Chapter 1

661 18 0
                                    

Third Person


KAPANSIN-PANSIN ang apat na babaeng dumaan sa harap ng mga studyante ng Stonehurt University o SU dahil sa kakaibang presensyang dala nila. Lahat ng studyante nadadaanan nila ay nagtataka dahil doon. May iilan na nagtatanong kong bakit ganoon ang inaasta ng mga nerd sa kanilang paaralan.

Nerd ang tawag ng mga mag-aaral ng S.U sa mga mag-aaral na nakakakuha ng scholarship.

Marami ang natuwa at marami rin ang naawa sa apat na babae dahil alam nang lahat ng studyante sa stonehurt na mahihirapan at aalis agad ang mga ito dahil sa mga pambubully na mararanasan nila.

"Naliligaw ata kayo?" sigaw ng isang babae na nakatayo sa hallway habang masama ang tingin na iginagawad sa apat, may mga alipores ito na nakatayo sa likuran na animo'y gwinaguardyihan ang babaeng kasama.

"Bawal kayo rito!?" komento rin ng kasama nitong nasa likod ng unang nagsalita.

"Umalis na lang kayo habang maaga pa!" sigaw ng lalaking kumakain ng bubblegum na malapit sa apat, nakangisi ito na animo'y may nakakatuwang nangyayari.

"Kawawa lang kayo dito!"

Marami pang sinabi ang mga studyante ngunit hindi ito inintindi nang apat bagkus diretso lang sila ng lakad para maka punta sa principal office upang kunin ang schedule nila sa buong taon.

Nainis ang mga studyante dahil hindi sila pinansin nang apat at sa pinakitang pag-ugali nito.

"Siga! Akala mo naman magtatagal!"

"Yayabang, sigurado iiyak din yang mga yan pag binully na sila dito!"

Hinayaan nalang ulit ng apat ang mga studyanteng pinagbubulungan sila. Alam nilang hindi maganda ang kalalabasan kong bibigyan nila ng atensyon ang mga studyante gaya ng palaging nangyayari sa mga paaralang napasukan nila. They have been transferring to another school since elementary. 

"Grand entrance ba to! Grabe sila mangwelcome!"

Hindi maiwasang komento ni Jassy sa kaniyang isip, isa sa mga nerd. May hawak itong libro at may suot na salamin dahil sa hilig niya sa pagbabasa.

"The heck! Problema ng mga taong to!" Mahinang bulong naman ni Yassy, isa sa mga nerd. Ang buong akala niya ay magiging maayos ang mga studyante ng paaralang ito dahil na rin sa magandang reputasyong nababasa nila aa internet noong naghahanap sila ng paaralang paglilipatan.

Napahinto ang apat ng may humarang sa dinadaanan nila. Nag-angat sila ng tingin at walang kainterest-interest na tinitigan ang babaeng humarang sa kanila.

"Hi! Bago lang kayo dito?"

Napakafriendly ng boses ng babae. Tatlong babae ang humarang sa kanila, nasa kanan ang isa at nasa kaliwa ang pangalawa.

Lihim na napaingos si Jassy sa narinig, "Ay tanga rin si ate! Kakasabi pa lang ng iba na bago kami tinatano--" napahinto ang dalaga ng mapalakas niya ang pagkakasabi. "Ang tanga lang Self!?" pagalit niya sa sarili. Hindi niya akalaing maisasatinig niya ang komentong iyun.

The four mysterious transfereesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon