Except from travelling, mahilig sya magdrawing and painting kaya nag-aral sya ulet ng Architecture. For her, knowledge is a continuous learning process.
Isa sa pangarap niya ay magkaroon ng bahay na siya ang nagdesign at ang mga Kuya nya mismo ang Engineer.
Hindi sya nauubusan ng gagawin. Kaya siguro single pa din sya until now. She always make herself busy. Madiskarte sa buhay kaya madami na din sya ipon kahit nag-aaral palang.
Dahil na din sa hilig nya magbrowse sa kung anu-anong social media sites ay naisipan niyang gumawa ng channel sa youtube at umabot na din sa 30k+ ang subscribers nya.
More on travel vlogs, advises sa mga followers at kung anu-ano lang ang pinopost nya. Hindi nya inakala na dadami ang followers nya kasi she made that channel to upload ang mga travels nya. Pero madami pala sya nainspire sa mga pananaw nya sa buhay.
Dito umiikot ang mundo nya. Aral, vlogging at travel. And she's very happy that until now, her parents and siblings still supported all her plans in her life.
But somehow, naiisip nya din na ano kaya ang feeling ng may boyfriend?
Yung lagi mo katext, kausap, susunduin ka sa school at kakamustahin ang araw mo. Kasama mo sa mga travel mo at susuportahan ka sa lahat ng gagawin mo."Am I ready to enter in a relationship?
Meron naman nanliligaw saken bakit hindi ko sila ini-entertain?
Am I scared?"Yan ang last update ni Ysa sa FB status nya.
Madaming nagcomment at nagreact sa post na yun. At may nagsend ng friend request- Aries Gamboa. No mutual friend pero familiar ang name for her.