She Said, He Said

430 5 5
                                    

Nagkaroon ka na ba ng crush or shoud I say crushes? Yung tipong nakita mo lang tapos nasabi mo sa sarili mo, "Uy, crush ko siya!" kahit na nga hindi mo siya kilala.

Eh paano kung yung crush mo eh parati mong nakikita? Oh di ba, super saya ng feeling na para bang kumpleto na ang araw mo masilayan mo lang siya? At para ka namang magkakasakit na ewan kapag hindi mo siya nakita.

Ibang klase talaga ang nagagawa ng crush kahit na nga hindi mo alam kung anong name niya, kung saan siya nakatira, kung taken na ba siya (huwag naman sana?! hahahaha) at kung may pag-asa ba na magustuhan ka din niya. (uy, hoping!!!)

Minsan, sa sobrang dami ng crush mo na hindi mo alam ang name eh binabansagan mo na lang ng kung ano-anong name gaya ng Mr. Black, Mr. Engineering, Mr. Popcorn, Mr. KFC at kung ano-ano pa. (pero siyempre, dapat kayong magkakaibigan lang ang nakakaalam non! ^___^)

Eh paano kung yung crush mo eh biglang nagpakilala sa'yo??? OMG!!! Soooooo Kilig di ba??? *____*

Tignan natin kung anong mangyayari kay Charrie at sa kanyang crush na si MR.SMILE. Magkakagusto din ba sa kanya ang binata or hanggang tanaw na lang siya dito.

She Said, He SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon