CHAPTER 15

151 3 1
                                    

PAGKATAPOS NG NANGYARI AY HINILA NA ako ni Tyrell palabas ng campus. Naiwan ang mga kaibigan nyang walang kaalam alam sa nangyayari.

Hilahin ba naman ako ng basta basta malamang nagtataka na ang mga 'yon.

" Saan ba tayo pupunta? " tanong ko. Nakasakay kami ngayon sa mamahaling sasakyan nya. Sya ang nasa driver seat habang ako naman ay nasa passenger seat.

" sa pupuntahan. " pamimilosopo nito.

Tumawa ako ng peke. " ows talaga? "

" Saan nga kasi? " tanong ko ulit. Pa-suspense pa kasi. At isa pa wala akong maisip na topic para mapagusapan namin dahil ayoko ng katahimikan na bumabalot sa'min.

He gives me a side view glance and before he focus in driving.

" It's a surprise. "

" I hate surprises. "

Silence....

Urgh.. Sobrang tahimik naman nakakainis bakit ba hindi sya madaldal? gaya nila Lars? Syd?. Matutuyuan pa ata ako ng laway sa lalaking ito.

" hey. " he called.

" What? " I asked without looking at him.

" What about we play a game? so that you would not be bored while driving us to our location? "

I curiously turned my attention to him clearly interested to his idea.

" Anong game naman? "

" It's a conversation game. Are you familiar with 20 question game? "

" ah... More like getting to know each other? " I said. Bigla naman sya napaubo kaya nagtatakang tinignan ko sya.

" What? Ahmm... Kinda. Wag mong isipin na gusto kita or what... " tinignan nya ako sa gilid ng mata nya. " Anong nginingisi mo d'yan? Think it like a friendly question.. " dagdag nito.

Ngumiti naman ako ng malawak. " Defensive much? I didn't even say a word. "

He frowned. " Maglalaro ba tayo o ano? "

Ayan na nga ba sinasabi ko kapag umiral talaga ang topak nya, haynako!

" Oo na! Ako na mauuna " presinta ko. " Walang personalan ito hah! Kung anong maisip nating tanong yun na yun kailangan honest yung sagot sa bawat question. " dagdag ko pa.

Tutal tanungan naman ito, kailangan sulitin ko na. Marami akong gustong itanong sa kanya at ito na ang pagkakataon.

Tamad naman syang tumango. Napasimangot tuloy ako.

" Tanga ka ba? " biro kong tanong. Tumingin naman sya sakin ng masama bago binalik ulit ang tingin sa daan.

" What! Ayan na tanong mo? Wag na nga tayong maglaro nakakainis lang yang tanong mo! " napipikon nyang sabi.

Bigla naman akong sumeryoso. " Tama ka wag na tayong maglaro."

Tumingin ulit sya sakin, dahil sa tono ng pananalita ko. " Hoy! Charot lang! maglaro na tayo. " he said nervously.

Hindi ko napigilan ang ngiti ko dahil sa sinabi nya at sa pag gamit nya ng 'charot' word.

" Wag na tayong maglaro...... mag seryosohan na lang tayo "

Saglit na tumahimik. Pota! Mali ata ang timing ng banat ko!

Teka nga! Bakit nga ba ako nagsabi sa kanya ng ganun?! Pero teka parang narinig ko na yon somewhere at parang may nagsabi din sakin nyang sentence na yan. Hindi ko lang maalala kung saan, kailan at sino ang nagsabi sa'kin nya...

Just My TypeWhere stories live. Discover now