"Bilisan mo naman maglakad, Kyemi. Baka may makahabol sa 'tin.", sabi ni Reg habang hatak-hatak ang kawawang si Kyemi na siyang pinakabata sa kanilang lahat."Sandali lang naman, Reg. Kita mo namang maiksi pa ang mga binti niya, e.", pabiro namang sagot ni Aliana.
"Wala na tayong dapat pang aksayahin na oras. Kailangan na natin makalabas sa gubat na 'to.", seryosong bulalas ni Reg nang hindi lumilingon at patuloy lang sa paglalakad.
"Bakit ba kasi tayo dito dumaan?", inosenteng tanong ni Kyemi.
"Para hindi nila tayo mahanap kaagad, Kyemi.", malumanay na paliwanag ni Aliana.
Napatigil naman bigla ang dalawa nang biglang nanigas si Reg sa kanyang kinatatayuan. Lumingon-lingon pa ito sa paligid bago sabihing kailangan raw nilang magtago.
"Bakit? Anong meron?", natatarantang tanong ni Aliana.
"May mga nakasunod sa 'tin.", sagot ni Reg at sumenyas na kailangan nilang umakyat sa punong nasa harapan nila.
Inalalayan nila si Kyemi at saka sila nagsi-akyat sa puno. Nagmasid si Kyemi mula sa pinakatuktok ng punong iyon. May nakita siyang tatlong lalaking may hawak na mga patalim ang paparating sa kanilang kinaroroonan.
"Ako ang bababa. Oras na para magamit ko ang lahat ng natutunan ko sa mga training natin. Bantayan mo si Kyemi, Aliana. Pero kapag hindi ko kinaya ang tatlong 'yon, saka mo na ako tulungan. Naiintindihan mo ba?", mala ulirang kapatid na sabi ni Reg kay Aliana.
Nang makita ni Reg na nasa paanan na ng punong inakyatan nila ang tatlong lalaking naghahanap sa kanila, inundayan niya ito ng malakas na pagtalon pababa. Nawalan ng malay ang isang lalaking nasipa ni Reg sa ulo nang siyay bumaba, kaya dalawa na lang ang po-problemahin niya.
Umatake nang sabay ang mga lalaki ngunit nakakalusot lamang si Reg dahil siya'y batang maliit. Binigyan niya ng malusog na tadyak sa bayag ang isa, sabay suntok sa pagmumukha nito. Hinawakan naman siya ng isa sa kanyang mga braso mula sa likod kaya ini-untog niya ang kaniyang ulo sa lalaking 'yon.
Pagharap na pagharap niya ay nakita niyang nakahilata na sa lupa ang lalaking panay hawak sa kanyang ilong at halatang iniinda ang matinding kirot. Ngunit, natigilan na lamang si Reg nang mapansin ang isang matalas na patalim na nakatutok sa pagitan ng kanyang mga mata. Nakatayo na ang lalaking nabagsakan niya kanina.
"Naku, kailangan na ako ni Reg. Dito ka lang Kyemi. Huwag kang gagalaw.", paalala ni Aliana at nagpatihulog din mula sa sanga ng punong iyon.
Hindi siya napansin ng lalaking may hawak na patalim kaya tahimik siyang lumapit sa lalaking may hawak sa ilong niya at sinipa ito sa sikmura bago kunin ang patalim nito.
"Akala mo makakatakas kayo, no? Puwes, ito na ang katapusan ninyo--", napanganga na lamang ang lalaki at biglang lumagapak sa lupa.
Kasabay ng pagbagsak ng katawang iyon ay ang pagbungad ni Aliana sa harapan ni Reg na may hawak na kutsilyong punong puno ng dugo. Nginitian nila ang isa't isa, tinawag si Kyemi upang ito'y makababa na, at nag-isip kung ano ang sunod nilang gagawin.
"Alam ko na!", bulalas ni Aliana na ang hintuturo ay nakaturo sa taas na tila ba mayroong kung anong bumbilya ang umilaw nang dahil sa ideyang naisip niya.
...
Pakiramdam nila'y ilang oras na silang naglalakad sa masukal na lugar na iyon. Hanggang sa makakita silang tatlo ng kalsada. Tuwang tuwa sila sapagkat magagawa na nila ang kanilang plano.
"Oh, handa ka na ba, Kyemi? Basta magpapanggap kang patay, okay?", tanong ni Aliana sa bunsong kaibigan.
Tumango naman si Kyemi kaya ay binuhat na siya ni Reg na tila ba bagong kasal, ngunit punong puno ng dugo ang mukha at katawan. Naglakad sila papalapit sa kalsadang kakaunti lamang ang dumadaan.
"Tulong! Tulong! Tulongan n'yo po ang kapatid namin!", pag-arte ni Aliana habang malungkot na dala-dala ni Reg ang kunwari'y bangkay ni Kyemi.
May mga residenteng nagtaka sa kanilang nakita. Ngunit nanaig pa rin ang pagiging matulungin ng mga ito at nagtawag pa ng taxi ang mga ito. May isang medyo matandang babae ang sumama sa pagsakay sa taxi upang ihatid sila sa ospital, ngunit sa kahabaan ng biyahe nila'y biglang gumising si Kyemi.
Nagulat ang babae at napasigaw. Nataranta naman ang tsuper at naibangga ang sasakyan sa likod ng isa pang sasakyan. Bumaba ang drayber upang makipag-usap sa may-ari ng sasakyang nabangga niya.
Pagkalabas na pagkalabas ng tsuper, bumunot kaagad ng patalim si Reg mula sa likod ng kanyang pantalon at itinutok ito sa babae. Namutla naman ang kawawang babaeng iyon at napilitang ibigay lahat ang kaniyang pera sa mga bata.
Pinakawalan naman siya ng mga bata na agad bumaba sa taxi at nagsitakbo papalayo. Napunta sila sa isang eskinitang puno ng iskwater. Bigla na lamang silang pumasok sa isa sa mga bahay na walang tao at nakiligo, nakibihis, at nakikain pa. Nang matapos ay umalis din ang mga bata upang harapin ang kanilang madilim na kinabukasan. Alam nila sa kanilang mga sarili na ito na ang magiging kapalaran nila. Ang maging sakim.
BINABASA MO ANG
Transforming Angels Into Demons
Ficción GeneralPaano kung ang babaeng sa unang tingin ay tila mala anghel ay may tinatago palang dilim sa kanyang pagkatao? Matatanggap mo kaya ang isang babaeng natatangi sa ganda, ngunit nakakasindak sa sama? Subaybayan ang limang maririkit ngunit mababagsik na...