Kabanata 4
Official Pare
"Ano, pare, papasok ka ba mamaya sa bar?" tanong ko.
Nandito kami ngayon nakatayo sa ground floor sa tabi ng reservation area. Tanghali na at katatapos lang namin kumain. Wala pa rin namang kailangan linisan na kwarto kaya nagagawa pa namin mag-kwentuhan at tumingin-tingin sa mga nag-gagandahang mga dilag. Syempre malay natin, 'di ba? Baka dito ko na makita ang mapapangasawa ko in the future.
Napasulyap ako kay Kal nang hindi siya sumagot. Abala na ang kaniyang mata sa pagtitig ng isang babae sa reservation area na mukhang magche-check-in dito. Maganda 'yung babae kaso medyo pandak, maliit din ang buhok na bumagay naman sa bilugan niyang mukha.
Pinitik ko ang tainga niya at napaigtad naman siya. "Ay chix!" sigaw niya kaya nabaling ang atensyon ng mga recepcionist at 'yung babae sa kaniya at humalakhak pa.
Matalim akong tinignan ni
Kal. "Bakit ka ba kasi namimitik, pare?""Tinatanong kita kung papasok ka ba mamaya sa bar." ulit ko sa tanong.
"Oo." masungit niyang tugon at binalingan muli ang babae.
"Gusto mo?" pabulong kong untag.
"Oo. Cute niya, 'no?"
Tumango na lamang ako. Ilang sandali pa matapos kunin ng babae ang key card niya ay pumihit na siya sa direksyon namin. Nag-ayos kami ng tayo.
"Pare, kapag malapit na siya itulak mo ako, ha?" utos niya.
Humalakhak ako. "Sige."
Tulad ng sabi ni Kal ay itinulak ko siya ng bahagya nang nasa harapan na namin ang babae. Mabuti na lamang sakto lang ang pwersang naibigay kaya hindi sila nagkabungguan. Tumingin sa kaniya ang babae at mahinang humalakhak.
"Ayos ka lang?" mahinhin niyang sabi. Dalagang pilipina...
"A-Ah, oo." tarantang anang kaibigan ko. Natawa ako.
Torpe. "A-Ako nga pala si Kalix, pero pwede mo akong tawaging Kal para hindi ka mahirapan." dagdag niya at nahihiya pang inilahad ang kamay.Natawa na rin sa kaniya ang babae. "Maria Allia." tinaggap niya ang kamay ni Kal. "You can call me Alli para hindi ka rin mahirapan. Nice to meet you."
Hindi na nakagalaw pa ang kaibigan ko at mukhang nalasing na sa mala-anghel na mukha at ngiti ni Alli. Hindi na rin siya mabitawan ang kamay nito. Grabe, na-love at first sight ata si Kal, ah?
"P-Pwede ko na bang bawiin ang kamay ko?" nahihiyang ani Alli. Natauhan ang kaibigan ko at binitawan niya iyon.
"Anong floor pala ang kwarto mo?" tanong ni Kal.
"6th floor."
"Ganon ba? Doon ang floor na nililinisan ko. Kaya kung may ipapagawa ka sa kwarto o ano...i-request mo nalang ako."
"Okay. Mauna na ako." Nagpatuloy na sa paglalakad si Alli at sumakay na ng elevator.
Nilapitan ko na si Kal. "Pare, ang torpe mo!" sabi ko at pinitik ulit ang tainga niya. Hindi siya nag-reklamo at mukhang namanhid na ata.
"Natamaan na ako kay Alli, pare. Liligawan ko na ata siya." wala sa sarili niyang bulong.
"Mukhang natamaan na rin naman ata siya sa iyo."
Napalingon siya sa akin. "Talaga ba?" Tumango ako. "Kung ganoon ay liligawan ko na siya."
"Iyan ang pare ko!" panunudyo ko pa at minasahe kunwari ang balikat niya na parang sasakbak siya sa laban.
BINABASA MO ANG
Curious Strangers
Lãng mạnIto ang istroyang magpapatunay na lahat ng BAWAL ay MASARAP, at lahat ng SARAP ay may kalakip na paghihirap. They're not friends, they're not a lover. Because they are... Curious Strangers In A Collaboration Of: Howard Demillo ...