Aica's Life

8 0 0
                                    

After graduation ay nagstart na kaagad magpictorial si Aica for Sweetest Cologne dahil kinuha siyang endorser.
At nag guest sa ibat-ibang show ng Channel 9.

Maganda naman kasi talaga si Aica. Bukod sa pagiging muse noong College ay mabait ito at parang beauty queen ang dating.

Bata palang sya ay commercial model na siya at malakas talaga ang appeal. Pinsan nya din kasi ang isa sa sikat na artista ng bansa na si Kathryna Bernardino. Kaya nasa lahi talaga nya ang pag-aartista.

Si Enrique Gil Morales ang ka-loveteam nya hanggang ngayon at ang balita ay nililigawan na siya nito. Ultimate crush nya din kasi si Enrique nung College.

Madami din siyang basher pero double naman ang fans niya at ang loveteam nila. Yun nga lang ay hindi na din sya masyado nakakakalabas ng bahay kapag walang taping kasi nagpapahinga nalang sya at dinadagsa din sya ng tao.

May sarili na siyang condo near Channel 9 at mag-isa lang sya doon kasama ang 3 niyang alagang aso. Pero sa kabilang unit lang naman ang pinsan niyang si Kathryna.

Hindi nya din maiwasan na malungkot minsan dahil namimiss nya ang mga kaibigan nya nung college kasi sa showbiz ay iilan lang din ang friends niya at most of the time yung pinsan nya lang na si Kathryna ang kasama nya at bf nitong si Damiel Padillo.

Third wheel sya madalas pero minsan naman sumasama si Enrique kapag may free-time din kaya nagdodouble date sila.

Pero for her iba pa din ang solid na barkada nya nung College. Hindi kasi sila sanay sa mga party sa bar. Sa bahay lang nila Ai ay masaya na sila. Pajama party, movie and taco nights. At tawanan at kwentuhan magdamag.

Ngayon ay busy siya sa taping ng sikat na teleseryeng Prince Diary dahil patapos na itong May. Finally at magkakaroon na siya ng medyo mahabang pahinga from work at plan niya mag unwind and relax.

Friends FOUReverWhere stories live. Discover now