Prologue:

62 0 0
                                    

May mga pagkakataon talaga na may mga taong kilala natin sa mukha pero hindi natin kilala pero madalas nating mapansin lalo na kung attractive sila. Madalas ay nakakasabay natin sila sa paglalakad papuntang terminal ng jeep, ng bus, ng tricycle, paakyat o pababa ng elevator, sa MRT at LRT at kahit ano pang maisip mo na hindi ko na masabi, at siyempre, nakakasalamuha natin sa ating daily lives sa loob ng school.

Dahil sa madalas natin silang makita, nabubuo yung curiosity natin tungkol sa kanila at kung mamalasin ka nga naman, hindi mo napapansin na nagkakaroon ka na ng lihim na paghanga sa taong yun lalo pa nga at guwapo o maganda yung madalas mong makasabay. (wag ka na umangal, huli ka na!)  Madalas mo pa ngang ipagdasal na magkasabay kayong dalawa sa iisang sasakyan eh.

Eh what if biglang nagbiro ang tadhana at pinagbigyan yung matagal mo nang hinihiling: ang makilala ang taong madalas mong pinagmamasdan at inaabangan na makasabay? What if hindi mo lang siya makasabay sa iisang sasakyan kungdi makatabi mo pa mismo? OMG! Ano ang magiging reaksiyon mo? Paano kung ngitian ka niya ng pagkatamis-tamis, yung tipong killer smile ang dating na parang modelo ng isang branded na toothpaste? Holy cow! For sure tatalon ang puso mo sa tuwa at yung alter ego mo eh nagtatumbling na at umisplit pa sabay sayaw ng Wiggle Wiggle na may remix na Happy dahil sa sobrang kakiligan. Eeeeeeeeee.............

What if  hindi mo lang siya makatabi at hindi lang ngiti ang matanggap mo mula sa kanya kungdi nalaman mo na sa parehong school kayo pumapasok? Waaaaaaahhhhhhhhh!!!!! As in waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh..... And to top it all, nagpakilala siya sa iyo at siyempre tinanong niya ang name mo.

She Said, He SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon