XIII

65 16 1
                                    

"Sasaktan-saktan tapos mababaliw ka ng ganyan?"

"Manahimik ka, Pierre."

"Ano? Bakit kasi hindi mo nalang sabihin sa kanya ang totoo? She deserve the truth."

"Alam ko ang ginagawa ko, wag mo akong pangunahan."

"Really? Then why can't you- oh, she's awake!"

Saglit na natigil sa pag-uusap ang dalawang boses. Napa-ungot pa siya sa sakit ng ulo. Nagmulat siya ng mata at dahan-dahang bumangon, nararamdaman niya pa ang pag-alalay ng kung sino sa kanya. Iginala niya ang kamay at kinapa ang salamin niya.

"Here." boses iyon ni Pierce. Ito na mismo ang nagsuot sa kanya ng salamin. May narinig pa siyang tikhim hanggang sa unti-unti ng luminaw ang paningin niya.

"Do you feel any pain?" ng maramdaman niya ang pag-alalay nito sa kanya ay agad niyang tinabig ang kamay nito.

"Raine." paos ang boses nito. Nilingon niya ang labas ng veranda. Maliwanag na.

Ganon siya katagal nakatulog? Kalahating araw?

"Galit na galit sayo-"

"Shut up Pierre!"

Natuon ulit ang tingin niya sa lalaking katabi ni Pierce. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Kopyang kopya nito ang bawat detalye ng mukha ni Pierce. Singkit at mestiso. Matangos ang ilong at manipis ang mapulang labi. Kamukhang-kamukha ito ni Pierce, sa mukha at sa pangangatawan. Ang tanging pinag-kaiba lang nila ay naka suot si Pierce ng salamin, habang hantad ang itim na itim nitong mata. Kakaiba ang kulay ng mata ni Pierce. Kakaiba sa karamihan. Tantiya niya ay magka edad lang din sila dahil halos kasing tangkad niya lang ito.

Agad naagaw ang pansin niya ng magsimulang muling lumapit si Pierce. Inaagaw ang atensyon niyang kanina lang ay nasa katabi nitong lalaki.

Umiling siya dito at pinanlisikan ng mata. "Matapos mong patayin si Lucia!" sumbat niya dito habang umiiling.

Nakita niya ang paghakbang palapit ng lalaki kay Pierce at ang pagtataka sa mukha nito.

"Napatay mo kuya?"

Naguluhan siya sa tanong ng lalaki kay Pierce. Anong 'napatay mo kuya?'. Nakita niya! Ang daming dugong nawala kay Lucia! Wag mo sabihing- at itong lalaking nasa harap niya, tinawag na kuya si Pierce!

"A-ano?"

Hindi niya alam kung saan siya magugulat. Ang malamang maaating hindi pa patay si Lucia o ang malaman na may kapatid ito. Hindi sa imposible pero nakakagulat lang.

"Buhay si Lucia? P-Paano?"

Nakita niya ang unti-unting pag-tango ni Pierce. "Yes. She's alive." maiksing sagot nito na para bang iyon na ang kasagitan sa lahat.

Nakita niya ang pagbukas ng bibig ng lalaking tinawag nitong 'Pierre' tanda na may nais itong sabihin ngunit hindi itinuloy ng tingnan siya ng masama ni Pierce.

Nabawasan ang sama ng loob niya dito kahit papaano pero nanatili ang sakit na nararamdaman niya ng pagbintangan siya nito. Tsaka madami pa din itong kasalanan.

"Makonsensiya ka man sa isa, hindi parin non mababawasan ang kasalanan mo. Marami ka paring pinatay." aniya at iniwas ang tingin kay Pierce.

Masaya siya at hindi nito tinuluyan si Lucia, pero hindi sapat ang isang tama para pag takpan ang madaming kamalian.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ToxicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon