Kabanata 5

48 3 3
                                    

Kabanata 5

Request

Kaibigan. Sila ang mga taong madalas na masasandalan mo kapag nanghihina ka. Sila ang taong makakapitan mo sa oras na lumulubog ka. Sila rin ang taong kasama mo sa saya at lungkot. Minsan nga mas kilala ka pa nila mg lubos kaysa sa sarili mong pamilya.

Marami akong kaibigan at karamihan doon ay puros lalaki. Tulad nalang nila Kal at Luke.

Si Kal, siya 'yung tipo ng kaibigan na nahihingian ko ng payo tuwing naguguluhan ang isip ko. Siya rin ang nagpapalakas ng loob ko. 

Si Luke naman siya ang nalalapita ko tuwing may problema ako sa pinansyal. Ganoon rin naman ako sa kanila, patas kami sa isa't isa. Kapag may isang nadadapa ay asahan mong may mga kamay na tutulong sa'yo.

"Pare, birthday ni Luke ngayon. Inom daw tayo mamaya sa kanila."

Pero sa lahat ng kaibigan ko ay si Nikkolai ang naiiba. Sino bang matinong kaibigang lalaki ang hahalikan ang kaibigan niyang lalaki rin? May lalaking kaibigan ba ang liligawan ka at magpo-propose sa iyo? Lalagyan ka ng chikinini at hahawakan ka sa puwet? May lalaking kaibigan ba ang makikipag-sex sa kapwa niya lalaki? Wala naman, hindi ba?

Pumutok ang lahat ng nasa aking isip at napabalik ako sa wisyo nang ipinitik ni Kal ang daliri niya harap ng mukha ko.

"Eh?"

"Sabi ko birthday ngayon ni pareng Luke at inaaya niya tayong uminom sa kanila. Sama ka?" tanong niya.

Shit! Oo nga pala. Nag-text na sa akin si Luke at inimbitahan niya akong pumunta sa kanila kaso hindi ko pa siya nare-reply-an.

"Syempre naman." tugon ko pero hindi pa rin niya inaalis ang nagtatakang tingin niya sa akin.

"Ayos ka lang ba, pare?"

Ilang beses ko na nga bang narinig ang tanong na iyan sa mga katrabaho at mga nakakasalubong ko mula pa kanina. Hindi ko na mabilang.

Tumango ako. "Oo naman. Ayos lang...talaga. " Ininom ko ang tubig upang mahimasmasan ako.

Nakalimutan ko bigla na nasa karinderya kami. Tangina. Bakit ba ako nalulutang?

"Sigurado ka ba? Kaninang umaga ka pa tulala." nag-aalalang sabi pa niya.

Tumango ulit ako. "Oo nga. Tara na, tapos na ang lunch break."  Tinawag ko ang serbidora saka ibinigay ang bayad sa kinain namin.

"Tingin ko alam ko na kung bakit ka tulala." aniya habang tumatawid kami sa pedestrian lane. Napatingin ako sa kaniya. "Binalitasa akin ni Luke ang pagkatanggal mo sa bar. Bakit ka ba kasi nakipagsuntukan?"

"Mga gago, eh. Nilait-lait ba naman ako." Napayukom ako ng kamao nang maalala ko na naman ang mga kupal na iyon.

"Paano na niyan? Kulang pa rin ba ang pera pampa-opera kay tita?"

"Ayun na nga, kulang na kulang pa rin talaga." Bumuntong hininga ako. "Kung ano pa namang trabaho ang mayroong malaking kita ay iyon pa ang nawala."

Ano ng gagawin ko nito? Kanina ay tumawag ang doktor at sinabing mabilis na ang pagkalat ng cancer cells sa dugo ni nanay kaya as soon as possible daw ay kailangan na daw isagawa ang operasyon dahil kung hindi...Naglabas muli ako ng hangin sa bibig. Iniisip ko palang na mawawala sa amin si nanay ay pinipiga na ang puso ko. Kaya ngayon kailangan kong gawin lahat para maisalba ang buhay ni nanay.

Pagpasok namin sa hotel ay agad kaming sumakay ng elevator. Si Kal na ang pumindot sa mga floor namin.

"Hayaan mo, pare, tutulungan ulit kitang makahanap ng trabaho." sabi niya at tinapik-tapik ang balikat ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Curious StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon