12. Three Months Later

50 3 1
                                    

James' POV

Tatlong buwan na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay di pa rin nagigising si Max. Sabi ng Doctor na tumingin sa kanya ay hindi nya raw alam ang cause ng pagkacoma ni Max. Nainis ako sa sinabi nya nun dahil doctor sya tapos ay hindi nya alam kung anong dahilan ng pagkacoma ni Max. To think international doctor sya. Okay naman daw ang vital nito at nagrerespond ang mga nerve cells pero nagtataka sya kung bakit hindi pa ito nagigising. Naalala ko tuloy yung nangyari 3months ago...

FLASHBACK

Nang makarating kami rito sa safe house ay nakahanda na ang mga Doctor na titingin kay Max pati ang room na pagsasagawaan ng operasyon. Nakiusap ako kung pwede akong sumama sa operasyon dahil isa rin akong doctor pero hindi raw pumayag ang Daddy ni Max. Kaya dinial ko agad ang number ni Daddy.

"Dad! What's the matter? Bakit ayaw daw akong payagan ng Dad ni Max na sumama sa operasyon? Eh isa rin naman akong doctor diba?! Dad, do something!" Inis na sabi ko sa telepono.

(Son, just wait him there. He's going to fly there so he can see his only child. Wag ka nang makialam sa operasyon. Hayaan mo na sila.) Kalmadong sabi ni Dad.

"Dad, please. Let me do the operation. Sabihin mo kay Mr. Dale."

(Anak, wala tayong magagawa kung ayaw nya. Hindi tayo pwedeng makialam. Basta hintayin mo nalang sya jan at nasa ere na sya.)

"Okay bye." Inend ko na yung tawag. Naiinis ako dahil wala akong magawa.

Naupo nalang ako sa gilid ng pintuan ng kwarto kung nasan sila Max. Maya maya ay lumabas ang doctor na tumatakbo papunta sa kung saan. Bigla naman akong nagpanic. Tinanong ko yung isang doctor na sumunod din na tumakbo.

"Ah, Sir what's happening?"

"Sir, the patient's heart stops beating. It's very weird. Her heart is surrounded by wires. Her father said we should let her drown in a luke warm water and wait for his arrival, so my stuffs are getting water and a tub."

Anooo?! Baliw na ba sila? Lulunurin sa tubig si Max? Nababaliw na ang tatay nya. tsk. At anong sabi nito? Puno ng wires ang puso ni Max? So weird nga. Like the first time we met. May mga wires din ang katawan nya. Argh! Ang sakit sa ulo isipin.

Ilang oras na ang nakalipas at ilang oras na rin nilang binabad si Max sa tubig. May oxygen sya sa bibig at hindi ko alam kung anong mga aparato ang kinabit sa kanya. Ngayon ko lang nakita ang mga yun.

Maya maya lang ay dumating na ang Daddy nya na may kasamang dalawang medyo may edad ng tao, isang babae at lalaki. Siguro ay nasa mid 40's na ang mga ito.

"How's my daughter?" Tanong ni Mr. Dale.

"We did what you said Sir. She still unconscious." Sagot ng head doctor. Tumingin naman si Mr. Dale sa dalawa nyang kasama at tumango ang mga ito.

Pumasok ang mga ito sa kwarto ni Max at binuhat sya ng mga ito. Humarang ako sa daan nila.

"Teka Sir, saan nyo po dadalhin si Max?" Sita ko kay Mr. Dale.

"Tumabi ka muna hijo. Ibabalik ko sya sayo after 3days. She needs her own therapy right now."

"Eh Mr. Dale hindi ko ho kayo maintindihan, pwede naman ho dito at pwede ho akong tumulong. Bat kailangan nyo pa ho siyang dalhin?  Lalong hindi ko ho maintindihan ay kung bakit nyo ho sya kailangan lunurin sa tubig."

"Hijo, malalaman mo rin kung bakit. Sa ngayon ay wala ng oras para sa paliwanag. kailangan na ng anak ko ang magamot sya."

Hindi ko na sya pinigilan. hinayaan ko nalang sila na dalhin si Max.

---

Saktong tatlong araw ay ibinalik sya sakin ni Mr. Dale. Wala itong malay at may mga aparato pa ring nakakabit sa kanya. Inaya ako ni Mr. Dale na makipag usap sa kanya kaya umoo naman ako.

"May gusto akong ikwento sayo Hijo." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Sige ho." Hinayaan ko nalang syang magkwento.

