15. Work/Visitor/Jealousy

41 2 0
                                    

Maxene's POV

I'm very excited dahil finally pinayagan ako ni James mag trabaho at ito na ang araw ng interview ko sa trabaho. Sabi ni James ay simpleng formal attire lang daw ang isuot ko. Tinawagan na raw nya ang kaibigan nya at pinagrereport na raw ako nito sa hotel nya.

And now, this is it. This is really is it. Pumasok na ko sa loob ng hotel at nagtanong sa front desk.

"Hi. I have a schedule with Mr. Mark Alcantara. Maxene Yllustrisimo is my name." Nakangiting sabi ko habang bitbit ko ang isang office bag, nakalagay dito ang mga requirements ko. Hindi ko nga alam kung san nakuha ni James to. Sya ang nag ayos nito lahat.

"Ah. Okay. I'll connect to her line first Ma'am." Magalang na sagot nya. Nagdial na sya sa telepono. At napangiti ito habang nakatingin sakin.

"Mr. Alcantara is expecting you at his office Ma'am. On 5th floor, left side, last room." Turo ng babae kung saan. Mukha namang mababait ang mga empleyado rito.

Sumakay na ko ng elevator at pinindot ang 5th floor. May mga kasabay rin ako dito, siguro ay nagcheck in sila dito. Magaganda naman ang kagamitan dito. Hindi ko pa naiikot pero sa tingin ko ay maganda lahat ng facilities nila.

Huminto na sa 5th floor kaya lumabas na ko ng elevator. Sabi ng babae sa left side daw, sa dulo. Kaya naglakad na ko. Medyo kinakabahan ako.

Nakarating ako sa dulong kwarto at bahagyang kumatok. Bumukas naman ito at bumungad sakin ang isang gwapong lalaki na nakangiti.

"Long time no see, Maxene." Naconfuse naman ako sa sinabi nya. He looks kinda familiar.

"Come in and have a seat." Alok nya sakin. Naupo naman ako sa isa sa upuang nakaharap sa table nya.

"Can I ask you something Sir?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Ahm. Sure." Nakangiting sagot nya. He looks familiar, and that's bothering me right now.

"Have we met before Sir? Or did you know me?" Hindi na talaga ako makapagpigil. curious na talaga ako at confuse sa pagbati nya sakin.

"Bakit naman hindi kita makikilala? You're as good as ever. Oh I mean, I know you because you are my close friend's wife, James. He is my childhood friend, if you didn't remember." Nagtatagalog pala sya. So hindi ako mahihirapan. Mukha syang amerikano. Nakakaconfuse lang talaga ang mga sagot nya. Sumasakit ang ulo ko. Tsk.

"So let's start the interview?" Tanong nya sakin at tumango nalang ako. Sana makapasa ako. Gusto ko na talaga magtrabaho para kay James. Ayoko magpabigat sa kanya.

---

"Hi!" Masiglang bati ko kay James ng makauwi sya ng bahay. Sabi nya ay babalik na raw sya sa trabaho at dito na sya nagpa-base dahil may branch ng hospital dito ang pinagtatrabahuhan nya sa Pinas.

"Hey, what's with the mood? I smell good news huh." Ngumiti sya sakin. Medyo niluwagan nya yung necktie nya at naupo sa tabi ko dito sa sofa.

"A very good one! I just got the job!" Medyo patili na sabi ko kay James. Hindi ko na mapigilan kaya napatalon na ko. Bigla naman akong na-awkward-an sa itsura ko ng nakangiti lang si James at nanonood sakin.

"Hey? Wala ka bang violent reaction dun? Natanggap ako sa trabaho! Haller! Wala man lang ba kong 'congratulations' jan?" I said emphasizing the word congratulations.

"Don't you forget Max na pinilit mo lang akong magtrabaho. I'm not excited. Knowing that you will work and I'm not there to monitor your moves." Ayan nanaman po sya. Nagsisimula nanaman po.

"James, don't forget too na pinayagan mo ako. Pinilit man kita, nagpapilit ka naman." Sabi ko sa kanya at binelatan pa sya.

"Ah ganun ah!" Bigla nalang nya kong hinila palapit sa kanya at kiniliti ng kiniliti.

"Hahahaha. James. P-lease. S-stop it! Hahaha. I can't hahaha breathe. Hahaha."

Nakawala ako sa hawak nya at tumakbo ako papuntang kusina. Hinabol nya ako. At naghabulan kami sa may gilid ng lamesa. Paikot ikot kami dun hanggang sa may nagdoorbell. Natigil kaming dalawa.

