Chapter 3

4 0 0
                                        

Sa Laguna na namalagi si Cath. Tatlo silang magkakapatid at may sarili ng pamilya ang mga Ate nya kaya sya ang pinamahala sa Negosyo nila dahil parehas ng Senior ang magulang niya.

Masaya ang naging unang taon nila ni Nash bilang magnobya kahit LDR. Nasa Makati nagwowork si Nash habang sa Laguna naman si Cath.

Laging updated ang dalawa sa isa't isa. Tuwing weekends ay binibisita niya si Cath sa Laguna. Tumutulong siya sa negosyo tuwing sabado at nagsisimba naman sila tuwing linggo at pasyal.
Hindi nakakalimot sa bawat okasyon na mahalaga sa kanila especially monthsary. Hindi din sya nawawalan ng mga pakulo at surprise kay Cath.

Halatang boto din ang pamilya ni Cath sa kanya. Dahil kung minsan ay sila pa ang nag-iinvite dito tuwing may occasion. Actually napromote pa nga si Nash sa work sa kanyang unang taon bilang Assistant Branch Manager sa isang Telecom Company. Hard working naman kasi talaga si Nash at magaling makisama.

Nagcelebrate sila ng 1st anniversary sa Tagaytay. Hindi inexpect ni Cath na pupunta si Nash ng araw na iyon dahil weekdays at ang alam nya ay weekends na sila magcecelebrate. Si Nash ang nagset-up at sinurprise si Cath dahil nagleave pala ito sa work for 2days.

Sobrang sweet at bagay talaga nila. Maagang sinundo ni Nash si Cath at sa sobrang biglaan ay hindi pa ito nakaligpit ng gamit. Kaya inayos nya sandali ang mga gamit nya na dadalhin at nagpaalam na sila sa mga magulang ni Cath. Sila Tita Lyn at Tito Jomar na muna ang mag-aasikaso habang wala si Cath dahil anniversary naman nila at nagpaalam talaga si Nash.

Dumiretso sila agad sa Caleruega Church para magsimba. Sobrang ganda ng simbahan na yun. Nagdasal sila parehas ng taimtim at nag-ikot-ikot dahil ang ganda ng lugar. Magkahawak ng kamay ang dalawa at hindi maalis ang ngiti sa mga mukha.

Pagkatapos magsimba ay naglunch sila sa Leslie's Restaurant dahil nagcrave sila sa Bulalo. Sobrang ganda ng view sa lugar na yun habang may kumakanta pa ng love songs. Inenjoy nila bawat moment ng mga araw na iyon. Nagdinner sila sa Bag of Beans at dumiretso sa Wind Residences kung saan sila nagstay for a night dahil 2days sila namasyal sa Tagaytay.

Sa ikalawang araw ay maaga silang nagpunta sa People's Park in the Sky. Nag drive thru nalang sila sa Mcdo for their breakfast at sa sasakyan na kumain. Sumakay sila ng kabayo at inenjoy ang hangin at lamig sa lugar na inyon. Naglunch sila sa Sonya's Garden. Pagkatapos nun ay nagpunta sila sa Skyranch at sumakay ng ilang rides. Sumakay sila sa mataas na ferris wheel ng Tagaytay na kitang-kita halos ang buong Tagagtay at ganda ng Taal.

Bumili sila sa Mahogany Market ng ipapasalubong kila Tita Lyn at Tito Jomar pati na din sa iuuwi ni Nash sa parents at Officemate nya sa Manila dahil malamang kakantyawan siya ng mga ito.

Bago sila umuwi ay dumaan muna sila sa Pink Sisters Convent para magsimba dahil gusto makapunta ni Cath doon. Napangiti pa si Cath pagpasok ng simbahan dahil naalala nya ang kwentuhan nila ng mga kaibigan na once na maging Madre sila ay gusto nila sa Pink Sisters dahil naka-pink ang mga Madre.

Umuwi silang masaya at halata ang ngiti ng kanilang mga mata. Hinatid muna ni Nash si Cath. Bago bumaba ng sasakyan ay inabot naman ni Cath ang regalo nya kay Nash.

"Thank you. Nag-enjoy ako sa surprise mo. Ito pala ang gift ko sayo."

"Basta para sayo gagawan ko ng paraan. Nag-abala ka pa dito sa gift mo."

"I love you, Nash. Sana wag ka magsawa sa ganitong relasyon naten."

"Hinding-hindi ako magsasawa Mahal ko. Happy Anniversary sa aten. I love you more."

Hinalikan ni Nash si Cath sa labi at matagal na nagyakap ng mahigpit na medyo naluluha pa.

Bumaba na sila ng sasakyan at inabot ang mga pasalubong. Nagpahinga saglit si Nash at doon na din nagdinner dahil nagluto si Tita Lyn ng Sinigang na hipon. Maya-maya ay umalis na din ito pabalik ng Quezon City kung saan sila nakatira.

