Prime: PROLOGUE

10 2 0
                                    



KANINA pa ako nakatayo dito sa tapat ng office ng SSG President. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan? Ito ang unang beses na magawi ako dito, kung bakit pa kasi ako pa ang inutusan ni Sir Chan? Pero wala na akong magagawa nandito na rin naman ako sa tapat. What now Bam?

Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Sabi kasi ng mga kaklase ko, grabe raw magalit itong SSG President, hindi ko pa nga ito nakikita sa personal tanging sa litrato ko lang siya nakilala pero kinakabahan pa rin ako.

"Sige, kakatok na ako ibibigay ko lang naman ito. Para tapos na," bulong ko sa sarili ko. Kahit kinakabahan ako kailangan ko pa rin itong gawin. Once in a blue moon lang manghingi ng favor si Sir. Napabuntong-hininga na lang ako at inayos ang medyo magulo kong buhok.

Ok, this is it!

Kumatok ako ng tatlong beses, at hinintay na mag-bukas ito ngunit nakalipas ang dalawampung segundo hindi pa rin ito bumubukas. Sure ba talagang nandito ang President?

"Baka hindi narinig," I whispered to myself.

I was about to knock again when the door suddenly opened. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang gulat. Iniluwa doon ang isang lalaki, ngayon ko lang napansin na nasa ere pa rin pala ang kamay ko na gagamitin sana pangatok agad ko itong ibinaba. Kahiya!

Tumikhim ako at umiwas ng tingin. "Excuse me po Sir, I'm here to give this to Mr. President." I stopped. "Nandito po ba siya?" Tanong ko sa mababang boses. He averted his eyes and I saw how his Adam's Apple moved. Hindi niya pa rin nasasagot ang tanong ko. His aura is intimidating, ngayon ko lang siya nakita dito.

Malamang kakatransfer mo lang dito!

Napatingin ako saglit sa kan'ya, he has a messy hair and a dull eyes, napadako ang tingin ko sa polo niyang medyo gusot at nakabukas ang una at pangalawang butones kaya sumisilip ang dibdib niya, he looks hot!

"Give it to me."

Mabilis kong binawi ang tingin ko sa kan'ya, baka napansin niya na nakatingin ako sa dibdib niya. Inayos ko muna ang hawak kong mga papel at inabot sa kaniya. Tinanggap niya naman ito at pagkatapos ay binuklat, wala lang man siyang naging reaksiyon.

Tumingin ako sa kan'ya. "Uhm.. Excuse me, 'pag dumating na si Mr. President, paki-sabi na lang po na pinabibigay iyan ni Mr. Chan." Wika ko at tipid na ngumiti. "Mauna na po ako, salamat po." Yumuko ako at tumalikod na, pero hindi pa ako nakakahakbang nang marinig ko itong tumikhim.

"Thanks, and by the way. I'm the SSG President."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Lumingon ako sa direksiyon niya ngunit kasabay rin 'nun ang pagsara ng pinto. Hindi ako naniwala sa sinabi niya, hindi naman ganiyan ang itsura ng SSG President, hindi naman sa bina-bash ko siya, magkaibang-magkaiba talaga sila malayong-malayo talaga.

How come, he is the President?

📌May mga wrong spellings, grammatical errors, and punctuational errors na makikita dito. Feel free to correct me and it's appreciated Thanks!

No to Plagiarism

Thank you guys!

Vote.Comment.Share

▪URFRIES▪

Chasing the Elusive 1 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon