Dahil summer ngayon at vacation from school ng mga students, nag solo travel na naman si Ysa sa Queen City of the South - Cebu City. Madalas sya nagta-travel mag-isa pero minsan ay with classmates.
Ysa posted an update on her Instagram story.
Let's go Cebu✈
With matching picture sa ulap habang nasa eroplano.
Nakita agad ni Aica ang story ni Ysa kasi nasa taping pa sya ng current teleserye nya na Prince Diary at napa-reply ng "Have a safe flight ghorl! Kakainggit! Baka nasa Cebu na si The One. Lol!"
After an hour ay lumapag na ng Mactan Airport si Ysa. Picture dito, video doon. Kasi nga vlogger ang peg ni ate ghorl. At sobrang ganda naman talaga ng Mactan Airport.
While waiting sa Mybus going to Cebu City, may namukaan si Ysa sa pila at tinawag nya agad ito.
"Nash!" Sigaw ni Ysa.
Napahinto si Nash sa pakikipagkwentuhan sa mga kasama at napalingon.
"Ysa?!" Gulat na sagot nya.
Napayakap si Ysa sa kanya sa sobrang tuwa kasi hindi na sya iba sa barkada dahil bukod sa boyfriend sya ni Cath ay naging kaibigan din namin sya for 4years.
"Ah! Eh! Ka-officemate ko pala. Ano ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang ba?" Saad ni Nash na halatang nagulat sa pagkakita kay Ysa.
Kumaway at tinignan ni Ysa ang mga kasama ni Nash. Isang babae at isang lalaki. Tatlo lang sila at work related daw ang sinadya nila sa Cebu.
"Parang nakakita ka naman ng multo nang makita mo ko." Pabirong sabi ni Ysa.
"Ah hindi ah. Nagulat lang ako sa pagtawag mo. Don't tell me single ka pa din ah." Paliwanag nya.
"Oo noh. And I'm fine with it. Kamusta na pala si Cath? Buti pa ikaw nakita ko samantalang sya hindi. Tapos hindi pa sya nag-uupdate sa GC namin at wala na din siyang mga post." Tanong ni Ysa sa kanya.
Napatigil si Nash at huminga ng malalim.
"Okay naman sya. Medyo busy lang sa business kasi madami order sa online eh." Sagot ni Nash.
"Wow! Business woman na talaga ang friend namin. Paki-kamusta mo ako sa kanya. Sabihin mo miss ko na sya. Kahit tawag ko hindi nya sinasagot eh."
Dumating na ang bus at nahinto ang kamustahan nila. Bumalik si Ysa sa bandang likod ng pila at si Nash ay nakipagkwentuhan na ulet sa ka-officemate nya.
Dumating na sa Terminal ng Mybus at nagpaalam na sa isat-isa.
"Sige Nash, pupunta muna ako dito sa SM. Bibili muna ako ng mga toiletries. Nice meeting you po. Ingat kayo." Paalam ni Ysa sa kanila habang papuntang SM.
Kumaway din ang grupo ni Nash at ngumiti habang papaalis.
Bumili si Ysa ng shampoo, sabon, toothpaste etc para sa gagamitin sa 5 na araw dito sa Cebu. At nag almusal na din muna siya sa Mcdo. Sinimulan nya ang travel nya sa pagsimba sa Sto.Niño Church para magpasalamat. Kasama din sa panalangin nya na sana ay makilala na nya ang taong magpapasaya at dagdag inspiration sa kanya.
Paalis na siya ng simbahan ng mapalingon sya sa upuan at may nakitang wallet. Kaunti lang ang tao sa simbahan at lahat ay taimtim na nagdadasal.
Dinampot nya ang wallet at tumingin sa paligid. Mukhang panglalaki ang wallet. At kinabahan sya kasi baka modus lang yun ng masasamang loob.
Iniisip nya kung bubuksan nya ba iyon kasi baka may id or any contact details pero hindi nya ginawa. Inilagay nya sa loob ng bag nya at lumabas na ng simbahan. Dahil na din pupunta na sya sa next location ng travel nya kasi masisira ang itinerary kung hahanapin nya pa ang may-ari.
Basta ang sabi nya lang sa sarili nya ay ibabalik nya un ng buong-buo. Walang labis at walang kulang.
Habang naglalakad papunta sa likod ng simbahan dahil dun lang ang second loc nya ang sikat na Magellan's Cross ay naiisip nya pa din ung may-ari ng wallet.
May pamasahe pa kaya sya?
Kaso may laman bang pera ung wallet na 'to?
Matanda na kaya sya? Cute kaya sya?
Baka sya na ang soulmate ko.Ayan ang mga bumabagabag sa isip ni Ysa habang naglalakad.
After sa Magellan's Cross ay bumalik sya ng Sto.Niño Church. Hindi kasi sya mapalagay. Magbabakasakali siyang bumalik ang may-ari ng wallet na iyon.
Habang nakaupo sa upuan kung saan nya napulot ang wallet ay nagdasal pa sya.
Lord, bubuksan ko po itong wallet para tignan lang po kung may contact details.
Binuksan nya ang wallet at hinanap kaagad kung mayroon id na nakalagay. Sa kasamaang palad ay walang id, baby picture lang, mga papel at pera ang laman nito. Lumuhod sya at nagdasal muli.
Lord, kung sino man po ang may-ari nito nawa'y makauwi po sya ng maayos at ligtas. Ibabalik ko po ito sa kanya ng buong-buo kaso paano ko po sya makikita?
Binalik nya ang wallet sa bag at lumabas na ng simbahan. Nagtungo at pinagpatuloy ang itinerary nya.
Sa Day 1 nya ay naglibot sya sa Cebu City. Dahil na din friendly si Ysa at mababait ang mga Cebuano ay hindi sya nahirapan. Picture dito, video doon para sa vlog niya. The next day ay nag whale watching sa Oslob, Sumilon Island, Badian Canyoneering at syempre nag emote sa Kawasan Falls.
Sa ikatlong araw ay maaga siyang nagpunta ng Bantayan Island. Sobrang ganda ng beaches sa Cebu at talagang marerelax ka. Dalawang araw sya nagstay doon. Kahit mag-isa siya ay talagang nasulit at na-enjoy nya. On her 5th day ay bumalik na sya ng Cebu City at namili ng pasalubong. Dumaan muna sya sa isa sa sikat na spot sa Cordova ang 10,000 roses at dumiretso na ng Mactan airport.
Sobrang nag-enjoy at may nakilala na mga other travelers at mababait na Cebuano.
Walang update na nareceive si Ysa from other girls except kay Aica na puro heart react sa post at stories nya.
Ysa texted Cath na nakita nito si Nash sa Cebu but no reply pa din. Nagsesend din siya ng mga travel pics sa viber at messenger kahit seen from Cath and Ai wala. Busy siguro talaga sila.
Ysa went back to Manila after 5-day adventure in Cebu. Niligpit nya ang mga gamit nya at nakita nya na naman ang wallet. Pinicturan nya ito at plan nya isama sa vlog nya kasi baka mapanood ng may-ari. Nagshower siya saglit para mas presko sa pagtulog.
Plano nya na matutulog sya hanggang tanghali bukas at sa gabi ay mag eedit para sa vlog na i-uupload niya.
Bago nya patayin ang ilaw at pumikit ay nagcheck sya saglit ng newsfeed sa Facebook at nag good night sa Viber group ng barkada.
Good night, folks! I miss you all. I wish na magkita-kita tayo lalo ngayong vacation. Puhon.
*Emoji
