Kabanata 3
Hotdog
"Please...pare?"
Sa bulong niyang iyon ay naramadaman ko kung gaano kainit ang hininga niya. Sa tono ng pananalita at chinito niyang mga mata ay nakikita ko doon ang pagmamakaawa. Pero bakit ganito? Bakit naaawa ako? Bakit nagpapakandarapa siyang makipag-kaibigan sa akin?
Balak pa niya akong halikan pero mabilis ko siyang itinulak. Napailing ako. Hindi ito pwede.
"Maghanap ka nalang ng iba mong kalaro. Huwag ako. Wala akong oras para diyan." mahinahon kong sabi. "Tigilan mo na ako, Nikkolai Servantes."
Umiling siya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"No. Hindi kita titigilan, Kiro. Titigilan lang kita hanggang sa ituring mo na rin ako bilang kaibigan, hindi basta stranger lang." seryosong aniya pa.
"Bahala ka sa buhay mo." Tinali
-kuran ko na siya at umalis na sa kwarto niya ng tuluyan.Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit hindi nalang niya tigilan? Wala ba siyang kaibigan kaya ganon siya makaasta?
Ayoko siyang kaibiganin dahil alam ko kung anong pakay niya sa oras na pumayag akong maging kaibigan niya.
He only want me to be his fuck buddy. He only using me to figure out his curiosity about what making out with the same gender feels like. Damn him!
Tulad ng sabi ng manager kanina ay pinuntahan ko ang head ng housekeeping para malaman lahat ng bagay sa trabaho ko. Binigyan ako ni Ms.Camila ng schedule. Pang-umaga tulad ni Kal. Bale ala-otso ay dapat nandito na kami sa hotel at nililinisan ang dapat linisan sa mga kwartong naka-toka sa amin. At pagpatak ng alas-kwatro ng hapon ay papalitan na kami ng mga night shift.
Mabuti nalang at nilagay ako sa 4th floor at hindi doon sa 8th floor kung nasaan ang gagong si Nikkolai. Panigurado guguluhin ako nun.
Sa suweldo naman tuwang-tuwa ako. Labing-walong libo kada akinse at katapusan. Sobrang laki na nun para sa ipon ko.
Buong araw ay tinuruan lang ako ng mga techniques ni Kal. Training lang kumbaga. Easy learner naman ako kaya hindi nahirapan. Matapos ang shift ay agad akong pumunta ng palengke para ibili ng prutas si nanay at ni tatay na din.
"Buti at dumalaw ka, anak. Nagtatampo na ako sa'yo." ani nanay pagdating ko sa kwarto niya. Pabiro pa siyang umirap.
Nasa kabilang side nakaupo si tatay. Masyadong ng malaki ang eyebags niya at mas halata na ngayon ang pangungulubot ng mukha niya. Naaawa na ako sa lagay niya. Laging puyat.
"Nay, alam mo naman na kailanga kong kumayod 'di ba? Para sa inyo naman ito." sabi ko. "At alam niyo ba 'tay, 'nay? May bago ulit akong trabaho. Malaki ang suweldo."
Pero imbes na matuwa sila sa binalita ko ay parang nalungkot pa.
"Baka napapabayaan mo na ang sarili mo, Kiro?" tanong ni tatay.
Umiling ako. "Hindi. Kaya ko 'to. Ako pa?" Tumawa pa ako para pagaanin ang paligid pero hindi pa rin epektibo.
"Masyado na ata akong pabigat sa'yo, 'nak. Alam kong pagod ka na sa kakatrabaho. Kasalanan ko ito lahat--"
"Nay!" pagpigil ko na sa mga sasabihin niya. Hinawakam ko ang isang kamay niya at pinunsan ang luhang pumatak sa mata niya. "Hindi niyo kasalanan, okay? Atsaka hindi po ako napapagod. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang anak niyo. Huwag niyo ng sisihin ang sarili niyo, okay?"
Malungkot siyang ngumiti. "Basta kapag pagod ka na magpahinga ka, ha?" Ngumiti ako at tumango.
---
BINABASA MO ANG
Curious Strangers
RomanceIto ang istroyang magpapatunay na lahat ng BAWAL ay MASARAP, at lahat ng SARAP ay may kalakip na paghihirap. They're not friends, they're not a lover. Because they are... Curious Strangers In A Collaboration Of: Howard Demillo ...