Maxene's POV
"Tumawag nga pala si Mark. Pwede ka na raw magstart ng work bukas." Malamig na sabi ni James sakin. Four days na nakalipas simula ng nagmall kami pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nya ko gaanong pinapansin.
Kapag kakain, may sasabihin sya at gigisingin nya ko, yun lang yung time na kakausapin nya ko. Minsan nga ay magigising ako wala na siya at matutulog ako ng wala pa sya. Sabi nya ay busy lang daw sya.
"Ah. Sige. Pasabi nalang hindi ako malelate." Maikling sabi ko. Naaawkwardan ako sa sitwasyon namin ngayon. Tsk.
"Max, yung bilin ko lagi sayo. Don't talk to strangers. You don't know them." Bilin nya ulit sakin.
"James, that's my work. Hindi maiiwasang kumausap ako ng hindi ko kilala especially clients" Sagot ko sa kanya. Minsan kasi nagtataka na talaga ako kung bakit ang higpit nya sakin pagdating sa pakikipag usap sa ibang tao.
"I'm just protecting you Max. Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa isip ng mga tao sa labas. Dapat nga ay hindi na kita pinayagan pang bumalik sa trabaho eh." Medyo irita nyang sabi sakin.
"Alam mo hindi kita maintindihan eh. Bakit ba napakahigpit mo sakin pagdating sa pakikipag usap sa ibang tao? You never let me do things alone." Hindi ko na napigilan magtanong.
"Max, hindi sa mahigpit ako. Ayoko lang na nakikipag usap ka sa hindi natin kilala. Mahirap ng magtiwala sa bagong kakilala." Yun lang ang lagi nyang sinasabi pag nagtatanong na ko tungkol sa kung bakit wala kaming mga kaibigan o kakilala dito. Tsaka sya magwawalked out para makaiwas sa ibang tanong ko sa kanya.
Hindi ko nalang sya kinulit pa kasi baka magalit na talaga sya. Pumasok nalang ako sa kwarto at nag ayos ng mga gamit ko para sa pagpasok ko bukas.
---
"Goodmoring Ms. Yllustrisimo." Bati sakin ng nasa front desk. Ngumiti lang ako tsaka na ko nagpunta sa isang Office dito sa ground floor.
Pagkapasok ko sa Manager's office ay si Mark agad ang bumungad sakin. Sabi nya ay Mark nalang daw ang itawag ko sa kanya.
"Max, you're here. Have a seat. Ioorient ko sayo yung mga dapat mong gawin dito sa hotel. Hindi ko rin kasi to masyadong natututukan kasi hindi lang ito yung hawak kong business eh. Buti nalang sinabi ni James na gusto mo ng magtrabaho ulit at may experience ka bilang Accountant sa isang huge Company so I assume you can handle this work." Medyo mahabang sabi nya. Naupo na ko sa upuan dito sa tapat ng table nya.
"Actually hindi ko na maalala yung trabaho ko before. Nagpumilit lang ako kay James na magwork para makatulong sa kanya." Alanganin ko pang sabi sa kanya.
"That's nice. Buti nalang talaga. Ayoko rin kasi ipagkatiwala itong Hotel sa ibang tao dahil bagong bukas lang to. Alam mo bang dahil sa isang babae kaya ko to nabili? Matagal ko ng pangarap magkaroon ng sariling hotel kaso ayaw pa ng daddy ko. Magsikap daw muna ko. But one day, isang babae ang nagbayad sakin ng million dollars. Kaya nabili ko to sinama ko pati ipon ko." Out of nowhere ay nakwento sakin ni Mark.
"Okay, tama na nga. Halika na at orient ko na sayo lahat ng gagawin mo. Tara." Inaya ako ni Mark sa labas at mag iikot daw kami sa buong hotel nya.
"Ang pasok mo ay 8am til 5pm. Office hours. Weekends wala kang pasok. Pagpasok mo ay dito ka didiretso sa guard's office. Nandito yung mga DTR natin. Tas dun naman sa dulo ay may pantry at canteen for employees lang, nandun na rin ang cr at locker room ng mga employees. Sa office mo naman may sarili kang cr dun." Dinala nya ko sa guard's office at katabi nun ang sinasabi nyang canteen at pantry.
"Sa lobby naman, you will be there in times of need lang or pag tinawag ka. Pero nasa sayo rin naman kung tatambay ka sa lobby for observations and audit. Ang Manager ko dito wala namang physical work eh, puro paper works. Kaya always kang nasa office lang. Pag iikot ka lang sa hotel tsaka ka lalabas ng office." Paliwanag nya pa. Binigyan nya ko ng ilang folder at basahin ko raw ito mamaya sa office.