*dingdong.dingdong.dingdong.*

Paulit ulit na pagdoorbell. So unusual na may bisita kami. Wala kaming kakilala dito kahit kapitbahay, kaya ayaw namin halos buksan ang gate sa labas.

"James? Who could that be?" Napatingin sya sakin. Nagshrug lang sya ng balikat at sinabihan akong wag lalabas ng bahay. Sya na raw ang titingin kung sino ang nagdoorbell.

Pero sabi nga ni James ay pasaway ako, sinundan ko sya sa labas. Nasa gilid na ko malapit sa likod nya ng may pumasok na isang babae. Isang sopistikadang babae. Yumakap ito kay James. Medyo nagtago naman ako sa gilid dito malapit sa may mga halaman.

"Sabi na nga ba at ikaw yung nakita ko eh! Bakit hindi ka nagpaparamdam samin ha?" Medyo masungit na tanong ng babae.

"Kate baby, what are you doing here?" May diing tanong ni James. And he call her baby.

"Didn't you miss me? I missed you a lot." Sabi ng babae sabay yakap ulit kay James.

That's my que na umalis sa lugar na yon. Nakaalis ako dun ng hindi nila ako nakita. Dumiretso ako sa isang kwarto rito sa bahay. Tatlong kwarto ang nandito pero isang kwarto lang ang ginagamit namin. Naupo ako sa kama dito.

Sino yung babaeng yun? Bakit tinawag syang baby at Bakit kailangan pa nyang yumakap yakap sa asawa ko? Ito namang si James pumapayag na yakapin sya ng babaeng yun. Nakakainis! Hindi ko nagustuhan yung nakita ko.

*knock.knock*

Nagitla ako ng may kumatok sa pinto. Alam kong si James yun pero hindi ko nalang pinansin. Naiinis ako sa kanya! Bahala sya sa buhay nya! Magsama sila ng babae nya! Nakaupo lang ako sa kama habang nakatingin sa bintana.

Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok si James.

"Hey, what are you doing here? Come on. Kumain na tayo. Ipapakilala kita kay--"

"Wala akong ganang kumain. Kayo nalang ng babae mo." Biglang labas sa bibig ko. Nakita kong nagulat si James. Ako rin naman nagulat sa sinabi ko. I didn't see it coming.

"Uuy. Nagseselos sya. Nagseselos ka no?" Pang aasar nya sakin.

"Sinong may sabi?" masungit Na Tanong ko.

"It's pretty obvious." Sagot nya.

"Oh come on. I'm not jealous. I'm just not in the mood." Pagpapalusot ko pero ang totoo, ganun na nga yata, selos na nga yata to. tsk.

"Hey, look at me." Hinarap nya ko sa kanya. Nagtitigan kami.

"You don't have to be jealous. You're my wife. At isa pa hindi ka dapat nagseselos sa bunsong KAPATID ko." Diin nya sa salitang kapatid at pinisil yung ilong ko.

"Kuya, ano ba?! I'm hungry na. Where's the food?" Masungit na tanong ng babaeng nasa pinto.

"Can't you see? Nilalambing ko yung asawa ko. Nagselos sayo." Nakangising sabi ni James sa babae na kapatid daw nya.

"Really kuya?! Is that your wife?! oh come on! Get out of the way! Patingin!" Wala akong nasabi ng tinulak nya si James at tumapat sya sa harap ko. Hinawakan nya ang dalawang pisngi ko at tinapat yung mukha ko sa mukha nya. Tumili sya ng malakas kaya nagtakip ako ng tenga.

"KUYA! You're  really bad as ever! Bakit hindi mo naman sinabi sakin na may maganda ka palang tinatagong asawa?! Alam na ba to nila Daddy at Mommy?" Parang excited na tanong ng kapatid nya.

"Katie baby, mamaya na ang kwento. Ang ingay mo. Kumain na tayo. Akala ko ba gutom ka na?" Sabi naman ni James. Hindi ako makasingit sa kanilang dalawa.

"Ayy, oo nga pala. Gutom na ko. Tsk." Sabi ng kapatid nya tsaka lumabas ng kwarto.

"Pagdating talaga sa pagkain, hindi sya magpapahuli. Halika na?" Baling sakin ni James. Hinawakan ako sa kamay at inalalayan makatayo

"Close kayo? Ang saya nyo tignan." Nakangiting sabi ko.

Really. Nasisiyahan ako sa kanilang dalawa. Ang kwento sakin ni James ay only child lang daw ako at patay na mga magulang ko. Kaya natutuwa ako kahit papaano ay may iba na kong makakausap bukod kay James...

Naglakad na kami at nagpunta na kami sa kusina. Baka nagutom na talaga yung kapatid nya dun...

----------------------------

TOP SECRETWhere stories live. Discover now