Warcraft Ka pa, Late ka Tuloy!

102 1 0
                                    

Part 1 (Charrie’s POV)

OMG!!! I need to hurry up.” Bakit ba naman kasi na-late ako ng gising. Argh! Baka hindi ko siya maabutan. Hilong-talilong ako kakamadali pababa ng hagdan habang sinusuot ko yung rubber shoes ko at sukbit ko yung malaki kong backpack.

Hoy Charrie, bakit ba nagmamadali ka eh ang aga-aga pa. Hindi ka ba muna mag-aalmusal?” Tanong sa akin ni mama na tila ba naguguluhan sa itsura ko. Ni hindi na nga ako nakapagsuklay kakamadali ko kaya itinali ko na lang basta yung buhok ko.

Huwag na ma. Sa school na lang po ako kakain.” Baka po hindi ko maabutan  yung ulam ko este si crush pag kumain pa ako dito. Hehehe! For sure, may batok ako kapag sinabi ko yun.

Sigurado ka? Baka naman magutom ka sa biyahe?

Hindi po. Ako pong bahala.” Mas magugutom ako pag hindi ako nakasilay. Bulong ko sa isipan ko.“Sige ma, alis na ako!” Sabay kiss sa kanya sa cheeks at patakbo akong lumabas ng bahay.

Ingat ka.” Dinig kong sigaw ni mama.

Yes ma. Bye!” Sigaw ko habang papalabas ako ng gate. Kesehodang madapa ako basta kailangan kong magmadali.

Sino nga ba ang hinahabol ko ng pagkaaga-aga? Walang iba kungdi ang aking Ultimate Crush na si Mr. Smile. Oo, Mr. Smile ang tawag ko sa kanya kasi hindi ko naman alam ang real name niya eh. Basta ang alam ko lang, parati siyang naka-smile sa tuwing makikita ko siya. Haaaaay!!! Makalaglag-panty este panga yung mga ngiti niya. Kaakit-akit talaga at nakaka-good vibes.

Tinignan ko ang relo ko at lalo akong nainis dahil lagpas alas siyete na ng umaga. “Naku, mukhang hindi ko na siya maaabutan. Nakakainis naman. Bakit ba kasi nagbabad pa ako sa net kagabi eh. Hay!” Nakakalungkot naman. Wala ata akong silay ngayon.

Most of the time kasi, quarter to seven ko nakakasabay si Mr. Smile sa pila ng fx. Kahit alas nueve pa ang pasok ko, gumigising ako ng maaga para lang makasabay ko siya. Ang adik ko di ba? Eeeee....

 

Kung dati, nagmamadali akong pumila, ngayon eh para akong pagong kung lumakad. “Maaga pa naman eh . Hindi pa din ako male-late. Nalulungkot talaga ako.” Hmm, baka naman nandito pa siya. Sana late na lang din siya.

Inikot ko ang paningin ko doon at tinignan ko yung mga nakapila pero ni hibla ng buhok ni Mr. Smile ay hindi ko makita. Lalo tuloy akong napasimangot.

Nakakainip pa lang pumila at nakakagutom din.” Nag-almusal na lang sana ako sa bahay. Hay, maghihintay pa tuloy ako na matapos tong araw na to bago ko siya ulit makita. I shrugged my shoulders and let out a sigh.

Umandar ang pila nang may dumating na dalawang fx. Akala niya ay makakasakay na siya pero hanggang sa babaeng nasa unahan niya lang ang cut-off kaya naman kailangan niya pa ulit maghintay ng kasunod na fx.

Ang malas ko naman ata ngayong araw na ito. Tsk!” Wala na ngang silay, na-cut-off pa sa pila. Amf! Nagugutom na akooooooo!!!

Narinig kong tumunog ang aking cell phone kaya naman kinuha ko iyon sa loob ng aking back pack.  Donnie is calling.

Charrie, nasaan ka na?” Anang nasa kabilang linya.

I’m still here at the terminal. Late na akong nagising eh. Nakakainis nga eh.” Malungkot na tugon ko.

Bakit naman? Ano bang ginawa mo kagabi?” Takang tanong ni Donnie. Alam kasi niya na maaga akong natutulog. Puwera na lang kung may mga projects and assignments.

Nag-war craft. Talo nga ako eh.” Oh, war craft po ay isang computer game na parang DOTA. Hindi naman ako adik pero trip ko lang talagang laruin yun paminsan-minsan. Kesa naman mag Plants and Zombies ako. Ayaw ko ngang makain yung brains ko. Hehehe!

Pasaway. Eh bakit inis na inis ka ata. Don’t tell me hindi ka nakasilay?” Donnie said and that made me sadder.

Waaaahhhh! Bakit mo pa pinaalala? Lalo tuloy akong naiinis. Hmp! Hindi ko siya nakita. Ni hindi nga ako nakapag-almusal para mahabol siya pero wala eh.”  Nagugutom na ako. Kasi naman eh. Lord, sana naman may makita man lang akong cute para mawala gutom ko. Please? Pretty pretty pretty puhlleeaassseeee???

Sus! Kawawa ka naman. Yaan mo girl, lilibre na lang kita ng meryenda.” She said that lifted my spirit automatically. She knew how to make me smile.

Talaga? Naku, mahahalikan talaga kita Donnie. Thanks, thanks.” Masayang tugon ko sa kanya. Bigla kong nakalimutan yung lungkot ko nang marinig ko yung salitang food. Hehehe!

Basta pagkain, nakakalimutan ang inis niya. Grabe! Iba ka talaga Charrie.”

Eh siyempre, pagkain naman yun no. Ganun talaga. And besides, hindi ako nakapag-almusal eh.

Sige na, hintayin na lang kita dito sa hang-out natin. Bye. Ingat.

Sige. Byieee!” Thank God, nandiyan na ang fx after 48 years. Hahaha! Sorry, exagg lang talaga.

Dahil nasa unahan ako ng pila, agad akong sumakay sa may tabi ng driver. Inilagay ko ang backpack ko sa harapan ko para naman hindi masikip pero para akong mapipisa sa laki ng katawan ng pasaherong tumabi sa akin. Aish! Enebeyen!!!

She Said, He SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon