Tinuloy ni Cath ang pagmamanage ng business nila sa Laguna. Yun naman talaga ang naging plan nya after graduation dahil sya ang inaasahan ng parents nya.
Maayos din kasi ang business nila na footwear dahil sila ang supplier sa mga tiangge at mall kaya maganda din ang kita. Tinuruan din sya ni Ysa na gumawa ng website para sa business nila para lalo pa itong makilala.
May edad na din kasi ang parents nya kaya sa kanya na din ito pinamanage.
Si Nash naman ay nagwork sa isang kompanya sa Makati kaya LDR sila. Naging open naman si Cath kay Nash na sa Laguna na siya titira after graduation pero ok lang sa kanya.
Pumupunta si Nash every weekend sa Laguna or tuwing may occasion kasi may sasakyan na siya except kapag may need gawin sa work.
Naging masaya ang unang taon nila. Puno ng kilig at saya. Nandyan na isusurprise ni Nash si Cath sa Laguna kahit weekdays dahil namimiss nya daw ito.
Pero tulad sa isang relation ay may mga away at tampuhan din sila. At sa mga kaibigan nagshi-share si Cath about it. Open naman sya sa mga ito kahit malayo sya pero this year ay bihira na sya magparamdam.
Siya pa naman ang pinaka ate sa barkada at hingian ng advise about lovelife dahil sya ang may experience about love sa kanilang apat. Lagi nya pinapayuhan ang mga kaibigan na piliin ang nararapat na lalaki at huwag basta-basta kung sino lang.
Gusto nya din talaga maging Flight attendant at magtravel dahil yun din ang natapos nya. Naiinggit sya sa mga kaibigan nya na kahit papaano ay nagagawa ang gusto.