"3 folders yan. Yung isa catalog ng hotel na to, mga rooms and facilities. Yung isang folder naman ay files ng mga staffs, employees, regular client natin at customers na laging nagchecheck in dito. Yung last ay financial report. Yan na muna ang mga ipapaaral ko sayo. Next time na yung Information about sa isa ko pang branch located in the Philippines."
Inikot nya muna ako sa buong hotel. 11-storey building ang hotel nya. Bawat floor ay may 10 rooms. Sa 11th floor nandun ang penthouse nya. Sa 5th floor ang office nya at sa ground floor naman ang office ng manager.
Pagdating naman namin sa Manager's Office ay pinapirmahan nya sakin ang contract for employment. Buti nalang ay napag aralan ko ang pirma ko sa bahay. Iniwan na nya ko pagkatapos kong pumirma, dahil marami pa raw syang aasikasuhin.
Binasa ko na ang mga files na binigay nya sakin at pinag aralan.
Hindi naman ganun kahirap intindihin kung paano i-manage tong hotel ni Mark kaya natapos ako agad sa iniwan nyang paper works. Napagpasyahan kong lumabas muna ng office at mag ikot ikot tutal ay 11am palang naman at 12noon pa ang lunch break ko.
Pagdating ko sa lobby ay inassist ako ng ibang employee. They're so hospitable. Mahahalata mo talagang pinoy ang may ari ng hotel na to. At ilan sa mga employees ay pinoy din.
"It's okay. I can manage. I'm just looking around, familiarizing the facilities." Sabi ko sa mga nag aassist sakin. Nag ikot ikot na ko sa hotel at nag observe.
Nasa 4th floor palang ako nang may makasabay ako sa elevator. Isang lalaki na kanina pa nakatingin sakin.
"Oh Ms. Dizzy, dito ka pala nagtatrabaho? Bakit ngayon lang kita nakita dito?" Hindi ko sya pinansin dahil akala ko ay hindi ako ang kinakausap nya hanggang sa kalabitin nya ko at napatingin ako sa kanya. Napakunot noo ako. Sya yung lalaki sa mall.
"Ah. Hi." Bigla namang huminto ang elevator at bumukas ang pinto. Lumabas na ko at sya namang sunod sakin.
"What's your name? I don't have the chance to ask last time." Habol nya sakin habang naglalakad ako. Seriously? Talagang susundan nya ko?
"Maxene. Okay na? Kasi I'm working." Medyo mataray kong sabi sa kanya.
"Can I invite you? Lunch tayo. Hindi na ko nakabawi sayo nung nabunggo kita eh." Makulit talaga sya.
"Look, Mr.?"
"Xander."
"Yes, Mr. Xander. No need to treat me. Kasi trabaho po ang pinunta ko dito at hindi pakikipag lunch kung kaninong ponsyo pilato. Pasensya na po." Naiinis na sabi ko. Gwapo pa man din sya pero ang kulit nya. Ugh.
"Sige na. Pumayag ka na. You know what? Kilala ko ang may ari ng hotel na to. Actually pinsan ko sya eh. Gusto mong ipaalam nalang kita sa kanya?" Namamag asang tanong nya. At ano raw? Pinsan nya si Mark? Tsk.
"Tsk. Fine. Pero ngayon lang. After this, will you please stop bothering me Sir?" Napapayag nya rin ako. Buti nalang at malapit ng mag 12noon kaya inaya ko na sya.
---
James' POV
"Pare nandito ako sa hotel mo. Nasaan si Maxene?" Sabi ko kay Mark sa cellphone.
(Pare ang alam ko naglunch na sya. Tignan mo sa canteen. Alam mo naman na kung saan yun eh. Babye na. Busy pa ko eh.) Psh. Loko talaga yun. Busy lang mambabae eh.
Nagpunta na ko sa canteen. Pagpasok ko naman dun ay nakita ko agad si Maxene kaso may kasama syang lalaki. Lalapitan ko na sana sila ng makita ko kung sino yung lalaki.
Siya yung nasa mall last week. Nagulat ako ng punasan nya yung bibig ni Max Ng Tissue. How sweet they are. Umalis na ko dun bago pa ko makita ni Max.
Buwisit na araw to! Nakakainis!
----------------------------
YOU ARE READING
TOP SECRET
AçãoSplit personality is what they called it. But for me it is my twin. I killed many but I don't care. I am made to be like this. A Reaper. I am better than a demon. MAD is my name . . . . . . . . . And this is my TOP SECRET. - AkoSiKrenggg Note: In a...