Masaya at puno ng pagmamahalan ang naging unang taon ng kanilang relasyon. Pero tulad nga ng mga relasyon ay kung minsan ay may tampuhan na nasosolusyonan din kaagad.

Makalipas ang pitong buwan ay medyo nabawasan ang kanilang pagkikita. Marahil na din na mas naging busy si Nash sa work dahil promoted na sya at may ibang activities every weekends. Once a month nalang sila kung magkita.

Tumunog ang cellphone ni Cath.

*Nash is calling

Hindi ito sinagot ni Cath. Nagtatampo sya kasi hindi pa din sya nito binabati. Nung 22nd monthsary kasi nila ay nakalimutan siyang batiin ni Nash. Hindi nya din pinaalala ito sa nobyo sa halip ay hindi nya din binati. Tatlong araw na ang nakalipas at hindi nya pa din sinasagot ang tawag at txt ni Nash.

Nagtxt si Nash kay Tita Lyn para kamustahin si Cath.

"Good pm po Tita. Nandyan na po ba si Cath sa bahay?"

"Wala pa sya dito. Nagtxt sya na pauwi palang sya dahil may humabol pa na huling order."

"Ah ganun po ba Tita. Sige po salamat."

"Bakit hindi mo ba sya nakausap? May problema ba kayo?"

"Hindi po kasi sya nagrereply sa txts at calls ko mga 3 araw na po."

"Ganun ba. Sige at itatanong ko sa kanya ano ang problema."

"Ayyyy wag na po Tita. Pupunta nalang po ako dyan bukas tutal sabado naman po."

"O sige. Pag-usapan nyo yan. Mag-iingat ka."

"Kayo din po Tita. Good night."

Kinabukasan ay pumunta si Nash ng Laguna. Nagmano sa magulang ni Cath.

"Gising na po ba si Cath?"

"Hindi pa lumalabas ng kwarto. Baka tulog pa." Wika ni Tito Jomar.

"Nag-almusal ka na ba? Halika dito at sabayan mo na kami. Malamang mamaya pa yan babangon dahil hindi daw sya pupunta sa pabrika ngayon." Pag-aaya ni Tita Lyn habang may hawak na pandesal.

Umupo ito sa lamesa at sumabay na din mag-almusal. Pagkatapos ay pinuntahan na nya si Cath sa kwarto para gisingin.

Pumasok si Nash sa loob ng kwarto at nakita niyang gising na pala si Cath at nanonood ng Kdrama sa Netflix.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Bakit hindi mo sinasagot mga texts at tawag ko?"

"Busy ako. Madami akong ginagawa. Parang ikaw."

"Mag-usap tayo. Hindi ko kasi alam anong problema eh."

"Huh?! May amnesia ka na yata. Hindi mo na alam ang nangyayari."

"Cath, seryoso ako. Ano ba ang problema? Pasensya ka na kung hindi na ako nakakapunta. Lagi naman kita tinitxt para kamustahin ka. Hindi ko alam bakit bigla mo nalang akong hindi nireplyan."

"Wala ka ng naaalala. Pati monthsary naten kinalimutan mo na."

"Ayun ba ang problema mo? Bakit ikaw hindi mo din naman ako binati ah. Hindi mo nga man lang ako kinakamusta. Kung hindi ako magttxt hindi ka magttxt. Kung hindi ako tatawag, hindi ko maririnig ang boses mo."

Tumahimik sila parehas at umupo si Nash sa tabi ni Cath. Niyakap nya ito at nagsorry.

"Umuwi ka na. Ako ang may problema. Mas mabuti pang magcool off na muna tayo."

"Ganun lang ba un? Dahil sa hindi kita nabati? Ang babaw naman nun."

"Parehas tayong busy at malayo sa isa't isa. Ayoko na makadagdag pa sa pagkakaabalahan mo."

"Kaya nga ako pumunta dito para pag-usapan naten ito."

"Umuwi ka na. Baka madami ka pang gagawin. Ayaw na muna kita makita. Umuwi ka na."

Umalis na si Nash at nagpaalam na sa magulang ni Cath.

Buong araw na yun ay hindi lumabas si Cath ng kwarto. Pinuntahan sya ni Tita Lyn na may dalang pagkain pero ayaw nya din itong pagbuksan. Kinabukasan linggo ay hindi pa din ito lumabas ng kwarto. Nag-aalala na ang kanyang magulang dahil hindi pa ito kumakain.

Simula ng araw na iyon ay hindi na sila nagkita at nagkausap. Nagttxt si Nash kay Tita Lyn para kamustahin si Cath dahil kahit anong txt nya kay Cath ay hindi sya nirereplyan nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Friends FOUReverWhere stories live. Discover now