malungkot na tanong nya.

"I already told you, you need to be train. Your life is in danger so you must be stronger than them. Can you make it for me and Mommy?" Hindi sya maka-oo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw ang lahat sa kanya.

"I'll give you a reward if you survive in 6 months without me and Mommy. I know you can do it. You're my baby." Hinalikan ng Daddy nya ang noo nya at bigla namang dumating ang Mommy nya.

"Ria, remember this okay? I love you so much and no one can ever change that. Wear this always. This is an heirloom necklace. When the right time comes I will tell you what's the importance of that necklace." Umiiyak na sabi ng Mommy nya habang sinusuot yung necklace.

---

Biglang huminto si Max sa pagkukwento. Unti unti kong nararamdaman na bumibigat yung ulo nya. Nang tignan ko kung bakit ay nakita kong tulog na sya. Siguro ay pagod talaga sya. Tinanggal ko ang ulo nya sa balikat ko at inihiga ko sya sa sofa ng maayos. Nilinis ko muna ang sugat nya at nilagyan ng benda. Tapos nun ay inakyat ko na sya sa kwarto nya sa taas.

Dahan dahan ko syang hiniga sa kama nang nahagip ng tingin ko yung frame na nasa side table nya. Picture ng isang dalagita at binatilyo at dalawang wolf. Yung dalagita ay masayang kumakain ng ice cream at yung binatilyo naman ay hawak yung dalawang maliit na wolf na may malaking ngiti at nakatingin sa dalagita.

"Si Max yung isa? Sino naman yung lalaki?" Tanong ko sa sarili ko. Naramdaman kong gumalaw yung kama kaya napatingin ako. Si Max ay mahimbing na natutulog.

Tumayo na ko at lumapit na sa pintuan. Bubuksan ko na sana yung pinto para lumabas nang biglang nagsalita si Max.

"Renz.. Please come back." Nilingon ko pa sya pero tulog pa rin sya. Siguro ay nananaginip lang. Pero sino si Renz? Sya kaya yung nasa picture?

Hinayaan ko nalang syang matulog at lumabas na ng kwarto nya. Sakto namang nagring ang phone ko at sinagot ko na ito.

"Daddy? Hello?"

(Hey son. Where are you? I've been calling you several times.)

"I'm still with her Dad." Bumaba na ko ng hagdan dahil baka may makarinig pa sakin sa taas. Nandun ang kwarto nila Zen at Max.

(Don't tell her about this son. Tiyak na magagalit sya. Sinabi ni Tito Xander mo na mapride si Xandria kaya di sya tumatanggap ng tulong mula sa iba, except her butler John.)

"Yeah, she really is something." Medyo natatawang sabi ko kay Daddy.

(But son remember she's off limits. So, if you know what I mean)

"Sus, Daddy naman. Sige na babye na. Gabi na rito eh." Then I ended the call.

Off limit? Bakit nga ba sya off limit eh babae rin naman sya. Iba nga lang sya sa lahat.

Hanggang sa paghiga ko ay iniisip ko pa rin yung kwento nya. Sino kaya yung kinukwento nya? May posibilidad na sya yun. Pero bakit kailangan nya pang itagong sya yun eh alam ko naman na kung ano talaga ang trabaho nya. Bahala na nga. Makatulog na lang...

---

Xandria's POV

I woke up this early with a heavy headache. Ang sakit sobra ng ulo ko, tsk. Parang pinipiga. Tatayo na sana ako ng may kumatok sa pinto at bigla nalang binuksan without my permission.

"Hi. Breakfast?" Bati sakin ni James na may dalang pagkain. Wala ba syang training ngayon?

"Sabi ni Zen hintayin ka na raw magising para ikaw magtrain sakin." Sagot nya. Mind reader ba sya? Bat alam nya nasa isip ko?

"Hindi ako mind reader ah. Malakas ka lang talagang bumulong." Deny nya. Eeeh?

"By the way, salamat sa pagkain. At salamat kagabi." Tinuro ko yung sugat ko pagtapos ay inabot ko na yung pagkaing hawak nya.

Nagsimula na kong kumain habang sya ay nakatayo lang sa harap ko at pinapanood akong kumain.

"Magready ka na sa baba. Magbibihis lang ako at magsisimula na tayo." Prenteng sabi ko sa kanya. Dali dali naman syang lumabas ng kwarto ko. Maya maya ay susunod na rin ako sa kanya sa likod ng bahay kung nasaan ang training ground namin ngayon.

Napatawa ako ng kaunti sa naisip ko. Ano kaya ang sasabihin ni James Pag ako na ang nagtrain sa kanya? Bad ass Zen. Talagang ako ang pinagtrain nya kay James. Tsk.

-----------------------

TOP SECRETWhere stories live. Discover now