Kabanata 2
Not Strangers Anymore
Maaga akong nagising ngayon dahil nga sabi ng kaibigan ko ay gusto akong makita nung manager. Nag-text sa akin si Kal at sinabi niyang magkita nalang kami sa harap ng hotel. Tinawagan ko na rin ang boss ko doon sa gay bar at ni-request na kung pwede ay tuwing weekends nalang ako magtrabaho doon. Laking tuwa ko naman nang pumayag siya.
Nakapagluto at nakakain na ako ng agahan. Kakatapos ko lang din maligo at nandito ako sa harap ng salamin ng kwarto at nagpapa-pogi. Simple lang ang porma ko dahil hindi naman masyadong pormal ang a-apply-an kong trabaho. V-neck white shirt, itim na pantalon, at rubber shoes na malapit ng masira. Hindi na ako nakakabili ng kailangan ko dahil mas mahala sa akin ang operasyon ni nanay.
Matapos ayusin ang buhok ko ay kinuha ko ang face powder at nilagyan ng kaunti ang mukha. Nang lalagyan ko na rin sana ang leeg ko ay natigil ako nang makita ang mapupula na kung ano. Ano ito? Chikinini?!
Pinakatitigan ko itong mabuti at nasiguradong chikinini nga.
Anak ng putcha naman, oh!
Sa dinami-dami ng mga customer ko ay wala pang naglagay ng chikinini sa leeg ko dahil binabalaan ko sila na huwag silang kakagat sa parteng 'to dahil ayaw ko. Pwede lang nila akong lagyan sa parteng maitatago ko pa. Hindi naman kasi alam ng pamilya ang totoo kong trabaho sa bar na iyon, ang alam nila isa akong waiter.
Hindi ko na nabalaaan ang gagong si Nikkolai dahil masyadong mabilis ang paghalik niya sa akin. Nilagyan talaga niya ng bakas ang nangyari kagabi. Hindi lang isa kundi tatlong malalaki at mapupulang chikinini. Damn it!
Sinubukan kong burahin ang chikinini gamit ang kamay ko kahit na alam kong hindi naman pwede. Tangina. Bakit ngayon pa niya ako nilagyan kung kailan may interview ako? Paano kapag nakita 'to ni nanay? Ni tatay? Ang mga kapatid ko? Si Kal at ang manager. Siguradong magtataka at pagtatawanan ako ng mga 'yun.
"Humanda ka sa akin kapag nakita kita ulit. Babangasan talaga kitang gago ka!" inis na bulong ko. Itinigil ko na ang pagkaskas at tinignan ulit sa salamin.
Paano ba ito burahin?
Sinubukan kong mangapa sa aparador ng kapatid kong babae na si Kyla baka sakaling meron. Luckily, nakita ko ang isang concealer stick. Pwede kaya ito? Sinubukan kong lagyan ang mga chikinini at umepekto naman. Hindi siya tagong-tago, pero hindi na rin naman halata.
Napangiti ako. Hindi na dapat ako naba-badtrip baka itsura pala ang basehan ng manager para tanggapin ako, hindi ba?Kinuha ko na ang brown envelope na naglalaman ng resumé ko atsaka lumabas na ng kwarto.
Naabutan ko ang mga kapatid ko na sa kusina na kumakain na ng agahan. Si Kyla mukhang patapos ng kumain, samantalang si Kristoff ay abala sa pagtitipa sa binili kong cellphone sa kaniya. Ngingiti-ngiti pa siya at nakakasigurado ako na may kausap na naman na babae 'to.
"Morning, kuys." masiglang bati sa akin ni Kyla. "Kumain ka na?"
Tumango ako. "Oo. Tirhan niyo si tatay baka umuwi 'yun dito bigla." paalala ko.
"Sige, kuys."
Tumingin muli ako kay Kristoff at ganon pa rin siya. Nilapitan ko nga at binatukan siya.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan, ha? May syota ka na naman ulit?" maangas na tanong ko.
Tinignan niya ako ng masama.
"Wala ah!" tanggi niya.
"Anong wala ka diyan. Alam mo ba, kuys, matapos niyang makipag-break kay Lorraine ay naging syota niya agad 'yung naging muse nila sa
basketball. Jeraldine ata ang pangalan." sumbong ni Kyla.
BINABASA MO ANG
Curious Strangers
RomanceIto ang istroyang magpapatunay na lahat ng BAWAL ay MASARAP, at lahat ng SARAP ay may kalakip na paghihirap. They're not friends, they're not a lover. Because they are... Curious Strangers In A Collaboration Of: Howard Demillo ...