Holding Hands while Running, nag-Sway-sway Pa :)

102 1 0
                                    

Hala, naiwan ko yung payong ko. Kainis naman oh! Argh. Ang init-init kanina, tapos biglang uulan ngayong hapon ng pagkalakas-lakas? Tsk tsk tsk. Iba na talaga ang panahon ngayon. Ang hirap intindihin, parang pag-ibig.” Malungkot na wika ko habang nakatingin ako sa labas ng room habang nananalasa ang malakas na ulan.

Hindi mo na naman dala payong mo no?” Mataray na tanong sakin ni Donnie.

Obvious ba? Kaya nga hindi ako makaalis-alis eh. Late na ako sa part-time job ko. Lagot na naman ako nito.” Yeah, kahit mapera kami eh nagpa-part-time job ako. Ayoko kasing umasa ng umasa sa parents ko eh. Hindi naman kasi ako inutil or lumpo or incapacitated in short.  Wow, incapacitated. Ang lalim non ah!

Bakit ba kasi kailangan mo pang mag-part-time job eh may sarili naman kayong business? Atsaka araw-araw kang nagco-commute samantalang may sarili ka namang kotse.”

Nagsimula na naman po ang panenermon ng bff ko. Tama siya, my family owns a business, and I have my own car, my own condo unit and I have all the means to live a luxurious life. But I refused to use all of it. Minsan lang.

Sabi ko nga, ayaw kong parating umasa sa pera ng parents ko. Pera nila yun eh. I want to have my own money. Yung pera na ako talaga ang naghirap.

Anyways, let’s get back to the topic. Baka kung anong kadramahan pa ang masabi ko dito. “Donz, alam mo naman yung reasons di ba? I already told you many times. Kaya please lang, huwag mo na akong sermunan. Ang mabuting gawin mo, umuwi ka na. Don’t worry about me.” Pagtataboy ko sa kanya. Pero for sure, hindi naman niya ako iiwan dito. Yan pa, eh love na love ako niyan. Daig pa niyan yung mommy ko kung mag-alala sa akin. Hehehe!

Hindi. Ihahatid na kita sa trabaho mo. Hay naku Charito. Sa uultin, magdala ka ng maraming payong kung ayaw mong magdala ng sasakyan.

Yes Madam. Hehehe!” Kitams, labs talaga ako nitong bff ko eh. Sesermunan pa ako tapos ihahatid din naman pala ako. Hehehe!

So there, hinatid niya ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Isa ako sa mga barista ng bar na iyon. Dahil part time lang naman, bale 5 hours lang ang pasok ko.

Work. Work. Work. Hanggang sa lumipas na ang limang oras. Short-cut na lang kasi short story lang to di ba? Hehehe!

Hay, grabe, nakakapagod naman tong gabing to. Ang daming customers. Mabuti na lang, 5 hours lang ako.” Bulong ko sa sarili ko habang naroon ako sa labas ng bar at nag-aantay ng taxi. Hindi ko na inabalang ayusin ang buhok ko or mag-powder man lang kasi pauwi naman na ako eh.

Mabuti naman at wala ng ulan. Yun nga lang, wala din namang taxi. Hay, anong petsa na. Low batt pa naman ako. Hindi ako makakatawag sa bahay. Tsk!

She Said, He SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon