Isang liwanag ang nakapagpamulat sa mata ko. Napatayo ako at nagtaka sa lugar kung nasaan ako. Ako lang mag isa dito at wala ni isa man gamit. Tanging liwanag lang lahat ang nandito. Sinundan ko lang ang liwanag na nakikita ko.
"Hello, may tao ba dyan?" Sumigaw ako ng bahagya.
Nakarinig naman ako ng dalawang batang nagtatawanan. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang tawanan na yun. Dinala ako ng mga paa ko sa isang malaking garden. Magandang garden, puno ng mga magagandang halaman at bulaklak. Naabutan ko rito ang dalawang batang naglalaro at nagtatawanan.
"Ang daya naman! Ang bilis mo kasi magbilang eh! Hindi tuloy ako nakatago ng maayos." Sabi ng batang babae sa batang lalaking kalaro nya.
"Ang bagal mo kasi eh. Huh. Sino nanjan?!" Tanong ng batang lalaki nang magalaw ko ang isang vase at nausod.
Bigla akong naalarma at umalis sa kinaroroonan nila. Bumalik ako sa pinanggalingan kong daan. Nagtuloy tuloy lang ako sa paglakad. Nakarating ako sa isang bahay. Madilim at tila nagkakagulo sila sa loob ng bahay. Ilang hakbang pa ay nasa loob na ako ng malaking bahay. Nakakita ako ng hindi kaaya ayang pangyayari.
"No! Please don't!" Sigaw ng isang ginang na sugatan na sa isang lalaking may hawak ng baril.
Biglang lumabas ang isang batang babae. Yung bata kanina sa garden, nandito sila ng batang kalaro nya? Umiiyak sya at sumisigaw. Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha nya.
"Mommy!!!" Sigaw ng babae.
"RUN RIA!! AND DON'T EVER LOOK BACK! I LOVE YOU SO MUCH!" sigaw ng ginang.
Aaaah! Biglang sumakit ang ulo ko ng narinig ko yung pangalang Ria at nasaksihan ko ang pangyayaring iyon, napakapamilyar. Unti unting lumalayo yung bahay sakin. Unti unting dumidilim. Pilit ko itong inaabot pero sobrang layo na nito sakin.
Nakarinig naman ako ng isang boses ng lalaki. Pamilyar ang boses nya pero hindi ko alam kung san ko narinig.
"Max? Maganda ba ang napapanaginipan mo? Kaya ayaw mo pang gumising?" Sabi ng lalaki.
Max? Sino si Max?
Bigla nanaman akong nakaaninag ng liwanag. Pilit ko itong hinahabol. Nakarinig nanaman ako ng mga salita ng lalaki. Parang lumilindol.
"Max? Can you hear me? Max? Open your eyes. Please."
Parang makina yung mata ko nang marinig yung sinabi ng lalaki at awtomatik na nagmulat ang mga ito. Pero...
"S-sino ka? N-asan a-ko?"
Medyo nagulat ang lalaki sa tanong ko at natigilan sya. Sumenyas sya na lalabas lang muna sya kaya tumango nalang ako. Naguguluhan pa rin ako. Anong nangyari? Bakit ang dami kong kung anu-anong nakakabit sa katawan. Maya maya ay may dumating na doctor at chineck up ako. Tinanong nya kung may naaalala raw ba ako, kung anong pangalan ko. Wala akong matandaan.
Kahit ang pangalan ko?..
Sino nga ba ko?...
---
James' POV
Tinawagan ko agad ang daddy ni Max matapos nyang magising at macheck up ng doctor.
"Tito Xander, nagising na po si Max. Kaso..."
(Yes, hijo? Anong problema?) Nag aalalang tanong nya.
"Kasi po wala syang maalala... Kahit pangalan nya." Biglang natahimik sa kabilang linya.
(Hijo? Totoo ba yang sinasabi mo? She got amnesia?) Hindi makapaniwalang sabi ni tito Xander.
"Opo Tito." Sagot ko naman.
(Well, hijo. I have a better idea. I know magtatanong sya kung sino sya at saan galing. You will feed her a false memories.) Walang prenong sabi nya.
"Ho? Seryoso po kayo tito? Magsisinungaling tayo sa anak nyo. Hindi ko ho kaya yun." Tanggi ko naman.
