XII

48 17 0
                                    

Her attempt to escape in multiple times were failed. She's always end up hurting. Ilang linggo na rin siyang naka-kulong sa islang iyon. The last time she attempted to escape, she end up drowning. Kung hindi lang siya nasagip ni Pierce, matutuluyan na talaga siya.

Wala sa bahay si Pierce, wala rin sa labas. Narinig niya kaninang madaling araw na sumakay ito sa isang chopper. Pagkakataon niya ng makatakas pero hindi niya magawa.

Right now, all she wants was to rest. She was physically and emotionally exhausted. She stared at the room-length mirror. From his bed she can clearly see her physical appearance.

She wants to pity herself. Her eyes were bloodshot, dark circles showing under her eyes. Mas lalong nadepina ang cheekbones niya gayun din ang paglalim ng collarbones niya tanda ng pamamayat niya.

Hindi siya ginugutom ni Pierce, pero sa ilang beses niyang pag tangkang tumakas, sinasaktan siya nito.

Kitang-kita niya ang namumuong pasa sa kanyang braso at hita. There are some scratches all over her body. May benda ang kaliwang balikat at kanang binti niya.

Another set of tears trails on her eyes. Titig sa salamin, marahan niyang nuyakap ang sarili. She wasn't raised by her parents only to be hurt by Pierce. Ingat na ingat sa kanya ang magulang at kaibigan niya, tapos eto lang ang sasapitin niya?

May nararamdaman sila sa isa't- isa. Ito na mismo ang nagsabi nun, pero bakit ang dali lang nitong saktan siya.

Kung gusto talaga siya nito, bakit? Bakit siya sinasaktan nito? Bakit ang dali lang magtanim ng bala sa katawan niya? Bakit hindi nalang siya nito palayain?

Itago at Almira. Paano niya maiintindihan ang sinasabi nito kung iyon lang ang palaging bukambibig ng lalaki. Sino si Almira? Bakit niya ito itatago? Bakit siya? Bakit naisip nito na may kinalaman siya?

Hindi niya ito masasagot kung mismong ito ay magulo. Wala siyang kaalam alam sa mga akusasyong ibinabato nito.

Galit siya. Pero hindi niya magawang kamuhian ito. Oo, may pagka martyr talaga siya. Lahat ng nararamdaman niya ay bago lamang sa kanya. Pano alisin ang nararamdaman niya dito? Hindi niya alam. Hindi din siya tinutulungan ni Pierce. Simula ng unang pag tangka niyang tumakas, hindi na siya nito sinaktan. Tanging ang mahigpit lang nitong pag hawak sa kanya o ang mapag parusa nitong halik.

"Tsk."

Marupok siya sa mga halik nito. Tipong kani-kanina lang ay gusto niyang tumakas, pero pag dumampi na ang labi nito sa kanya ay kusa syang sasama dito pabalik ng bahay. Paulit-ulit. Magtatangka siyang tumakas, hahalikan siya, tapos babalik sila ng mansyon. Parang tanga.

Pakiramdam niya tuloy, sobrang bata pa niya para sa ganoong mga halik. Yung mapusok.

Ngali-ngali siyang kumuha ng pringles sa bedside table at nginuya iyon dahil sa hiya sa sarili.

Ano ba iyan, Raine.

Nilingon niya ang mga pagkaing inilapag ni Pierce bago ito umalis. Napaka dami nito. May inumin na din.

Hindi na siya gumapang pabalik sa gitna ng kama at nanatili nalang sa gilid para maabot niya ang mga pagkain.

Ngayon na ang magandang pagkakataon para makatakas siya. Wala si Pierce, walang bantay. Walang  pipigil sa kanya kapag nagtangka siya.

Yun nga lang, bugbog na ang katawan niya sa ilang beses na pagtatangkang tumakas. Hindi na siya sinasaktan ni Pierce pero kapag tumatajas siya nasasaktan niya ang sarili niya. It's either nalulunod siya sa pagsubok na languyin ang karagatan, o kaya naman nadadapa sa tangkang pag takbo kapag nahuhuli siya ni Pierce.

ToxicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon