Chapter: 3 Late
NANDITO ako sa pet shop ni Tita Chae ngayon, isang Veterinarian. Tapos niya nang gamutin si pusa, wala pa akong naisip na magandang pangalan dito."Tita, sure ka pa po wala na siyang kahit anong fracture or something?" Tanong ko. Natawa lang ito sa tanong ko.
"Tell me Bam, kailan ka pa nahilig sa pusa?"
"Tita, hindi talaga ako mahilig sa pusa, kaya nga lang. " I stopped and looked at the cat Tita's holding. "Nako-konsensiya ako, nabangga ko siya natatakot din po ako, baka malaman ng may-ari." Binawi ko ang tingin ko sa pusa.
"Iyan ang gusto ko sa'yo, may konsensiya hindi tulad sa ate mo." Inayos ni Tita ang kulot kong buhok. Ayaw ni Tita kay Ate masyado raw na maarte at spoiled.
Si Tita lang yata ang may disgusto kay Ate Cleigh. Majority, kay Ate lahat ang atensiyon ng mga kamag-anak namin.Haay! Ang gusto ko lang naman mapansin rin ako ng lahat.
"Shuks! Nakalimutan ko." bigla ko na lang naibulalas. Inis akong napatampal sa noo ko. Nagtataka namang napalingon si Tita sa gawi ko.
"Hey! What's the problem?" Lumapit pa ito sa'kin habang may nag-aalalang mukha.
"Ah.. Nakalimutan ko lang tawagan si Mama," sagot ko at dali-daling kinuha ang phone ko sa suot kong pantalon at dina-ial ang number ni mama. Nakalimang ring bago niya sinagot.
Kinakabahang inilagay ko ang phone sa tenga ko. "Mama..." maikli kong sabi.
"MY GOD! TAKISHA!" Napa-pitlag ako sa malakas na sigaw ni Mama sa kabilang linya.
"Mama... C-calm down please," paki-usap ko.
"How I calmed down? Kung nalaman kong nag-transfer ka ng school. Now tell me how can I calmed down?"
Natahimik ako saglit. "Mama? Hindi ba nasabi ni A----" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni ate.
"Mom, can you help me?"
"Okay, sandali lang kakausapin ko lang ang kapatid mo,"
Bakit gan'on kapag kay Ate ang bait-bait niya? Pero bakit pagdating sa'kin?
"Mama..." Tawag ko.
"Takisha! Mag-usap tayo pagbalik mo dito sa bahay."
"S-sige p----" naputol na naman ang sasabihin ko nang babaan ako ng telepono ni mama. Napabuntong-hininga na lang ako at lumingon kay Tita.
Ngumiti ako ng hilaw. "Tita, pwede ko ba itong uwiin?" Bigla kong tanong, ewan ko ayaw ko ng mahiwalay sa pusa na'to.
"Uhmm.." panimula ni Tita habang nag-iisip.
Pinagsalikop ko ang kamay ko. "Tita.. Please pretty please..." Naka-pout kong sabi. I'm sure hindi ako matitiis ni tita.
"Pwede naman..." Sagot niya.
Napa-Yes agad ako.
"But, kapag may maghanap na may-ari, ibibigay mo dapat." dagdag nito. Tumango lang ako binuhat ko ang pusa, hindi naman umangal ang pusa, tulog na tulog ito. I can't keep myself brushing her fur.

BINABASA MO ANG
Chasing the Elusive 1 (On Going)
Teen Fiction📌This is my second ongoing story "As the tree reach for the sun above so my arms reach out for your love" ▪URFRIES▪