(Hijo, I know its hard but this is I think the best for her, to save her. Nakalimutan nya ang lahat. She can live a normal life again. If you just let her be. Ilayo mo sya hijo. I trusted you enough, alam kong kaya mong bigyan ng normal na buhay ang anak ko James. I'll visit and call you often.)
"Pero tito. Unfair po iyon sa kanya. Memory loss lang po yun. Hindi natin alam kung kailan babalik ang memorya nya. Magagalit sya pag nangyari yun."
(Hijo, I will provide. Ako na ang bahala sa lahat. Trust yourself. Ang trabaho mo lang ay ilayo sya at mamuhay kayo ng normal. Yun lang ang gusto ko para sa anak ko. I can pay you, just name your price. Pag nakaalala na sya kukunin ko na sya sayo. I'm very sorry for disturbing your life hijo. I know you have your own life but I gave you committment. I'm sorry.) Malungkot na sabi nya.
Malaki ang utang na loob ng pamilya namin kay Tito Xander. Kaya kahit anong hinging pabor nila kay daddy ay dali daling binibigay.
"I'll do my best tito. Ako na pong bahala. wag na ho kayong mag abalang magbayad. Hindi ko ho to ginagawa para sa pera at trabaho. Gagawin ko ho to dahil yun ang nararamdaman kong tama." Gagawin ko dahil may nararamdaman na ko para sa kanya. I want to protect her. Gustong idugtong ng bibig ko sa sinabi ko kay tito.
(Do you have feelings for her, hijo? I don't know if that is the right thing to feel for her. She's incapable of loving, hijo. But I know now she can lalo't may amnesia sya. Matalinong bata si Xandria, kaya magtatanong sya tungkol sa lahat. I will leave her to you. Ikaw na ang bahala sa kanya, ako naman ang bahala sa pangangailangan nyo.)
Inend ko na ang tawag matapos kong magpaalam sa kanya. Binalikan ko na si Max sa kwarto. Buo na ang desisyon ko at alam ko na ang sasabihin sa kanya pag nagtanong na sya.
Nakapasok na ko sa kwarto at naabutan ko syang nakatulala. Nakabend pa-slide yung kama kaya medyo nakaupo sya. Nilapitan ko na sya akmang magsasalita na ko nang nagtanong sya...
"Sino ka?" Unang tanong palang hirap na kong sagutin. Sa tono ng pananalita nya ay mahahalatang mahina pa sya.
Sabi ng Doctor nya ay sa bigat ng aksidenteng nangyari sa kanya, at ang impact ng pagtama ng ulo nya ang naging cause ng memory loss. Accident shock. Pero may isa pang tinitignan at ineeksamin ang Doctor. Baka raw dahil din sa emotional breakdown kaya nakalimutan nya lahat. Or pinilit nyang kalimutan. Di pa sigurado ang Doctor, kailangan pa nila ng mga tests to make sure what really is the cause and if it's just temporary or permanent amnesia.
"A-ako si James."
"Anong nangyari?"
"Naaksidente ka. Tatlong buwan ka ng tulog."
"Kaya ba wala akong maalala? Kung ganun sino ako?"
"Ikaw s-si Max-Maxene."
"Bakit nauutal ka? Ayos ka lang ba?"
"Ah oo. ayos lang ako. Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain?"
"Hindi. Ayos lang ako. Tubig nalang sana. Hindi kasi kita matandaan eh. Iniisip ko pa rin kung kaano ano ba kita. Anong relasyon ko sayo?"
Doon na ko natigilan sa tanong nya. Hindi ko mahanap ang tamang sagot. Ano bang isasagot ko? Ang hirap talaga magsinungaling. Tsk.
"Kumain ka muna Max. Don't pressure yourself. Kagigising mo lang eh." Pag iiba ko ng topic.
"I wanna know." Makulit na sabi nya. kaya wala na kong nagawa kundi sagutin ang tanong nya ng mali pero siguradong sagot...
"I'm your husband, Max. Your Husband."
--------------------------------
YOU ARE READING
TOP SECRET
ActionSplit personality is what they called it. But for me it is my twin. I killed many but I don't care. I am made to be like this. A Reaper. I am better than a demon. MAD is my name . . . . . . . . . And this is my TOP SECRET. - AkoSiKrenggg Note: In a...