Oh mY Gulay, Shemay!!

61 0 0
                                    

Part 4 (Donnie’s POV)

Ring. Ring. Ring. Ring.

Hmm, at nasaan na naman kaya tong kaibigan ko? Don’t tell me late na naman siya today?

Ring. Ring. Ring. Ring.

“Hello? (malat na boses)

“Oh, bat ganyan boses mo? Nag-concert ka na naman kagabi sa bar?”

“Hindi.” (with matching singhot pa. Natulo kasi yung sipon. Yuck. Hehehe!)

“Where are you? Don’t tell me late ka na naman today?”

“I won’t be late today.”

“You won’t be late pero wala ka pa dito sa school? Nag-war craft ka na naman ba hanggang madaling araw?” Adik nitong kaibigan ko. Kalain mong after school eh nagpa-part-time sa bar tapos gabi na umuwi then maglalaro pa ng war craft. Hindi ko nga alam kung natutulog pa tong friendship ko eh.

“Hindi ako nag-war craft no? Hindi ako papasok. I have a fever and a flu. Dagdagan mo pa ng colds. Achoo! AAAccchoooo!”

“Bless you! Teka nga muna, kelan ka pa tinablan ng sakit? As far as I know, hindi ka tinatablan ng sakit. Atsaka diba hinatid kita kahapon so hindi ka naman naulanan. What happened?”

“Grabe ka naman. Ano ko, hindi normal at hindi tinatablan ng sakit?” ~_~

“Ay, oo. Ngayon mo lang nalaman?”

“Hahaha! Adik ka talaga. AAAccchoooo! Sorry! Hindi ko mapigilan eh. Naulanan kasi ako kagabi pag-uwi galing bar. Tapos hindi ako nakapagpalit ng damit nung natulog ako eh basang-basa ako. Kaya ayun, nilagnat ako ng bonggang-bongga.” @>@

“Alam mo, labnat lang yan. Nakilala mo lang si Mr. Smile kahapon, humina na resistensiya mo. Iba pala effect sayo nun. Tsk tsk tsk!” At bigla akong muntikang mabingi dahil biglang tumili si Charrie sa kabilang linya. Paos na nga, nakuha pang tumili.

“Oh, bat ka napatili? Sinabi ko lang na may labnat ka eh.”

“Eeeehhhh, kasi, ano eh. Achooo!”

“Anong achoo ka diyan? Ano nga?”

“Kasama ko si Mr. Smile kagabi nung naulanan ako. Pareho nga kaming nabasa eh.”

“What? Paano nangyari yun? Don’t tell me inaya mo siya sa bar?”

“Wow ha? Grabe ka naman. Bat ko naman siya aayain? Pauwi na kasi ako nung makita ko siyang palabas sa katapat na bar. Tapos ayun, lumapit siya sa akin. Tapos aaaccchhoooo!! Sorry ulit.”

“Bless you! So anong nangyari? Anong ginagawa niya sa kabilang bar?”

“His family owns the bar. And nope, wala siyang dalang kotse. Nagaantay kami ng taxi ng biglang umulan. Ayun, basa kaming dalawa. Hehehe!”

“Nabasa ka na nga, tuwang-tuwa ka pa.”

“Eh kasi naman, para kaming mag-bf kagabi. Hawak niya yung kamay ko tapos niyakap niya pa ako habang nasa taxi kami para daw hindi ako lamigin. Ayieeeeee! *_*”

“Hindi halatang kinikilig ka. Hindi talaga. Hindi obvious.”

“Sorry naman. Akala ko nga kukunin na ako ni Lord kasi sobra-sobra yung kilig na inabot ko kahapon eh.”

“Hoy Charito, tigilan mo na nga yang kilig mo. Magpahinga ka na ng gumaling ka agad. Magkakasakit lang, todo-todo pa. Uminom ka ng gamot ah?”

“Hehehe! Inggit ka lang. Sige na, medyo nahihilo na ako eh. Ingat ka diyan girl. Bye!”

“Hindi ako inggit no? Sige na, bye. Mwaaahhh.” Ako, inggit? HINDI ah! HINDI talaga. Bakit naman ako maiinggit, aber?

“Hay, so I’m all alone today. I’ll check her out later pagkatapos ng class ko.”

After ng last subject ko, naisipan kong dumaan muna sa bookstore. May inaabangan kasi akong series ng book and I want to know kung nailabas na yung bagong series.

Hay, wala pa rin. Nakakalungkot naman. Maghahanap na lang ako ng mabibili. Hmmm. Ito ba, or ito kaya?

I was checking on the books nang makita ko ang isang guwapong lalaki. He’s also checking the books in the same aisle.

Chinito, matangkad, mapula ang labi, mestiso. In short, guwapo talaga. And sa tingin ko, he’s a foreigner.

“Ang guwapo naman.” Medyo napalakas yung banggit ko pero hindi ako natakot kung marinig man niya coz I know, he won’t understand what I just said. Tagalog kaya yun.

“Salamat.” ^_____^

He said that with a big big smile on his face.

(~.~)  (~.^)  Nagtatagalog siya? What the heck! OMG! Shemay! Nakakahiya. -.- Gusto kong lumubog. Oh lupa, I mean semento pala, lamunin mo na ako ngayon din. Please?!?! (o.o)

Then I see him snaps his finger in front of my face.

“Hey, I said Thanks for calling me handsome. That’s really a loud compliment ah!”

“I’m sorry, but I wasn’t referring to you. I was referring to the character of this book.” Sabay kuha ako ng libro sa shelves para lang makalusot. Ow Em Gi!!!

“Really? I see. Sorry, my bad. I did not mean to be so assuming. I got to go.”

At tumalikod na si pogi. Pero bigla itong lumingon.

“By the way, the book you’re holding, the guy isn’t handsome at all.  Bye!” ^_~

At talagang kumindat pa siya ah. Then I check the book. Toinks! Muntik ko nang mabitawan yung book. Ghost Story Book pala yung nahugot ko at isang white lady ang nasa cover. Argh! Nakakahiya.

“Damn. This can’t be happening. Anong nangyayari sa akin? Oh Lord!”

 Ibinalik ko sa shelves ang libro atsaka ako lumabas ng bookstore. Bigla akong nakaramdam ng inis na hindi ko mawari kaya naman nagpunta na lang ako sa isang food chain para kumain.

She Said, He SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon