Chapter 4

333 16 2
                                    

Yassmine Smith
(yassy)

NANDITO pa rin kami sa loob ng Clinic ng university, inaantay namin si Cassy na matapos sa pakikipag-usap sa cellphone niya.  Nasa bintana siya at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nilibot ko ang tingin at busy si Jassy sa pagkalikot sa cellphone niya habang si Lassy ay nakaupo sa dulo at may suot na earphone. Nang matapos kanina ang klase ay sumunod agad dito sila Lassy upang kamustahin si Cassy, naikwento ko na sa kanila ang nangyari kung bakit nag ganoon si Cassy. Pareho naman silang napailing dahil iyon na naman ang dahilan. Kahit kailan talaga ay hindi kaya ni Cassy na baliwalain lang ang mga ganoong bagay, hindi ko rin alam kong sino ang nabigay sa kaniya ng tip para malaman ang bagay na 'yun.

Maayos na rin ang pakiramdam niya ng makainom ng gamot, mabuti nga' t hindi nagtanong si Ace noong pinainom ko si Cassy kanina sa Canteen. Hindi kami dumiretso ni Ace sa Clinic, nakipagtalo pa ako sa kaniya na sa canteen dahil si Cassy. Sa huli ay napasunod ko rin siya sa kondisyon na dadalhin parin namin siya sa Clinic. Kaya kami ngayon naririto.  Ngayong alas-singko ng hapon ang skedyul ng Interview namin sa trabahong inapplayan namin subalit sa nangyari ngayon ay mukhang wala kaming magiging trabaho.

Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ko ang hitsura ng principal ng paaralang ito noong kunin namin ang skedyul namin sa buong semester. Para kasi napakapamilyar niya sa akin.

°°°°

NAKARATING kami sa Stonehurt University at kami na naman ang sentro ng usapan, kesyo daw bakit kami pumasok pa at iba pa. Tsk! Mga boba rin e!

Kanina pa kami naglalakad at sumasakit na ang paa ko dahil hindi pa rin namin mahanap ang principal office. Kanina pa rin kami paikot-ikot, mukha na nga kaming nagto-tour sa iba't ibang building sa gunagawa namin.

"Talaga bang malayo pa ang principal office dito, kanina pa tayo a!" asar na reklamo ni Jassy, huminto ito at humarap kay Lassy na kinakunot naman ng noo ng huli, "sigurado ka bang ito ang daan papunta doon? Kanina pa tayo dito!?"

Luminga-linga si Lassy bago sabayan ang tingin ni Jassy, " 'Di ko sure!" nagpeace sign ito sa kaniya, akmang babatukan na niya si Lassy ng umatras ito, "Easy!! Nagtanong lang din naman ako sa babaeng nasa canteen kanina...  'Di ko naman alam na ililigaw pala tayo ng babaeng yun!" Depensa nito habang ginawang panalag ang dalawang kamay sa atake ni Jassy, "'Di ko kasalanan yun Jassy! 'yung babaeng pinagtanungan ko ang awayin mo!?" Dagdag pa niya na ikinairita ni Jassy sa kanya.

"Saan na ba kasi si cassy!? Siya may alam dito... kaiinis!" Mahinang ani ko. Nagkibit balikat naman sila sa'kin, sabay sabay kami kanina pero bigla nalang nawala o nahiwalay sa amin si Cassy ng di namin namamalayang tatlo.

Wala kaming nagawa kun'di ang ipagpatuloy ang paglalakad. Malayo na kami ng may nakasalubong kaming lalaki na may bitbit na makakapal na bond paper. Nasa baba ang tingin nito. Makapal ang suot niyang salamin at marabong ang buhok, natatakpan nito ang kaniyang mga mata, nakasuot siya ng kompletong school uniform nitong University. Nag-aalinlangan kaming magtanong dahil baka katulad ng iba ay iligaw lang kami  nito. Hanggang sa malagpasan kami nito ay hindi kami nakapagtanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The four mysterious transfereesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon