Prime: 5

19 1 0
                                    


  Chapter: 5

~Now i know~


NAGHINTAY pa ako na baka may idadagdag pa siya pero wala na. Bakit pakiramdam ko may ginawa si Ate sa kanila? Iyon ang gusto kong malaman.

"T! You're here!" Chustine exclaimed. Gulat din akong napatingin sa kaniya pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binangga niya lang naman sa balikat ang lalaking nasa harap ko.

God! C, what are you doing?

Inirapan niya pa ito bago sa'kin lumapit.

"Hey, why are you rolling your eyes at him?" Bulong na tanong ko sa kaniya.

Ngumiwi lang ito. "Serves him right," bulong niya rin sa'kin.

"Paano kung bigyan ka ng punishment?" Tanong ko ulit. Nag aalala rin ako sa babaeng ito.

"I'm used to do it," parang balewala lang sa kaniya.

"By the way, bakit ikaw ang pumunta rito?" Nakataas ang kilay kong tanong. As far as I remembered si Lasse ang pinadalhan ko ng mensahe.

"Excuse me T, hindi ikaw ang pinunta  ko rito kundi ang pagkaing pinabili ko. Where it is?" Tanong nito. Napabuga na lang ako ng hangin. At siya narin mismo ang naghubad sa bag na suot ko. Atat E.

Halos magningning naman ang mata niya pagkakita na dalawang large ang binili ko.

"Ang takaw mo talaga," komento ko. Nginisihan niya lang ako. "Siguro kailangan ko ng palitan ang name mo sa contacts ko, C Sexy to C Greedy sounds better right?" Pabiro kong tanong.

"Ihh."

"Papal--" naputol ang sasabihin ko nang marinig kong tumikhim ang lalaking nasa harapan namin. Shuks! May kasama pa pala kami.

"The two of you seems enjoying talking but I have to interrupt." Lumipad ang tingin nito kay Chustine na panay lang ang kain. "Miss Marevilis go to the library after your class." dagdag pa nito at muling sumulyap kay Chustine.

Napatanga naman ako sa sinabi niya, ako? Pupunta sa library.

****

KASALUKUYAN kaming nasa cafeteria ni Chustine, hindi na ako naka-abot ng morning class kaya nagpasya na lang si Chustine na rito muna kami tatambay. Iginala ko sa loob ng cafeteria ang tingin ko, all I can say is wow! The cafeteria is so beautiful the ambience is relaxing, may mga books ding naka stand by sa magkabilang sulok.

"Ang ganda ng School niyo." komento ko. Totoo naman ang ganda talaga rito, worth it din ang tuition fees na ibinabayad.

"Yeah."

"Ang linis din, mukhang disiplinado lahat ng estudyante rito." Lumipad ulit ang tingin ko sa bawat sulok ng cafeteria. Examining every corner, organized.

"Yeah! Thanks to the SSG Officers. They made a rule and the students here obeyed."

"Siguro magaling ang mga officers sa paraan ng pamamalakad dito."

"Yeah."

Tumango-tango lang ako at kinuha ang phone ko. Pero agad ko ring tinago at tumingin kay Chustine na busy sa pagkain ng binili kong fries, ni hindi man lang ako inalok.

"C, noong nag-aaral pa rito si ate Cleigh, nandito na rin ba kayo 'nun?" Tanong ko.

Linunok niya muna ang nginunguya at tumingin sa'kin. "Hindi. Last year lang din kami lumipat dito, ang narinig ko 3rd year daw ang ate mo noong lumipat siya ng school."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing the Elusive 1 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon