Denial King

52 0 0
                                    

Part 6 (Rob’s  POV)

“Achooooo! Achooooo! AAAAAAchhooooo!” Ano ba naman tong sipon na to? One week na akong sinisipon at one week na rin akong may trangkaso. At the saddest part is, one week ko ng hindi nakikita si Charrie. Masyadong mabigat ang pakiramdam ko kaya naman hindi ako nakakapasok.

“May sakit din kaya siya? Ano kayang ginagawa niya ngayon?” Hay, kailan pa humina ang resistensiya ko? Dati naman, hindi ako agad nagkakasakit. Grabe, ano bang nangyayari sa akin?

Sana pala tinanong ko yung cell phone number niya or yung telephone number nila para naman matawagan ko man lang sana siya.

Wait, bakit ko ba siya iniisip? At bakit gusto ko siyang  makausap? c”.)???

Okay, nakyu-cutan lang ako sa kanya. At saka natutuwa ako sa smile niya. And pati sa boses niya at sa porma niya na walang kaarte-arte. Yun lang talaga, promise!

Ms. Author: Oh sige, mag-deny ka pa. Lalo kang magkakasakit niyan sa ginagawa mong pagtanggi Hehehe! :-p

Nakatulala ako sa kawalan ng biglang mag-ring yung phone ko. Ayun, tumatawag na naman yung makulit kong best friend na si Toffie.

“Oh, bro, what’s up?”

“Okay lang naman. Ikaw, musta na? May sakit ka pa din ba?”

“Meron pa din.”

“Naku bro, labnat lang yan. Kulang ka lang sa yakapsul at kisspirin pati sa Biogesex. Hahahaha!”

“Siraulo ka talaga. Igaya mo naman ako sa’yo. Ano, musta diyan sa school? Madami bang quizzes?”

“Okay naman. Ang boring nga dito kasi halos walang prof. Puro busy. Don’t worry, kahit naman umabsent ka pa ng two weeks eh cum laude ka pa rin.”

“Ewan ko sa’yo. Sige na, bye na. Matutulog na muna ako baka sakaling paggising ko eh magaling na ako.”

“Sige pre, daan na lang ako diyan sa inyo mamaya. Gusto mo bang magsama ako ng chicks para gumaling ka?”

“Naku, magtigil ka nga. Huwag ka na lang dumaan.”

“Joke lang naman. Hindi ka na mabiro. Bye!”

She Said, He SaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon