VIII

53 21 0
                                    

Pagkamulat pa lang ng mga mata niya, una na niyang naalala na dapat niya palang tawagan si Zack! Lalo na ngayon at wala siya sa bahay, tiyak na mag-aalala iyon.

Dali-dali siyang bumangon at hinanap si Pierce, ng makita ito sa kusina ay doon siya dumiretso not minding her messy hair o kung may muta pa siya sa mukha. Nakatalikod ito at mukhang malalim ang iniisip kaya naman hindi nito napansin ang paglapit niya.

"Where is my clothes?" tanging nasa isip niya lang ay ang maka-uwi na. Tiyak na magagalit si Zack sa kanya.

"Why?" his jaw clenched and I saw him flex his muscle.

"I need to go home, hindi ako nakatawag kay Zack, magagalit yun."

Mabibigat ang mga hakbang nito ng umalis, pagbalik ay dala na nito ang mga damit niya.

"Nalabhan ko na yan. Magbihis kana at ihahatid na kita."

Hindi na niya ito nilingon pa at tumaas na para magbihis, mabilis lang ang kilos niya, nag-iisip ng mga sasabihin niya kay Zack pag-uwi niya.

Tahimik lang sila buong byahe. Hindi na niya napapansin ang malalamig nitong titig sa kanya. Walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi paano haharapin si Zack. Magtatampo iyon sa kanya, mahirap pa naman yung suyuin.

Nang makababa siya ay hindi niya na nagawang magpaalam pa dito. Masyafong okupado ang isip niya. Dali-dali niyang kinuha sa bulsa ang susi at binuksan ang pinto, pumunta sya sa kwarto at agad na ini-charge ang cellphone. Kumuha narin siya ng pampalit na damit sa walk-in closet at dumiretso sa cr para maligo.

Nang matapos ay agad niyang binuksan ang cellphone. Agad na bumungad sa kanya ang mga text ni Zack. Hindi niya inabala ang sariling basahin iyon at agad na tinawagan si Zack. Unang ring palang ay sinagot na siya nito.

"Are you home?" pambungad nito sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at kinagat ng labi.

"Yes-" agad na pinutol nito ang tawag bago pa man niya madugtungan ang sasabihin.

Halos kalahating oras din ang inantay niya bago may narinig na marahas na pagparada tsaka maingay itong bumusina. Agad siyang bumaba para pagbuksan ito. Tiyak na galit na galit ito sa kanya.

"Hi!" naka ngiti niyang bungad dito pero tuloy-tuloy lang ito papasok sa loob ng bahay niya. She pout at his action.

Umupo ito sa sofa, hilot-hilot ang sintido. Umupo siya sa katapat na upuan nito.

"Saan ka galing? Saan ka natulog?" kalmado nitong tanong sa kanya ng hindi siya tinitingnan.

"D-dinalaw ko si mommy at daddy sa emerald, d-doon nadin ako natulog." she bite her lips at her lies.

Bad Ravyen Raine!

"And you didn't even bother to call me and inform your whereabouts?"

"Lowbat kasi ako, eh wala naman akong dalang charger, kaya." umalis siya sa upuan at tumabi dito. Niyakap niya ito para nanatili lang matigas ang anyo nito.

"You know that were not safe here, Raine. Kaya nag-aalala ako sayo. We should be careful, baka mamaya hindi lang sa school umatake ang killer." this time nakatingin na ito sa kanya. She nodded at mas lalong hinigpitan ang yakap dito.

"Sorry na, magpapaalam nako sayo next time" she saw him closed his eyes and sighed heavily. Her smile widen when he hugged her back.

"Okay, forgiven. Wag mo ng uulitin to Raine, pinag-alala moko." he said at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya.

Naglakad ito papunta sa kusina at pinanood niya lang itong magluto. Tamang-tama at hindi pa siya nakakapag-umagahan.

Doon niya lang ulit naalala si Pierce. Hindi man lang siya nakapag thank you dito! Kakausapin niya na lang ito sa lunes. She smiled when she remember their conversation last night. Sa ganoong akto siya nakita ni Zack. His eyebrows furrows at itinigil ang pagluluto. She blushed and it made things worst!

ToxicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon