Chapter: 4 Sir Width?
NAPATINGIN ako saglit sa wristwatch ko, nagulat ako ng makitang hindi na pala ito gumagana. Gumagana pa 'to kanina ah? Kabago-bago pa lang nito E, sira na agad.
I sighed in frustration.
Cellphone ko na lang ang kinuha ko. It's already 10 AM, the time is so fast.
"Shuks! Late na ako nito." Wala na akong sinayang pang oras at pumara na ng taxi. Mabuti na lang talaga at may dumaang taxi at agad akong sumakay at sinabi kay kuya na sa Zython University ako, tumango lang ito at pinatakbo na ang sasakyan. Nag-message muna ako kay Lasse instead na kay Chustine.
To: Quin L Pretty
L, I'm on my way to school. Wait me at the gate.
Message sent.
I mentally laughed when I noticed there name in my contacts. I'm not the one who named it. Inisip ko kailan pa nila napalitan ang name nila dito sa phone ko? Hindi nila basta-basta mabubuksan ang phone ko, malakas ang security nito. Unless kung gumamit sila ng magic. Napatawa na lang ako sa mga naiisip ko.
"Miss, nandito na po tayo."
Napatingin agad ako sa labas ng bintana at nandito na nga kami. Kumuha ako ng isang libo sa wallet ko at ibinigay kay kuya, nag aalinlangan pa siyang tanggapin ang pera. Wala na akong maliit na halaga dito sa wallet ko E.
Napakamot ito sa batok niya. "Ma'am, wala po ba kayong maliit na halaga diyan? Wala po akong panukli." Tumango lang ako at tiningnan ulit ang wallet ko pero walang nahagilap na maliit na halaga, ATM at receipt lang laman.
"Uhmm... Kuya keep the change na lang po," sabi ko at inabot sa kaniya ang pera.
"Naku! Ma'am 'wag na po," mabilis niyang tanggi at pilit ibinabalik sa'kin ang pera. Hindi ko tinanggap at mabilis na lumabas ng sasakyan para na rin hindi niya na ipilit na ibalik sa'kin. Tulong ko na rin iyon kahit hindi ko pa nararanasang magtrabaho katulad nila pero alam ko kung gaano iyon kahirap. Basta lang may ipakain sa pamilya nila. I salute to those people.
***
Nandito ako nakatayo sa harap ng malaking gate ng Zython University, nalula ako sa sobrang ganda at laki. Medyo old style ito but there is also a touch of a modern I guess. Alam ko bago mag transfer si Ate Cleigh, she spend her 3years here before she transferred to Lycithon International School. I don't know what is her real reason why she transfer?
Nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa gate habang tumitingin-tingin ako sa paligid kaunti lang ang estudyanteng makikita sa palibot. May klase pa yata?
Napahinto ako saglit nang may humarang na guard sa dinadaanan ko. Tumingin ako kay kuya.
"Miss, bawal ang outsider dito."
Napangiwi ako. Outsider? Ako?
I cleared my throat. "Excuse me, but I'm also a student here." I crossed my arms.

BINABASA MO ANG
Chasing the Elusive 1 (On Going)
Novela Juvenil📌This is my second ongoing story "As the tree reach for the sun above so my arms reach out for your love" ▪URFRIES▪