"Bye." mahigpit ang hawak niya sa kumot habang nakatagilid naman siya para hindi madali ang sugat sa kaliwang balikat.
"Bye." paos niyang sagot kay Zack, ayaw nitong pumasok kung hindi lang niya nakumbinsi ito. Gusto sana nitong dito na lang para alagaan siya. Mapait siyang ngumiti ng maalala kung bakit siya nasa ganoong sitwasyon.
Narinig niya ang pag-andar ng sasakyan nito tanda na naka-alis na ito. Her eyes drifted on the mirror besides her mini shelves. Kitang kita niya ang repleksyon dito.
Dalawang araw na siyang hindi pumapasok simula ng mabaril siya. Pati si Lucia ay nabalitaan niyang hindi rin pumapasok. Akala kasi ng mga ito ay si Lucia talaga ang target at hindi siya, na nagkataon lang na siya ang nabaril dahil nasa unahan siya nito.
Pierce use ropes as his method in killing women, kaya kung ito talaga ang target, pagkaka bigti ang papatay dito at hindi tama ng bala.
Kaya alam niya na, para sa kanya talaga ang tama ng bala na iyon. Gusto ata nitong, patahimikin siya o dahil alam nito na gagawin niya ang lahat para mahadlangan niya ang plano nito.
Sagabal ba , Pierce?
Agad niyang pinunasan ang luhang tumulo sa mata niya. Her heart aches. It hurts lalo na at hindi niya matanggap na nagawa nito sa kanya iyon.
Bakit hindi, Raine? Nakita mo siya pumatay hindi ba? Bakit, hindi niya magagawa sa iyo yun?
Hindi niya pinansin ang sakit sa balikat ng maupo siya at tumayo, naglakas papuntang sala. Pakiramdam niya ay namamanhid na siya. Emosyonal at pisikal. Pero hindi ito magawang isuplong.
Matagal ng pinatay ang huling taong nagpaka martyr, susunod na ba siya? Literal?
Napa pikit pa siya dahil nananakit ang mata. Bago ang salamin niya dahil nabasag ang luma, kaya hindi pa siya sanay.
Dati, takot na takot siyang mamatay. Halos luhuran niya ito sa pagmamakaawa. Nang araw na iyon, ng makita niya ang titig nito sa kanya habang sapo niya ang balikat na dumudugo, halos hilingin niya na, na sana, tinuluyan nalang siya nito.
Bakit pa siya nito bubuhayin, para pahirapan, Pierce?
Nang buksan niya ang libro ay nakita niya ang singsing, wala sa sariling tinanggal niya ang lace na nakatali dito at isinuot iyon sa kanyang hintuturo.
She stares on the ring on her middle finger. She caress it, delicately, unconsciously. Pagkatapos magbasa ay umakyat na siya sa kwarto para matulog.
Nagising lang siya nang may narinig siyang katok sa pintuan tanda na naka-uwi na si Zack. Hawak nito ang sintido ng madatnan niya sa sala.
"Zack," tawag niya pero nanatili itong nakapikit. Nagmulat lang ito ng marahan niya itong tinapik at doon lang siya napansin.
"May problema ba?" tanong niya dito.
"Dine-deny ang passport natin, Raine. Sabi nila approve na, tapos nag text sakin kanina. Hindi ko alam kung anong problema. Hindi na tayo matuloy-tuloy sa pag-alis." marahan siyang napakagat labi. Tiyak na kagagawan ito ni Pierce.
"Ibig sabihin,"
"Hindi tayo makaka-alis ng bansa ngayong linggo."
"Hayaan mo na, baka sa isang linggo maayos na-"
"Hindi Raine, nakita mo ba ang nangyari sayo? Iniisa-isa na talaga tayo ng lintek na killer na yan!" gigil na sambit nito.
Hinawakan niya ang kamay nito at nginitian. Kumalma naman ito sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Toxic
Mystery / ThrillerHinahanap ni Pierce ang nawawala niyang kapatid. Habang naghahanap siya ay nakilala niya si Raine, isang estudyante kung saan niya hinahanap ang babaeng makakapag turo sa kanya kung nasaan ang nawawalang kapatid. She was a hindrance for his plan, no...