"Nanganib na rin ang buhay nya dati. Pitong taon palang si Xandria ay nakatanggap na kami ng death threat para sa kanya. Inilayo namin sya sa mga tao at pinag ensayo. Hindi namin ginusto ng asawa ko iyon pero wala kaming magawa kaya napilitan kaming isalang sya sa training. Walang magtatanggol sa kanya kundi ang sarili nya. Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng training nya, at wala namang negatibong feedback ang dalawang instructor nya. Hanggang isang araw..."



Alexander's POV (Xandria's father)

Kasalukuyan akong nasa gitna ng meeting nang nagvibrate ang phone ko.

"Can you please excuse me. This is urgent."

Sinagot ko na yung tawag ni Jayden. Siya ang nagtetrain kay Xandria at ang asawa nitong si Joyce. Kinakabahan ako sa biglaan nyang pagtawag.

"What's wrong Jayd?" bungad ko sa tawag.

"It's about Xandria. Some men attacked our hide out. Duguan na si Joyce kaya si Xandria Na Ang Lumaban. Sa dami ng kalaban hindi ko na sya natulungan. Nagulat nalang ako ng nakahiga na sya sa sahig at naliligo ng dugo--" Hindi ko na tinapos ang tawag at binabaan na sya ng telepono. Dali dali akong tumakbo palabas at sumakay ng kotse. Pinaharurot ko ito at dumiretso na sa hide out ng anak ko.

Naabutan ko si Jayden na ibinabad si Xandria sa bathtub na may mainit na tubig. May mga wires na nakakabit sa katawan nya na nakakonekta sa mga computer na kinakalikot ni Jayden At Mga Aparato. Naawa ako sa anak ko dahil sa kalagayan nya. Tinanong ko si Jayden kung bakit ganun ang way ng paggamot nya kay Xandria.

"It was an experiment way back our college days. Gamit ang computer ay mabilis na maghihilom ang mga sugat nya dahil nakakonekta ito sa utak at bawat tissues ng katawan nya. Yung tubig naman ay parang nilalaga sya. Pag malambot na sya tsaka ko na aayusin yung mga nasirang bahagi ng katawan nya gamit ang computer at mga aparatong iyan."

Mahaba nyang paliwanag. Ngayon naintindihan ko na. Talagang napakatalino ni Jayden pagdating sa siyentipikong usapan. Kaya tiwala kong iniwan ang anak ko sa kanya.

FLASHBACK ENDS

Kaya ayaw sakin ipaubaya ni Mr. Dale ang operasyon noon ay dahil may ibang way pala sila ng paggamot kay Max. Parang ginawa syang robot ng mga ito. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Max. Lahat ng doctor na kinuha ko ay parehas ang sinasabi. Okay naman na raw sya ang kaso lang ay hindi nila alam kung bakit hindi pa nagigising si Max. Ako rin ay di ko malaman ang dahilan. Tatlong buwan na...

Alam ng lahat na patay na sya. Gumawa ng paraan ang daddy nya para kapani-paniwala ang pagkamatay nya. Kahit sa dyaryo ay puro sya ang laman. Wala na rin akong balita kela Zen at John. Hindi na ko nagpakita sa kanila matapos ang libing kuno ni Max.

Ngayon ay nandito kami sa L.A. Nasa isang bahay lang kami. Isang tagong bahay. Walang nakakakilala sa amin kahit isa rito. Tahimik lang kaming namumuhay. Literal na tahimik dahil walang malay ang kasama ko sa bahay.

Pinagmamasdan ko si Max habang nakaupo ako sa kama nya. Lagi ko syang pinupunasan ng basang bimpo at kinakausap, nagbabakasakali akong magising na sya.

"Max? Ano nanaman ang napanaginipan mo? Maganda ba? Kaya ayaw mo pang gumising?"

Minsan nagsasawa na rin akong kausapin sya kasi wala naman akong nakukuhang sagot sa kanya. Tatayo na sana ako nang biglang gumalaw ang kamay nya. Parang may inaabot.

"Max? Max? Can you hear me? Open your eyes. Please." I pleaded.

Paulit ulit kong sinasabi yun at mahina ko syang niyuyugyog hanggang sa nagmulat na nga sya ng mata. Nagulat lang ako sa mga mahihinang salitang lumabas sa bibig nya...














"S-sino ka? N-nasaan a-ko?"

--------

TOP SECRETWhere stories live. Discover now