Three days after graduation ay lumipad na din agad papuntang Canada si Ai.
Halos lahat na kasi ng relatives nya ay nandoon at yun din ang napagkasunduan nila ng parents nya na after ng College Graduation ay sasama na siya sa Canada.Lolo at lola nya nalang ang nandito sa Pinas pero sa ibang bahay nakatira.
Mag-isa sya sa kanilang bahay kasama ang maid na si Ate Luna kaya dun madalas mag sleepover ang magkakaibigan at tumambay.Pagdating ng Canada ay namasyal sya sa mga sikat na pasyalan sa bansa kasama ang mga pinsan nya. Maganda at malamig ng klima doon pero for her ay mas gusto nya pa din manirahan dito sa Pinas.
And finally, nahanap nya na si Mr.Right. Isang Canadian citizen with Filipino blood. Si Charlie ay nagwowork sa isang hospital as nurse at Pinoy ang kanyang parents pero sa Alberta, Canada na lumaki.
Moreno, matangkad at bilugan ang mga mata. Maganda ang pangangatawan dahil na din masyadong health conscious at naggi-gym.
Naipakilala na din ni Ai si Charlie sa mga kaibigan kasi a year ago nung nanliligaw palang ito sa kanya ay kasama nya ito kapag nag-uusap sila sa Skype na magkakaibigan.
Si Ai ay nagwowork as front desk sa Marriott In-Terminal Hotel. Pero gusto nya bumalik ng Pilipinas at plan nya this year ay babalik sya ng Pinas since naka dual-citizenship naman sya.
Hindi nya pinaalam ang plano niya sa mga kaibigan dahil gusto nya i-surprise ang mga ito. Wala naman problema sa parents niya kasi ever since ay suportado nila ang mga desisyon ni Ai sa buhay at pinagkakatiwalaan nila ito.
Wala din problema sa bf niya na si Charlie ang desisyon nya. Magiging LDR nga lang sila at they also want to try if magwowork sa kanila ang ganung set-up. Charlie made a promise to Ai na he will visit her and mamamasyal sila sa mga tourist spot sa Pinas.
Sa May 15 ang flight ni Ai pabalik ng Pinas at sobrang excited na sya. Hindi sya nagparamdam sa mga kaibigan para mamiss daw sya at acting nya lang para sa surprise na gagawin nya.
Birthday nya din kasi ng May 17 at dun ang plan niya isurprise ang tatlong kaibigan.