(Author)
"Nahanap na sila?"
Di makapaniwalang tanong ni Annie na isang impleyado sa isang sikat na kompaniya na pinagtratrabahoan niya sa kapwa niya empleyado, simpleng tango ang isinagot nito sa kaibigan.
Nasa Cafeteria sila ng kompanya dahil maaga ang naging out nila. Pinauwi sila ng maaga ng may-ari ng kompanya na pinagtratrabahuan nila dahil nagkaroon ng emergency sa pamilya nito.
"'Yun ang dahilan kung bakit napasugod dito si Mrs. Stonehurt at ang maagang pag-alis ni Sir!?" Dagdag na sagot ng kaibigan ni Annie na si Danica, nahulog naman sa malalim na pagiisip ang kasama niya. Kaya wala siyang nagawa kun'di hayaan ang kaibigan at kainin nalang ang inorder niya.
"Sana sila na talaga!?" mahinang turan ni Annie na wala sa kaibigan ang paningin, napabuntong-hininga naman ang kaibigan nito at sinimulan na nilang ubosin ang mga inorder nila.
Ang pinaguusapan nila ay ang pagbabalik ng heiress ng pamilyang stonehurt makalipas ang ilang taong pagkawala, nawala ito nang kinidnap ng mga 'di kilalang grupo ng mga armado ng dekalibreng baril at ang mas nagpasama pa sa balitang 'yon ay hindi lang ang heiress ang nahanap kun'di ang tatlo pang mga inampon din nila noong maliliit pa ito. Kaya 'di ito lumabas sa publiko ay minabuti ng mga magulang ng nakidnap na sa kanila na lang ito at huwag ng sabihin sa iba o ibalita man lang dahil ayaw nilang makaapekto ito sa paglaki ng mga anak nila, kaya walang alam ang kanilang mga anak sa trahedyang nangyari ng araw na 'yon.
"Labindalawang bata ang nawawala at walo sa mga ito ay nahanap na ngunit kasalukuyan ngayong pinaghahanap ang apat sa mga ito, kong may impormasyon kayong nalalaman kong nasaan ang apat ay maari niyo po itong itawag sa 08567***"
Iyan ang binigay ng ilang police na information sa lahat ng ampunan na kanilang pinuntahan noong nawala ang mga bata at ngayon may tumawag sa kanila at sinabing anak nila'y nasa pangangalaga ng isang ampunan.
Lib-lib na ampunan ang napuntahan nila ngunit wala silang pakialam basta makita nila ang kanilang anak at ngayong makikita na nila ito ay wala silang sasayangin na oras.
"Arianne, Angelein, Alexaine, Ayiecca." Paulit-ulit na binasa ni Mrs. Stonehurt ang mga information tungkol sa mga batang nahanap na sinabing anak nila ito, paulit ulit niya ring binabanggit ang pangalan ng kanyang mga anak, habang may ngiti sa kanya ng labi dahil sa labis na tuwa. "What a beautiful names, Kayo ba ang nagbigay nito!" Tanong ni Mrs. Stonehurt sa babaeng nasa harapan niya, napapagitnaan sila ng ate isang mahabang mesa habang kaharap si mother Christina na masayang nakangiti sa kanila.
"Binigay namin ang mga pangalan na iyan dahil hindi nila maalala ang kanilang pangalan." Masayang sabi nito sa mag-asawa.
"Finally hon! After all this years makikita na natin sila, hindi lang isa kun'di apat! Mabubuo na ulit ang pamilya natin." Di maipaliwanag ni Mrs. Stonehurt ang kanyang saya ng sabihin niya yun ganon din ang kanyang asawa.
"I know hon!"
Inakap ni Mrs. Serendipity Stonehurt ang asawa sa sobrang saya. Nakatingin lang sa kanila ang mga magulang ng mga batang nakidnap noon na masayang ring nakatingin sa kanila. Sumama sila upang siguradohing 'yon nga ang apat na batang hinahanap nila.
"Mrs. and Mr. Stonehurt they're here." Magalang na bati ng lalaking nasa harap nila na kakapasok lang sa kwartong kinalalagyan nila, kasabay ng pag bukas ng pinto ay ang pagpasok ng apat na babaeng biniyayaan ng kagandahan.
"Amethyst!" Di makapaniwalang saad ni Mrs. Stonehurt.
"Welcome back girls!" Mr. Stonehurt said while holding her wife hands, ngumiti ang mga babaeng kararating lang at agad nilang niyakap ang kanilang magulang.
"Mom, Dad! We're back!"
-tbc
BINABASA MO ANG
The four mysterious transferees
Misteri / ThrillerApat na estudyante ang gusto lang ng matiwasay na buhay, ngunit habang tumatagal ang kanilang pananatili sa STONEHURT academy ay hindi ito mangyayari dahil na rin sa mga nakaraang di kailanman na lutas ng mga tao sa kasalukuyan, at ang mga taong nan...