Kabanata 7 - Tagpuan

23 2 0
                                    


"Muntik na tayo 'don Reg!", sabi ni Aliana habang papasok na sa bahay nila.

"Oo nga! Mukhang magbabago na naman ako ng raket nito! Napakamalas talaga!", sagot naman ni Reg.

Sinalubong sila ni Kyemi na kakagising lang. Tinanong sila ng kanilang bunso kung bakit daw sila ginabi masyado. Ikinuwento ni Reg kung ano ang nangyari sa kanila. Naunawaan naman ito ni Kyemi, ngunit siya'y bahagyang nainis sapagkat nag-alala siya sa dalawa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung mawawala sila. Niyakap ni Kyemi ng mahigpit ang dalawa at saka sabay na nagsitungo sa kanilang mga silid upang magpahinga.

Maagang nagising si Reg upang maghanda ng almusal. Nang gumising ang dalawa ay sabay na silang kumain habang nagki-kwentuhan ng mga nakakatawa nilang karanasan.

"Naalala n'yo pa ba noong bagong salta pa tayo rito tapos napaaway tayo? 'Di ba tumakbo tayo at nagtago sa isang abandonadong bahay, tapos may biglang lumitaw na batang babae. Muntik na tayong mamatay sa takot noon. Tapos nagpakilala siya sa'tin at naging matalik natin siyang kaibigan. Hahaha!", masayang kwento ni Kyemi habang patuloy sa pagkain.

Panay ang tawa ng magkakapatid sa kanilang mga kwento. Rhian ang pangalan ng batang nakilala nila sa abandonadong bahay na iyon, isa rin itong magnanakaw at miyembro ng isang kilabot na gang. Nang matapos sila ay agad na nagbihis si Reg upang maghanap ng bagong raket kasama si Rhian.

"Rhian? May alam ka bang ibang raket dyan?", tanong ni Reg kay sa kaibigan.

"Hmmm. 'Di ba marunong kang makipagbasag-ulo?", tanong rin ni Rhian sa kanya.

"Oo naman! Dyan ako magaling. Bakit? May alam ka bang raket na may basagan ng ulo? Kahit saan papatulan ko! Kailangan ko lang kasi talaga.", sagot ni Reg.

"Alam ko na! Ipapakilala kita kay Boss Diggie. Marami siyang alam na raket.", bulalas ni Rhian na punong puno ng sigla.

Agad silang nagtungo sa kinaroroonan ng kakilala ni Rhian. Pagpasok pa lamang nila sa lugar, sinalubong agad sila ng napakaraming mga tauhan ni Boss Diggie na may hawak na iba't ibang klase ng baril.

"Boss, si Reg nga pala, kaibigan ko.", pagpapakilala ni Rhian kay Reg.

"Anong kailangan n'yo?", tanong ni Boss Diggie nang hindi man lamang tumitingin sa kanilang dalawa.

"Naghahanap po kasi siya ng pagkakakitaan boss,  kahit ano raw po o kahit saan pa man 'yan.", sagot naman ni Rhian.

"Ano ba ang kaya mong gawin?", tanong ni Boss Diggie na bahagyang iniangat ang tingin upang makilatis ang kaibigang dinala ni Rhian sa kaniyang teritoryo.

"Nagnakaw po ako sa loob ng mahabang panahon. Kaya ko rin pong makipag-away!", agad na sagot ni Reg.

"Boss isa po siya sa dalawang babaeng nasa balita!", sambit ni Rhian.

"Ha? Ibinalita ba ang nangyari kagabi?", pabulong na tanong ni Reg kay Rhian.

"Ikaw pala 'yon? Oh sige, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo.", sabi ni Boss Diggie saka sumenyas sa kaniyang mga alalay.

Sinugod si Reg ng pito sa mga tauhan ni Boss Diggie. Itinulak niya si Rhian papalayo saka sinipa patalikod ang lalaking sumugod mula sa likod. Isa isa niyang pinatumba ang mga lalaking makikisig ang pangagatawan. Nagulat si Boss Diggie sa ipinamalas na galing ni Reg at agad niya itong tinanggap nang walang pag-aalinlangan.

"Salamat po.", sabi ni Reg kay Boss Diggie.

"Walang anuman. Ngayon, may ibibigay akong raket sa'yo. Pero, sigurado ka bang gusto mo 'to? Kapag pumayag ka, wala nang atrasan pa.", babala ni Boss Diggie sa kanya.

Transforming Angels Into DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon