Chapter 1: Start
~Takisha Bam~
NANDITO ako sa apartment ng dalawa kong bestfriend, masaya akong sabihin ang balita sa kanila.
"ARE YOU SERIOUS?!"
Napatakip ako ng dalawang tainga, at sinamaan ko ng tingin si Lasse, wagas kung makasigaw naiirita ako sa tinis ng boses niya akala mo ang layo-layo ko talaga sa kaniya.
"Can you please, minimize your freak'n voice." Wika ko na may tonong naiinis. Inayos ko na ang mga damit ko at tinupi ang mga pantalon ko.
Umisog ito palapit sa'kin. "Bam, parang biglaan yata? Kasi if I'm not mistaken, ilang beses ka namin pinilit na mag-transfer but you always say NO to us." Tanong nito at tila tinitimbang ako-- ang magiging sagot ko.
Yes I did it.
"Tell me, did Ate Cleigh asked a favor from you. Am I right?" Tanong niya ulit. Itinigil ko ang pag-aayos ng damit ko at tumingin sa kan'ya, kahit ano pang tago ko sa kaniya, malalaman niya pa rin sa huli. Sa'ming tatlo si Lasse talaga ang madaling makabasa sa'kin, she always knew when I have a problem, and when I'm telling lies. Walang lusot.
"Where's Chustine?" I asked her. Inililihis ko ang topic.
She just shrugged her shoulders and helped me folding my clothes.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Chustine, may hawak pa itong chips sa kaliwang kamay at ice cream naman ang nasa kanan. Napa-iling na lang ako sa katakawan niya.
She sat beside me. "Hey! I heard my name was mentioned, what it is?" She asked while chewing her chips.
"Pahinge ako." Kinuha ni Lasse ang hawak niyang chips, ngunit inilayo lang ito ni Chustine at ang ice cream ang ibinigay.
"Ayoko ng ice cream." Tanggi ni Lasse at sumimangot kay Chustine. "Give it to me, promise I'll share it with bam." She winked at me. Wow, dinamay pa ako.
Tiningnan ako ni Chustine na tila naninimbang habang naka-taas ang kaliwang kilay.
"Yes, I also want chips but I prefer ice cream." I smiled and I get the spare spoon and scoop a little amount. Inabot ko kay Lasse ang chips para hindi na siya sumimangot. Lumiwanag ang mukha niya habang inaabot ang chips.
"So, back to our topic," Biglang wika ni Lasse habang punong-puno ng chips ang bibig. Kumuha ako ng tissue at ibinato sa mukha niya. Messy eater!
"Total, nandito na kayo." Huminga muna ako bago ikiniwento ang dahilan ko.
⭐⭐⭐
"Ate, bakit biglaan naman?" Tanong ko. Hindi ako makapaniwala na ita-transfer niya ako sa Zython University, sa pinapasukan din nina Lasse at Chustine.
"May favor sana ako sa iyo."
Parang may mali, hindi ko lang masabi. Ako lang ba talaga o sadyang may rason kung bakit ako ililipat ni Ate.

BINABASA MO ANG
Chasing the Elusive 1 (On Going)
Teen Fiction📌This is my second ongoing story "As the tree reach for the sun above so my arms reach out for your love" ▪URFRIES▪